ILANG araw lang ay settled na sila sa bago nilang bahay. Everytime she look at their new house hindi niya mapigilan na matuwa. Laging tumatatak sa sisip niya nanagbunga na ang lahat ng pagsusumikap niya sa buhay.
Mula sa kinauupuan ay pinagmasdan niya si Alyssa na abalang-abala sa mga bago nitong alagang orchids. Her sister have a green thumb. Napakahilig nito sa mga ibat'ibang klaseng halaman at bulaklak. Nagagawa nga nitong buhayin ang halaman na buong akala mo ay hindi na mabubuhay o lalaki pa. She's always saying na habang may nakikitang liwanag kahit napakadilim ng paligid mo ay dapat hinding hindi ka susuko.
Tama ang kapatid niya. Ten years ago after their parents died. Feeling niya ang dilim-dilim na ng mundo niya at anumang sandali ay handa na siyang sumuko. Pero ito mismo ang naging liwanag niya sa kadiliman. Si Alyssa ang naging pag-asa niya sa buhay.
Naputol ang pag-iisip niya ng bigla itong lumingon sa kanya.
“Ate, nakakita ka na ba ng place para sa itatayo mong new branch here sa Hermoso?”
Isa din kasi sa main reason kung bakit pinili din niyang lumipat at dahil balak niyang magpatayo ng branch niya sa loob ng subdivision. Ayon kasi sa rules and regulations ay hindi pwedeng magtayo ng establishment hanggat hindi ka nila residente. She thinkks na ang branch niyang ito ang gagawin niyang pinakamalaking branch na itatayo niya. Ayon kasi sa reaserch na ginawa niya, maraming mga kilalang tao ang nakatira dito kaya hundrend perent na sigurado siyang papatok ang salon niya dito.
“Nope. This day palang ako maghahanap. Wanna go with me?”
Umilign ang kapatid niya. “Kaya mo na yan. Saka may lakad ako eh.”
“At saan naman aber?”
Nginisian lang siya ng kapatid niya. “I have a date.”
Awtomatikong napataas ang kilay niya.
“Date?”
Hinubad nito ang gloves at lumapit sa kanya/
“Sa tagal mo na kasing hindi nakikipag date hindi mo na alam ang word na yun.”
“Who told you? Lagi akong may date.”depensa niya.
“Sino naman ang ka-date mo lagi? Si Brent? Juskoday, Ate. Hindi date ang tawag sa ginagawa niyo kundi business meetings.”
Sa sinabi nito ay napairap siya. Matagal na silang lumalabas ni Brent Asuncion. Nagkakilala sila sa isang Corporate Seminar. Unang kita pa lang niya dito ay magaan na agad ang loob niya sa lalaki. Siguro ay dahil apreho sila ng interest sa buhay. Pero base sa mga efforts at attention na binibigay nito s a kanya ay masasabi niyang may mutual understanding na ang nakapagitan sa kanya. Hindi na din siya tumutol ng pinapakilala na siyang nitong girlfriend nito.
Brent Asuncion is an architect at may sarili na din itong firm at the young age. Kilalang-kilala ito sa architectural world. She seen some of his work at masasabi niyang one of the kind ang talentong meron ang lalaki. At bilib siya doon.
“We called it a date, Alyssa. Saka bakit ba name basis lang ang tawag mo sa kanya? Show some respect, kid.”
Nagkibit balikat ito. “I dont like him for you. Find someone else but definitely not him.”
Matagal ng hindi lingid sa kaalaman niya na hindi nito gusto si Brent. Kapag dumadalaw sa kanya ang binata ay hindi nito pinapansin ang lalaki.
“May I ask why you dont like Brent? He's a good man. Successful at alam niya ang gusto niya sa buhay. You should choose a man like him, Aly.”
Tinitigan lang siya nito. Sa sobrang titig nito ay siya na ang unang nagbawi ng tingin.
“You dont love him. Fascinated, yes. But definitely not love.”
“You're too young to say that.”
“You're old enough not to know the difference in it, Ate.”
Pinili na lang niyang huwag kumibi sa tinura ng kapatid. Hinding-hindi ito nagpapatalo sa usapan.
“Kitams? Tama ako.”
pataboy na sinenyasan niya ito. “Go. If you have a date. Just go.”
Ngumuso ito. “Better stop dating him. He's not for you.”
“Sure, Madam Auring. Susundin ko ang mga payo at hula niyo.”she said it in a sarcastic way na ikanalabi ng kapatid niya.
Hindi na ito nagsalita at binirahan na lang niya ng alis. She sighed. Kilala talaga siya ni Alyssa. She's right. She's not in love with Brent. She's only fascinated in him dahil nandito ang lahat ng gugustuhin mo sa isang lalaki.
Hindin niya nararamdaman ang kakaibang saya at t***k ng puso tulad ng naranasan niya kay Didrey ten years ago.
Ilang araw na ang nakakalipas simula ng magkita silang dalawa ngunit hindi na ito muling nawala sa isip niya.
Minabuti na lang niyang tumayo mula sa kinauupuan. Hindi tamang i-entertain niya ulit sa isip niya si Didrey James. Mabuti pang ilaan na lang niya ang oras niya sa paghahanap ng magandang pwesto para sa itatayo niyang bagong branch ng salon niya.
NAKATAYO siya sa harap ng bakanteng lote na may karatulang 'LOT FOR SALE'. Sa tantya niya ay malaki ba abg sukat ng lupang iyon para sa plano niyang salon at tamang tama din ang location ng property. Nasa intersetion yion na malapit sa main gate at tiyak na lahat ng papasok at lalabas sa subdivision ay imposibleng hindi mapapansin kung doon niya itatayo ang salon niya.
“Perfect.”anas niya.
Agad niyang tinawagan ang number na nakalagay sa karatula at nakipag set siya ng appointment. Handa siyang magnayad ng malaki makuha lang ang lupa na para sa salon niya. Sigurado naman siyang wala pang isang taon ay bawing bawi na niya ang naging puhunan niya doon.
Nang makumpirma niya ana makikipagkita sa kanya ang may-ari ng lupa ay agad agad siyang sumakay ng kotse niya at pinaharurot niya iyon. Malakas ang pakiramdam niyang mapapasa kanya ang property bago matapos ang araw/
she will do everything para sa pinapangarap niya na itatayong branch niya sa Hermoso. Kampante na siyang nagmamaneho ng walang kaabog abog na may bumisina sa likuran niya. Sinilip niya ang side mirror niya. Kumunot ang noo niya ng makita na naman ang pulang Lexus.
Nagmenor siya para bigyan ito ng way. Hindi siya sigurado kung sino ang driver. Pasalamat na lang ito at maganda ang mood niya dahil nakakita na siya gn magandang spot para sa itatayo niyang branch.
Malapit na siya sa gate ng Hermoso ng mapansin na nakaparada na lang sa isang tabi ang Lexus na nag overtake sa kanya Mukhang nasiraan ang kotse nito. Sa isiping gusto niyang gumanti kahit sa maliit na paraan ay sunod sunod na binusinaan niya kung sino man ang driver niyon. Mukhang pati karma ay sumasabay sa bilis ng technology ngayon. Instant.
Papalabas na siya ng gate ng makita niyang sumenyas ang guard sa kanya. Nagmamadaling man ay inihinto niya ang kotse sa tapat at binaba ang salamin.
“May problema po ba,sir?”nakangiting tanong niya sa guard.
“Good morning, Mam. Pasensya na po sa abala pero may ipapakisuyo lang po ako.”
“Ano po yun, Sir?”magalang na tanong niya.
“Baka pwede niyo pong i-angkas si Sir Didrey?”sabi ng guard habang napapakamot ng ulo. “Pasensya na, Mam. Pero nasiraan kasi siya ng sasakyan.”
Awtomatikong napataas ang kilay niya sa narinig. Kung gaanon pala ay si Didrey james ang ma-ari mg pulang Lexus na noon pa niya nakakabangga. Sa nalaman ay sinilip niya ang kotse mula sa side mirror doon niya nakumpirma na si Didrey nga ang may-ari niyon dahil nakalabas na ito ng kotse. Alam niyang nakatingin ito sa kanila kahit na naka shades ang binata.
At isa pa, bakit naman niya pasasakayin ang ungas na Didrey James na iyon? Ni hindi nga sila magkaibigan tapos tutulungan niya pa ito?
No way! Kahit pa tamaan ng kidlat ang lalaking ito hindi ko siya pasasakayin..
Binalingan niyang muli ang guard at kinausap.
“I'm sorry. Hindi ko siya mapapasakay. Nagmamadali din kasi ako. I have an appointment.”
Magsasalita pa sana ang guard ng biglang may humintong sasakyan sa gilid niya. Lihim siyang napailing ng ibaba nito ang salamin at nakilala ang sakay niyon. Kung hindi siya nagkakamali , si Mrs. Santos ang sakay niyon. Presidente ng association ng Hermoso.
“May problema ba dito?”agad na tanong sa kanila nito.
Bago pa siya nakapagsalita ay naunahan na siya ng guard.
“Wala naman ping problema, Ma'am. Nakikiusap lang po ako kay Mam na pasakayin sana si Sir Didrey. Nasiraan po kasi siya.”
Feeling niya ng mga oras na iyon ay nagsama-sama ang kakampi ni Didrey para pagtulungan siya. Kung tatanggihan niya na pasakayin ang binata ay tiyak na magiging antipatika at masama ang tingin sa kanya ng presidente ng association at iyon ang ayaw niyang mangyari. Paano nalang kung hindi nito aprobahan ang negosyo na itatayo niya sa loob ng Hermoso? She doesn't want that to happen. Pipiliin na lang niyang makasama ang Didrey james na yon sa loob ng sasakyan niya. Tutal ilang minuto lang naman siyang matitiis.
Humugot muna siya ng hininga bago pinilit ang sarilinf nginitan si Mrs. Santos.
“Hi, Mrs. Santos. How are you? It's good to see you again.”
Tinanguhan lang siya nito. “Nasiraan si Mr. Perez. Can you give him a ride?”
Darn! As if I have a choice here..
Muli siyang ngumiti dito. “Sure. I can give him a ride.”
Hindi na niya hinintay ang sagot at agad na inatras niya ang kotse papunta sa kinatatayuan ni Didrey sa may di kalayuan.
Mula sa nakababang salamin ng kotse niya ay sinilip niya ito na kampamteng nakapamulsa pa.
“Hop in. I'll give you a ride.”pormal na sabi niya sa binata.
Doon lang siya nito binalingan ng pansin. Kahit nakashades ito ay pakiramdam niyang nagtataka ito sa sinabi niya.
Nilapitan siya nito at sinilip sa bintana. “What did you just say, Luzzel?”
She can sense the amusement in his voice.
“Dont make me repeat myself, Didrey. Alam kong matalino kang tao.”seryosong sabi niya,
Pagkaupong-pagkaupo ng binata au agad niyang pinaharurot ang kotse niya.
“Thanks fotr the ride.”
Narinig niyang sabi nito sa kanya na ikinataas ng kilay niya.
“I'll drop you to the nearest taxi station. Sa taxi driver ka nalang magpasalamat kung saan man ang destinasyon mo.”
Naiiling na binalingan siya nito ng tingin. “The old Luzzel I knew ten years ago. Actually, nagtaka ako kung bakit mo ko pinasakay sa kotse mo. You hate me, right?”
Gustuhin man niyang sumagot sa sinabi nito ay hindi niya magawa. Ewan ba niya ngunit pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay para siyag na-o- overwhelm sa presensya nito. Amoy na amoy kasi niay ang masculine scent ng binata na parang dumikit na yata sa sasakyan niya. Sa totoo lang, simula ng magkatabi sila ay kanina pa siya hindi mapakali. Pinagpapawisan ang palad niya na mahigpit ang pagkakahawak sa stirring wheel.
Its been ten years ngunit pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay parehong pareho pa din ang epekto ng binata sa kanya. Hinding-hindi siya papayag na makahalata ito sa nangyayari sa kanya. Over her dead body. Pinata nito ang puso niya ten years ago kaya hindi siya papayag na pati pride niya ay matapak-tapakan ng binata.
Akala ko ba hindi ka na bitter? Eh bakit ganyan ang asta mo? Tuya ng isip niya.
Lihim niyang pinili-pilig ang ulo niya. She needed to compose herself lalo na kapag nakakaharap niya ang Didrey James na ito.
“I thought you will drop me to the nearest taxi bay? Pang tatlong taxi stattion na ang nalagpasan natin.”huminto muna ito saglit at maya-maya ay nagturo sa labas ng bintana. “Pang fourth na yan.”
“Will you just be thankful at hinahatid pa kita sa pupuntahan mo?”
Sa totoo lang , aaminin din niya sa sarili niya na para siyang nawala sa konsentrasyon sa pagmamaneho. Alam lang niya ay tuloy-tuloy lang ang arangkada niya.
Doon siya nito binalingan at nginisian.”But you haven't ask kung saan ako pupunta. Are you trying to kidnapped me, Luzzel?”
“What the hell are you saying? Napa-praning ka na ba?”inis na sabi niya.
She heard him chuckled.
“Saan impyerno ba kita ihahatid?”asik na sabi niya.
Teka, anak ng tipaklong naman! Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil lang sa pagtawa ng tukmol na ito?
Napapitlag siya ng bigla nalang nitong punasan ng kamay nito ang noo niya. Agad na tinapik niya ang kamay ni Didrey palayo sa kanya.
“Easy, Luzzel. Pinunasan ko lang yung pawis mo sa noo. You're sweating, Honey. Ayos ka lang ba? Malamig naman sa loob ng kotse mo.”parang natural na sabi nito.
Bakit parang hindi man lang apektado ang tukmol na ito? Samantalang siya ay parang pusang hindi mapaanak sa kinauupuan niya. Ni hindi nga niya napansin na pinagpapawisan na pala ang noo niya.
What in the hell happening to her?
“Sa naiinitan ako eh. Pakialam mo?”sabi niya sabay todo ng airon niya.
Naiiling na mas lalo itong sumandal sa upuan na para bang relax na relax na.
Hampasin kaya niya ito ng steering wheel?
“I havent heard of you. How have you been, Luzzel?”
“Natanong mo na yan tha last time we met. Just to answer that, Okay lang naman ako.”
“That's good to hear. Im glad. Lagi ko din nababasa sa mga magazines ang salon mo. Are you open for franchising?”
“No.”maikiling sagot niya dito.
“I see. Kung kailangan mo ng tulong regarding business matters just give me a call.”
Umiling iling siya.
“No need. I can managed my business well. Siguro sapat na ebidensya ang mga branches ko all over the country.”
“Well, you're right. Are you planning to expand your business overseas?”
“I'm not here to answers all your question, Didrey. Also, you're not even here to ask question from me.”
Napailing na lang ang binatas sa pambabara niya dito.
“Old Luzzel. Wala ka pa din pinagbago. The Tigress Jovina Luzzel Alegre.”
“Cant you read between the lines? Isnt that obvious to shut you up?”pagsupla niya sa binata.
“I know. I'm doing it just to hear your voice.”
Doon siya parang napipilan. Ano bang kalokohan ang sinasabi ng isang ito? Tama ba naman sabihin iyon sa ex-girlfriend na niloko nito ten years ago?
Such a jerk!
Nagulantan siya ng bigla nalang nitong ginagap angkamay niya na nakahawak sa kambyo. Ramdam niya ang kakaibang elektrisidad na dumaloy sa buong pagkatao niya sa pagdikit na balat ni Didrey.
“Luzzel.”he said softly to her saka unti-unting nilalapit nito ang mukha sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya ng marealize niya ang gagawin ng binata. At dahil narin sa pagkakataranta at pagkabigla ay natapakan niya ang preno.
Humugot muna siya ng hininga bago muling pinaandar ang sasakyan at minaniobra nya papunta sa gilid at muling inihinto. Padabog niyang inalis ang pagkakahawak ni Didrey sa kamay niya at galit na binalingan ito.
“Get out. Get out in my car now!”
itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Marahil ay napansin na ni Didrey ang galit niya. Feeling niya kasi ng mga oras na iyon ay namumula ang mukha niya.
“Hey, relax. I was just teasing you para naman mawala na ang masamgn atmosphere sa pagitan natin.”
Parang gusto niya lalong magwala sa sinabi ng binata.
Teasing her? He was just teasing her? Halos magwala na ang buong sistema niya sa pagkakahawak ng kamay nito sa kanya tapos inaasar lang pala siya nito?
Hampasin na kaya niya talaga ito ng steering wheel ang ungas na ito?
“Tease your face! Lumayas ka na sa kotse ko kung ayaw mong gumapang papunta sa pupuntaha mo, Didrey James!”gigil na sabi niya sabay turo sa labas.
“Okay, Okay. Bababa na. But I have one question, Luzzel/”
Masamang tiningna niya ito. “What?”
“Bakit namumula mukha mo? Are you blushing?”nakangising tanong nito sa kanya.
“Get out, Didrey James Perez! Or I will kill you right now!”
NAIILING na tinignan niya ang humaharurot na sasakyan ni Luzzel. Hindi niya akalain na hanggang ngayon ay wala pa di itong pinagbago. The tigress girl he ever met in his loife.
Saka lang niya napagtanto kung anong lugar ang kinatatayuan niya ngayon. Muli siyang napailing. Ibinaba siya ni Luzzel sa highway.
Mukhang ginalit niya ng husto ang babae. Gusto lang naman niyang asarin at patawanin ito ngunit mukhang mali siya ng approach at taktika. Pero bakit naman sa dinami-dami ng pababaab nito ay sa gitna pa ng highway?
Muli siyang napailing. Next time na magkikita sila ni Luzzel ay sisiguraduhin muna niyang maganda ang mood nito ng hindi siya nabababa sa kung saan saan. Tinignan miya ang wristwatch niya. May appointment pa siya two hours from now.
Kinuha niya ang cellphone at dinial ang number ni Francis.
“Pare, can you fetch me?”agad na bungad niya pagkasagot nito ng phone.
Francis Miguel Llido is a famous photographer international. Nagkakilala sila nito sa isa nitong exhibit five years ago. He was mesmarized by his works. Lalo na kapag ang topic na ginagawa nito ay tungkol sa abandoned places in different country. Hindi talaga mapagkakailang pang-internationl ang talent mayroon ito.
Narinig muna niya ang pagtawa nito sa kabilang linya.
“Why? What happened to your beloved Lexus? Naghihirap ka na ba?”sunod sunod na tanong nito.
Umiling iling siya. Tulad ni Yasser ay may topak din ito sa ulo. Pero sa tantya niya ay mas lamang ang topak ni Yasser.
“Long story.”sabi na lang niya.
“You can make it short, dude. Spill it out or I wont fetch you.”
kung kaharap lang niya ang isang ito ay malaming na ngising ngisi ito sa kanya.
“May kasama akong earlier. She's just dropped me out of no where.”
“What? Did I heard it right? She? Ibig sabihn babae?”
Narinig niya ang biglang pagsipol ni Francis. Tiyak niyang nakuha na niya ang buong atensyon nito.
“Tell me where you are, Didrey. And tell me who's the lucky girl.”
Sinabi niya kung saan siya susunduin nito. Wala pang twenti minutes ay nakangising mukha nito na ang mabungaran niya.
“Pare, alam mo bang mukha kang model ng highway?”
Sumakay muna siya ng kotse nito bago siya nagreact.
“Dapat pala dinala ko ang camera ko. Para lalong pagkaguluhan ka ng mga fans mo. Didrey James The God of Highway. Sounds nice, diba?”
“Sounds ridiculous and weird, Francis. Artist ka talaga. You're weird.”
Humagalpak lang ito ng tawa.
“Sino pala ang matapang na babae na nang-iwan sayo sa gitna ng highway? I'm proud of her.”
Napailing na lang siya sa kalokohan nito. Pagdating sa mga babaeng alam nitong nauugnay sa kanya ay daig pa nito ang reporter sa dami ng tanong sa kanya.
“You dont need to know. Kailan mo ba titigilan ang love life ko?”
Nginisian siya nito.
“Kapag may girl friend kana. DJ, get a life Okay? Hindi habang panahon business ang inaatupag mo.”
“Kailan ka pa naging taga sunod ng mother ko? Magkano binayad niya sayo para masulsulan ka niya?”
“Well, siya lang naman ang sponsor ko sa next exhibit ko.”
Pabirong binatukan niya ito. Matagal na kasi siyang kinukulit ng magaling niyang nanay na mag-asawa na. Hindi na daw kasi siya bumabata at gusto na daw nitong magka-apo sa kanya. Everytime na magkikita sila ay iyon ang lagi nitong bukambibig. Hindi rin naman niya kasi masisisi ang mother niya sapagkat ilang taon din niyang tinutok ang buong atensyon niya sa pagpapalaki ng business nila. Worth it naman sapagkat isa ngayon sa mga tinitingalang Telecommunication company ang DJP Empire. Sinuguro niyang hindi mapapalubog ng kung sino mang poncio pilato ang pinaghirapan niya. He's not build only a castle. He also made sure na walang makakatibag sa wall na nakapalibot doon.
“Loko loko ka, pare. Ang mabuti pa ihatid mo nalang ako para naman may pakinabang ka sakin.”
“Common, sino ba ang kasama mo kanina? Dont worry hindi ko sasabihin kay Yasser kahit gumulong pa siya sa pagmamakaawa .”he smirked at him.
Hindi niya pinansin ito at pinili na lang niyang tumingin sa labas ng bintana. “Just drive.”
Muling sumilay ang ngiti sa loabi niya ng maalala ang nangyari sa kanila kanina ni Luzzel. He will make sure na hindi lang iyon ang magiging huling pagkikita nila.
HANGGANG sa office ay ramdam pa din niya ang panggigigil niya kay Didrey James. And at the sa,e time ay naiinis din siya sa sarili niya dahil sa naging reaksyon ng katawan niya kanina dito.
Jusku! Hawak palang ng kamay iyon. Paano kakya kung halikan pa siya nito?
Napakagat labi siya. Bakit ba iniisip niya na hahalikan siya nito?
This is not right! Wake up, Luzzel! Wake up!
Nakailang inahale exhale pa siya ng maramdaman niya na humunahon na siya. Kagaya niya nga ng sabi niya ay hindi siya dapat magpakaapekto sa lalaking iyon.
She composed herself again. Lalo pa at ngayon ang appointment niya sa may-ari ng lupa na interesado siyang bilhin. Kailangan niyang makuha agad ang property na iyon para mapatayo na niya ang branch niya.
Actually, nakahanda na talaga ang plano niya at magiging design ng salon. Ang kulang nalang talaga niya ay ang perfect place para dito. At iyon nga ang lupa na nakita niya kanina lang.
She will do everything just to get the property.
Thirty minutes later ay nasa building na siya kung saan ang meeting place nila ng owner. Hindi niya mapigilang humanga sa istraktura ng gusali. Kung ang kakausapin niya ang taong ay ang may-ari din ng building na ito ay mukhang hindi siya mahihirpaang kumbinsihin ito na bihin ang lupa.
Agad siyang nagtungo sa floor kung saan ang appointment niya. Bumungad sa kanya ang secretary na pinaupo siya agad sa couch malaput sa opisina nh may-ari.
“May kausap pa si Boss, Ms. Alegre. But I already notify him that you're already here. Would you like some refreshment?”nakangiting sabi sa kanya ng secretary.
“Thanks. I'm good.”she said in polite tone.
Minabuti na lang muna niyang magbasa ng magazine para hindi mainip. Awtomatikong napataas ang kilay niya ng bumungad sa kanya ang isang article na may larawan ni Didrey James. Ang lalaking kanina lang ay pinaggigigilan niya. Hinirang pala ang tukmol na iyon bilang businessman of the year at nakafeatured din ang successful businesses nito.
Hindi na niya tinapos ang pagbasa sa article at agad niyang sinara ang magazine. Enough fo Didrey james Perez.
Tinignan niya ang wristwatch niya. Halos twenty munutes na din pala siyang naghihintay at medyo naiinip na siya.
Tatayo na sana siya mula sa pagkakaupo ng biglang bumukas ang pintuan. Lumabas doon ang isang matangkad na lalaki. Nakaside view lang ito ngunit tiyak niyang gwapo ang isang ito. Bakit nga ba hindi? Eh mukhang mapapaanak ang secretary na kausap niya kanina sa sobrang kilig sa lalaki.
Pagkaalis niyon ay agad siyang lumapit sa secretary at malakas na tumikhin para kunin ang atensyon nito.
“Miss, wala na bang kausap ang boos mo? Can I talk to him?”
ilang minuto lang ay nasa harapan na siya ng pintuan. She knocked twice and open the door. Bumungad sa kanya ang malaking office nito. It was huge. Halos tatlong beses ang laki niyon sa sala nila. Walang dudang gustong gusto ng may ari ang malaking space.
Tumikhim muna siya ng malakas bago nagsalita.
“Good afternoon. Im Jovina Luzzel Alegre. Im here to talk about your land that you're selling located at Hermoso Avenue.”tuloy tuloy na sabi niya without looking sa may ari.
Natuon kasi ang atensyon niya sa isang painting na nasa wall. It was a beautiful scenery of an island. Sa larawa ay lutang na lutang ang kagandahan ng isla.
“That was may grandmother's island. Beautiful, isnt?”
Agad niyang nabaling ang atensyon niya sa nagsalita. Nanlaki agad ang mata niya ng mapagsino ang tao na dapat niyang kausapin.
“Luzzel, Luzzel. Napakaliit talaga ng mundo para sa ating dalawa.”
Anak talaga ng tipaklong! Sa dinami dami naman ng lupang gugustuhin niya ay yung pagmamay-ari pa ni Didrey James!