“JOVINA LUZZEL ALEGRE! Wake up!”
Narinig niyang sigaw sa kanya ng kapatid niyang si Alyssa. Ngunit imbes na idilat ang mga mata at nagtalukbong pa siya ng kumot at pinag-igi apa niya ang pagkakayakap sa unan niya. Late na din kasi siyang natulog kagabi dahil sa mga sales report na binabasa niya.
Naramdaman niya ang pagyugyog nito sa kanya.
“Wake up na, Ate. We have many things to do this day. Remember, ngayon tayo lilipat sa bagong mansion natin!”sabi ng kapatid niya sabay hila ng comforter niya.
Umungol siya. Nawala sa isip niya ng ngayong araw pala sila lilipat sa bagong bahay nila sa Hermoso Avenue. Isang sikat na exclusive subdivision iyon. Maraming mga bigatin na tao sa ibat'-ibang industriya ang mga nakatira doon. Kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na nakabili siya ng bahay sa Hermoso.
Muli siyang napaungol ng hilahin na siya ni Alyssa mula sa pagkakahiga.
“Dapat kasi hindi ka nagppuyat kagabi. Alam mo naman na ngayong araw tayo lilipat eh.”sermon nito sa kanya.
Dahil alam niyang hindi siya mananalo sa pangungulit ng kapatid niya ay minabuti na lang niyang idilat ang mata. Nang i-chek niya ang oras at malaman na quarter to six pa lang ay awtomatikong napahiga ulit siya. Masyado pang maaga para gumising.
Napapadyak sa inis si Alyssa. Maya-maya ay naramdaman niyang dinaganan siya nito sabay kiliti sabeywang niya. Agad na nabuhay ang dugo niya sa ginawa ng kapatid. Alam na akam nito na malakas ang kiliti niya.
“Stop it! Alyssa!”
Dali-dali siyang tumayo para makalayo dito.
“Ano? Gising ka na?”nakangising tanong nito. “O gusto mo pa?”
Napairap siya. Talagang alam na alam ng kapatid niyang ito kung paano siya mapapasunod sa gusto nito.
“Oo na. Eto na nga nakabangon na.”
Hindi pa nakuntento ang kapatid niya at hinila na siya nito papunta sa C.R. Naiiling na nagpaubaya na lang siya sa gusto nito.
“I'll give you twenty minutes to prepare!”
Napailing nalang siya habang naliligo. Actually, matagal ng excited ang kapatid niya simula ng malam nito na nakabili siya ng bahay sa Hermoso Avenue. Ang gusto pa nga nito ay agad-agad na silang lumipat. Nagdahilan na lang isya na marami pang papeles na aasikasuhun bago sila makalipat.
She sighed. Sa ngayon, kuntento na siya sa kung ano ang narating nilang magkapatid.
Sixteen years old pa lang kasi siya ng mamatay sa isang car accident ang magulang nila ni Alyssa. That time, hindi niya alam kung anong iisipin niya. She was young back then at wala pa siyang idea kung paano mabuhay ng wala ang parents niya. Paano niya bubuhayin ang kapatid niya? Paano niya ito maalagaan? Paano kapag may masamang nangyari dito dahil sa kanya?
Sa sobrang gulo ng isip niya noon ay umbaot pa sa punto naipaampon si Alyssa sa isang malayong kamag-anak nila. But in the end of the day, nanaig ang pagmamahal niya dito. Isipin pa lang niya pati ang kapatid niya ay mawawala sa kanya ay parang mababaliw na siya.
Kaya sinikap talaga niyang makapagtapos ng college. May naiwan naman na malaking pera ang parents niya sapat para mabuhay sila ng maalwan ng kapatid niya. Pero hindi naman pwedeng doon na lamang sila umasa ni Alyssa. Kaya naisipan niyang magtayo ng isang salon, ang Salon de Poseur. Itinayo niya ang business niya na iyon sa tulong ng gay bestfriend niyang si Rona.
Hindi din niya expected na lalago ng husto ang salon niya. And now, they have more than fifty branches nationwide. Kilalang-kilala na ang salon niya lalo pa at mga bigating personalidad ang mga nagiging customers nila.
Kung anuman ang kinalalagyan nila ngayon ng kapatid niya ay kuntento na siya. Hindi niya pinagsisisihan na sinnubukan niyang abutin ang mga pangarap niya. Kaya nga pagkatapos niya ng college ay agad siyang nagconcentrate sa pagpapalago ng salon niya.
Ang importante sa kanya ngayon ay ang makapagtapos ang kapatid niya. Graduating na ito ng Nursing at ilang buwan na lang ay makakapagtapos na din ito.
Naputol ang pagbabalik tanaw niya ng marinig muli ang boses nito.
“You're twenty minutes is up! Get out in the shower, Ate!”
Iiling-iling na sinuot niya ang roba niya at tuluyan ng lumabas ng banyo.
“Why are you so exited about Hermoso Avenue? This is not our first time na lumipat tayo ng bahay. Bakit iba yata ang level ng excitement mo ngayon?”sabi niya habang nagbibihis.
“Haven't you heard about Hermoso Avenue? Gosh, Ate Luzzel. Saan ka ba lumulungga nowadays? Bigtime naman ang mga client mo. I don't think na hindi mo alam kung gaana ka prestige at ka-sosyal ang lilipatan natin. ”
“Silly. Of course, I know that. Kaya nga nag-decide akong bilhin ang house and lot na inalok sakin.”
Napalingon siya kay Alyssa ng bigla na lang ito tumili ng malakas. Akala niya ay kung ano na ang nangyari dito pero ng mapansin niyang tumitili ito sa kilig ay napailing na lang siya.
“Ate, alam mo bang sa Hermoso Avenue nakatira si Travis Laurel? Gosh! Sana makadaupang palad ko na siya.”kinikilig na sabi pa nito.
Ang Travis Laurel na tinutukoy ng magaling niyang kapatid ay ang sikat na actor and model international.
“No. Ayokong makadaupang palad lang si Travis. I want to hug him. Hold his hands. I want to kiss-”
Natigil ang pag-da-day dream ni nito ng batuhin niya ito ng roba na kanina lang ay suot niya.
“Stop day dreaming, Alyssa. Masama yan para sayo.”
“Killjoy ka talaga sa pangangarap ko.”nakairap na sabi nito.
“Get ready. Sabi mo nga we have a lot to do pa.”
HAPON na nang makapag-settle na sila sa bago nilang bahay sa Hermoso Avenue. Hindi na naman nila kailangan dalhin pa ang iba nilang gamit at appliances dahil fully furnished naman ang nilipatan nila. Habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ng bahay ay hindi siya nanghinayang sa binitawan niyang malaking halaga. Worth it naman ang mga bunga ng sakripisyo at pagod niya kumabag, it's time to give herself a gift. At ang gift na iyon ay ang napakagandang bahay nila na titirhan ngayon. Hindi man iyon kasing engrande tulad ng iabng bahay sa Hermoso ay hindi naman ito magpapahuli din sa istraktura at disenyo.
Masaya siya sa kaalamang napasaya din niya ang kapatid niya. She never seen her sister na ganoon ka-excited. Iba na talaga ang pakiramdam kapag nakatira ka sa isang napakagandang subdivision.
Hermoso Avenue is not an ordinary subdivision. Isa ito sa pinakamalaking subdivision sa bansa. Bakit nga ba hindi? May sarili itong golf club sa loon na exclusive lang para sa residente nito. You cannot avail their membership hanggat hindi ka taga-Hermoso. Nabalitaan din niyang may bowling center, shooting center, cafes, botiques, bookstores, shops, spas and even the prestige club and famous restaurant are located at Hermoso. Masasabi niyang napakaraming ammenities ang nasa loob niyon.
Isa pa sa mga nagustuhan niya ay ang security system ng buong subdivision. Bawat kanto ay may naka-install na CCTV kaya siguradao siyang safe and sound sila ng kapatid niya. Pinagmamalaki din ng association ng Hermoso na walang krimen ang naganap sa loob ng subdivision. Ang main gate ay may automatic registration system ant it will only open for their residences. Kumabaga monitor nila ang bawat tao na pumapasok sa loob. Talagang masasabi niyang Hermoso Avenue is one of the famous and most prestige subdivision in the country. Sa pagkakaalam nga niya ay may property din ang Presidente ng Pilipinas dito. Bukod pa sa ang lugar na ito ay mga lungga ng mga kilalang personalidad sa bansa.
“Ate! Can you buy me pizza? I'm hungry already.”
Narinig niyang sigaw sa kanya ng kapatid niya mula sa kusina.
“Magpadeliver ka nalang.”ganting sigaw niya.
“Gusto ko yung pizza na nadaanan natin on our way here. It looks delicious kasi.”
Napailing na lang siya. Pinalaki niya kasing spoiled si Alyssa kaya nakasanayan na tlaga niyo na lahat ng hinihiling sa kanya ay binibigay niya agad. Gusto kasi niyang mapunan ang pagiging magulang at kapatid dito. Ayaw niyang maranasan nito ang hirap na dinanas niya ng mawala ang magulang niya.
“Your wish is my command, Princess Alyssa.”
Rinig niya ang malakas na paghalakhak nito. Maya -maya ay dumiretso na siya sa garahe nila.
Sa pagkakatanda niya ay malapit sa gate ng Hermoso ang tinutukoy ni nito na pizza parlor kaya minabuti na lamang niyang gamitin ang kotse niya. Nakalabas na siya ng gate nila ng may biglang humarurot na kotse sa harapan niya. Mabuti nalang ay hindi niya dinere-diretso ang pagpapatakbo. Kung hindi siya nagkakamali ay isang pulang Lexus Convertible ang modelo ng kotse na iyon.
Napailing nalang siya at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Mukhang dapat na niyang sanayin ang sarili niya kung anong klase ang pamumuhay dito sa loob ng Hermoso.
Wala pang ten minutes ay nakarating na siya sa The Slicery. Mukhang tama nga ang kapatid niya na masarap ang pizza doon. Sa nakikita niya kasi ay maraming parokyanto ito.
Ipinarada niya sa gilid ng shop ang kotse. Wala na kasing bakanteng parking lot ang shop.
Kumunot ang noo niya ng mahagip ng mata niya ang kulay pulang Lexus sportscar na nakita niya kani-kanina lang. Nagkibit balikat siya. Hindi na niya dapat pag-aksayahang isipin kung sino ang harubas na nagmamaneho nun.
Natg-te-text siya habang nagmamadaling pumunta sa pintuan ng shop. Dahil abala sa pagtext sa kapatid niya ay hindi niya napansin ang biglang pagbukas ng glass door at tumama iyon sa noo niya.
“Shit.”anas niya habang hawak ang nasaktang noo.
Feeling niya ay naalog yata ang utak niya sa pagkakatama sa salamin.
“Careful. Dapat tumitingin ka sa dinaraanan mo.”
Sa narinig ay agad niyang iniangat ang tingin sa taong nakabungo sa kanya. Na ngayon ay nakalabas na ng tuluyan sa shop at kaharap na niya. Dahil mukhang aabot na yata sa pagiging seven footer ang lalaki ay tumingala pa siya para makita ang mukha nito ng tuluyan.
“Luzzel..”
Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya. Pamilyar sa kanya ang baritonong tinig nito. Isang tao agad ang una ng pumasok sa isip niya.
Tinanggal nito ang suot na shades saka siya pinagkatitigan. Agad na nanlaki ang mata niya ng marealize kung sino ang lalaking nasa harapan niya ng mga oras na iyon. Feeling niya ay huminto ang paghinga niya.
Kahit kailang ay hindi niya mkakalimutan ang gwapong mukha nito. Ramdam na ramdam niya ang malakas na pagkabog ng dibdib niya.
Napapitlag siya ng tumikhim ito ng malakas at seryong tumingin sa kanya.
It's been ten long years ngunit hindi niya alam kung bakit ganoon pa din kalakas ang epekto nito sa kanya. Dinig na dinig niya kasi ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
“It's been a long time. Luzzel. Kamusta kana?”
Nang marinig niya ulit ang baritonong tinig nito ay parang naging hudyat iyon ng pagbalik niya sa kasalukuyan.
Inayos niya ang ekspresyon ng mukha niya at seryosong tinitigan niya si Didrey James. Tama ito. Its been ten years since they saw each other. Hinding-hindi niya magagawang kalimutan ang ginawa nito sa kanyang pananakit way back then.
“I'm sorry. Did I hurt you?”
Tumaas ang kilay niya sa narinig mula dito. He's freaking right. He did hurt her. In a different matter. In a different way.
Ang huling pag-uusap nilang dalawa ay yung time na nakipagbreak siya dito when she caught him cheating on her. At hindi na niya ito nakita miski ang anino ng magaling na lalaking ito.
“Good to see you again, Didrey James.”
Napahalukipkip siya habang pinagpatuloy ang pagsasalita. “To answer your firt question, I'm good and great. Para sa pangalawa mong tanong, yes you did hurt me.”
Ilang sandali itong natahimik at tinitigan siya ng husto bago nagsalita.
“I'm sorry. Hindi kasi kita napansin na papasok ka ng store.”
Napairap siya. Bakit parang natural na natural lang dito ang pagkikita nilang muli? Hindi kaya masyado pa din siyang bitter kahit sampung taon na ang nakakalipas?
No way! Hindi na ako bitter!
Humugot muna siya ng hininga para payapain ang sarili.
“If you excuse me, Mr. Perez. Kailangan ko nang makapasok sa shop para makabili ng pizza at makauwi.”
Nakipagtitigan siya kay Didrey. Bakit naman kasi sa tinagal ng panahon ay ngayon lang sila nagkita? Ngayon ang unang araw niya sa Hermoso. For her, seeing Didrey is not a very good sign.
Napansin niyang napaigik ang binata ng biglang bumukas ang pinto at tumama sa tagiliran nito.
“Damn!”usal nito habang hawak ang nasaktang tagiliran.
She laugh sarcastically. Mukhang biglang bumilis yata ang karama para sa lalaking ito.
“Pare naman kasi. Bakit haharang harang ka sa tapat ng pintuan? Dont tell me paraan mo yan para makapag-chicks ka?”
Bigla siyang napalingin s anagsalita. Hindi pa man ay nanlaki na agad ang mata niya. Kung hindi siya nagkakamali ay si Yasser Mueller ang kaharap din niya ng mga sandaling iyon.
“Dont tell me until now magkarugtong pa din ang mga bituka niyong dalawa?”taas kilay na tanong niya.
Sa sinabi niya ay saka lang siya binalingan ni Yasser. Nilapitan siya nitoa at gad na pinagkatitigan. At dahil nga matangkas din ang lalaing ito ay medyo yumuko ito para magpantay ang mukha nilang dalawa.
“I will never forget your face, Luzzel.”nakangising pinisil nito ang ilong niya. “Still beautiful as ever.”
Patampal na inilayo niya ang mukha nito. Kahit kailan ay wala pa din pinagbago ang pagiging playboy at maharot ni Yasser. Playboy will always be a playboy. Muli siyang napailing ng mapansin niyang lahat ng kababaihan sa Slicery ay nakatuon ang buong atensyon sa dalawang lalaking nasa harapan niya ngayon.
Bakit nga ba hindi? Aaminin niyang malakas talaga ang appeal ng mga ito sa kababihan na halos kabaliwan ng mga ito. They can make everyone swoon over them. At saksi din siya kung paano iyakan ang mga ito ng mga girls. Sadly, kabilang siya sa mga iyon.
At sa nakikita niya sa dalawa ay lalong nadadagdagan ang kagwapuhang taglay ng mga ito.
Nakapameywang na hinarap niya ito. “You havent change a bit, Yasser.”
Tuwang-tuwa na bigla siya nitong niyakap habang binabanggit ang pangalan niya.
“Luzzel! It's nice to see you again again. It's been what? Five years?”
Naiiling na tinapik tapik niya ang likod nito.
“Ten years. You idiot.”
Hinila ito ni Didrey mula sa pagkakayap sa kanya.
“Dont make a sceen here, Yasser. Pinagtitinginan na tayo dito.”medyo inis na saad ni Didrey.
Hindi nito pinansina ang kaibigan at binulungan siya.
“Selos lang yan.”nakangising sabi nito sa kanya.
Sa sinabi nito ay muli niyang binalingan si Didrey. It's been ten long years at masasabi niyang malaki ang nagbago sa lalaking ito. Alam niyang matagal ng gwapo si Didrey ngunit mas naging matured ang kwapuhan na taglay nito ngayon. Lumaki din kasi ang pangangatawan ng binata at mas naging masculine ang features nito.
May isa siyang napansin na malaking pinagbago nito. Ramdam na ramdam niya sa aura ni Didrey ang awtoridad sa bawat salita na sinasabi nito. Feeling niya, malayong malayo na ito sa DJ she knew years ago.
Nagkibit balikat siya. Masyadong mahaba ang sampung taon sa kanila na pwedeng makapagpabago sa personality na taglay nila noon.
“Yasser..”nagbabantang sabi nito sa kaibigan na tinawanan lang ng huli.
“Dont mind him. Masyadong seryoso sa buhay yan. Buti nga napalabas ko yan sa office niya.”
Kumunot ang noo niya ng inilabas ni Yasser ang cellphone nito at itinapat sa kanya.
“Ako na ang hihingi ng ontact number mo para kay Didrey James.”
“Will you stop that, Yasser?”asar na saway ni Didrey na hindi na maipinta ang mukha.
Para matapos ang pag-uusap niloang iyon ay pinagbigyan na niya ang gusto ni Yasser.
“Here.”sabi niya habang binabalik na niya ang cellphone nito. “You got what you want, Yasser. Pwede na ba akong pumasok sa shop?”
Nangingiting umalis sa daraanan niya ang binata.
“See you again, Luzzel. Dont worry, thisi time sisiguraduhin kong may happy ending na ang kwento niyo ng kaibigan ko.”ngising ngising sabi nito.
Hindi na siya sumagot sa tinuran nito at pumasok na sa Slicery. Napailing siya. Wala talaga sa hinagap niya na magkikita at magkakasalubong ulit ang landas nilang dalawa ng binata.
Hindi niya mapigilang muling lingunin ang dalawa na ngayon ay tuluyan ng nakalabas sa shop at dumiretso sa pulang Lexus na nakaparada. Bumalik lang siya sa reayalidad ng humarurot na ang pulang sportscar.
Napapikit siya. Huwag naman sana tama ang hinala niyang sa Hermoso din nakatira si Didrey James.
Papunta na siysa sa counter ng may biglang humarang sa kanya. Kumunot ang noo niya ng mapansing ngiting-ngiti ito.
“Welcome to The Slicery!”tuwang-tuwang sabi nito sabay kinamayan pa siya. “I'm Hasmin Sanchez.”
Kiming nginitian niya ang babae. Base sa hitsura nito ay masasabi niyang waitress ito sa naturang pizza parlor dahil sa suot nitong uniform.
“Thanks. Can I have your menu please?”
Wala siyang nagawa ng hilahin siya nito papunta sa pinakamalapit na lamesa at iginiya paupo. Lalo siyang nagtaka ng umupo din ito sa tabi niya at nangakumbaba pa.
“I saw you there.”turan nito.
“Huh? Saan?”
“Kanina. Nakita kitang kausap ang dalawa sa Hermoso Boys.”
Napakunoot ang noo niya. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito?
“What do you mean? Hermoso Boys?”
“Yup.”tumatangong sabi nito. “Hermoso Boys. Kausap mo kanina sina Yasser at Didrey james, right? They're one of the Hermoso Boys. At base sa napansin ko kung paano kayo mag-usap na tatlo ay alam kong matagal mo na silang kilala, tama ba?”
Napailing siya. Mukhang medyo may sayad yata ang isang ito.
“I dont really know what exactly you're talking about, Miss.”
Sa gulat niya ay pabirong hinapas siya nito sa braso.
“You can call me Hasmin. Hindi mo kailangang magpaka formal, friends na naman tayo eh.”
Dahil sanay na siyang makihalubio sa mga ibat-ibang klase ng tao ay pinili niyan gmaging polite dito. Hindi biro ang sanayin ang sarili na habaan ang patience niya sa mga nagiging customers niya sa Salon. Isa sa maging dahilan ng pag-unlad ng salon niya ang pagiging accommodating niya sa mga customers niya anumang ugaling mayroon ang mga ito.
“Sure, we can be friends. Can you take my order now, Hasmin?”
“Sure, sure. You can order anything you want. My treat.”
“No! I cant accept-”
Bago pa niya naituloy ang pagtanggi ay hinila nito ang braso niya. She can sense her excitement through her voice.
“Paano kayo nagkakilala nina Yasser? Close ba talaga kayo?”
Hindi pa nakuntento si Hasmin at dahan-dahan pinagdikit ang dalawang hintuturo.
“Ganito ka-close?”
Napapikit siya. Mukhang unang araw pa lang niya sa Hermoso Avenue ay marami ng nangyari sa kanya. She met her ex boyfriend and his freaking bestfriend. The she met this woman na sa tantya niya ay tinalo pa si Alyssa sa pagiging makulit.
Ekseheradong napatingala siya sa kisame.
Oh Lord, why me? Of all the people, why me?
Ngunit parang hindi nahahalata ni Hasmin ang pagkairita niya. Tuloy-tuloy padin ito sa pagtatanong.
“What? You havent answer all my questions yet.”nakalabing sabi nito.
Saka siya nagkaroon ng pagkakataong titigan ang hitsura nito. Sa tantya niya ay nasa twenty six ang edad nito ngunit kung makaasta ay parang teenager na kinikilig kapag nakikita ang crush.
“Fine. To answer all your question. No, were not friends. Hindi kami close. At alalong hindi ko alam ang sinasabi mong Hermoso Boys.”
Tumango tango ito. “I think, bagong lipat ka lang sa Subdivision namin kaya hindi mo sila kilala. Teka, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa din alam ang name mo.”
“Luzzel.”
“Luzzel, sikat ang Hermoso Boys sa buong subdivision natin. They are the most riches here. At kapag sinabi mong rich ay hindi lang million ang nasa bank account nila. We're talking about billions here. Hindi sila binasagang Hermoso Boys for nothing. Lahat silang pito ay kilalang kilala monsters sa larangan ng business world. It means, at their very young age they already build their own epire. Hindi natitinag at tinitingala sila sa mundo ng business.”pumitik pa ito sa ere habang tuloy-tuloy na nagsasalita.
“You know what am I talking about, right? Lahat ng member bg Hermoso Boys ay ginagalang at at the same time ay kinatatakutan dito. Hindi mo sila pwedeng kantiin man lang. At isa pa, sikat na sikat sila sa kani-kanilang mga larangan.”
Napahinga siya ng malalim ng matapos ito sa pagsasakita. Ang akala pa naman niya ay natapos na ang briefing sa kanya ng association ng Hermoso ngunit hindi pa pala.
“Hasmin-”
“Siguro kakalipat mo lang dito kaya wala kang idea tungkol sa kanila, ano?”tumatango pang sabi nito. “Dont worry kapag tumagal ka na sa mahal nating subdivision ay makikilala mo na sila. Kasi kahit na anong gawin mong pag-iwas you will notice them. They are always talk of the town dahil nga sikat sila”huminto ito sa pagsasalita at matiim siyang tinitigan.
“Ano nga