NANININGKIT ang mga matang binalingan niya si Didrey James na ngayon ay kampanteng nakatayo habang nakapamulsa sa harapan niya. Halatang hindi nito maitago ang amusement na nakalarawan sa mata nito.
Ano ba naman ang nangyayari sa tadhan at lagi silang pinagtatagpo ng lalaking ito? Akit ba kasi sa dinarami-rami ng pwedeng mag may-ari ng pesteng lupang iyon ay si Didrey pa?
“Dont tell me ikaw ang may-ari ng lupang bibilhin ko?”
Natatawang nagkibit baikat na lang ang lalaki sabay senyas sa kanya sa kalapit na upuan.
“Why dont you sit down, Luzzel? We have so many things to discuss.”nakakalokong sabi nito sa kanya.
Humugot mua siya ng hininga bago magpasyang lapitan ang binata.
Relax, Luzzel. Relax. Kailangan mong huminahon. For your business sake, right? Pilit niyang pangungumbinsi sa sarili.
“No need. Siguro naman sandali lang tayo mag-uusap. I'm willing to pay any amount for the property.”taas noong sabi niya sa binata.
“May I know why are you interested in that property?”
“I declined to answer your prayer, Mr. Perez.”
He looked at her intensely na para bang kinakabisado nito ang bawat detalye ng mukha niya. Nakipagtitigan din siya sa binata. Ipapakita niya dito na determinado siyang makuha ang property nito.
“Sorry to tell you this, Luzzel. But that's one of my requirements para puomayag akong bilhin mo ang property ko.
Tumaas ang kilay niya. “Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang requirements, Mr. Perez.”
Nginisian lang siya ni Didrey. “I own the property, so I'll make sure the rules. Why do you want my property?”ulit nito sa tanong nito sa kanya.
Pinalipas muna niya ang ilang minuto bago sagutin ang tanong nito. She hate na wala siyang choice kundi magpatinuod sa mga kagustuhan ni Didrey. At isa pa, hindi nga ba at ang sabi niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat ng paraan para mapa sa saknya ang lupa?
“Ang property mo ang perfect palce for my biggest branch. Satisfied?”she said in sarcastic voice.
Hinimas-himas nito ang baba na para bang pinag-iisipan ang sinabi niya. Lihim siynag napalunok. Sana naman ay pumayag na ang tukmol na ito na ipagbili sa kanya ang property ng matapos na agad ang usapan nila at makalayas na agad sa opisina nito.
“I'm willing to double the price just to get the property. Common, alam kong matalinong businessman ka at tuso na rin. I'll double the price para lang matapos na agad ang usapang ito.”naiinip na sabi niya sa binata.
Muli siya nitong tinitigan. At ang klase ng titig na iyon ang hindi niya nagugustuhan. Kahit naman sampung taon na silang hindi nagkita ng lalaking ito ay kilala pa din niya ang mga gestures nito. Malakas ang duda niyang may tumatakbong kalokohan sa isip nito. Didrey James is up for something else at doon siya kinakabahan.
“Okay, payag na kong ibenta sayo ang property ko.”
Nanlaki ang mata niya sa narinig. Feeling niya ay nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng binata. Mukhang mali ang hinala niyang may binabalak ito. Buti nalang at hindi nagkatotoo.
“Good to hear that. We can finalizes as soon as possible apag may go signal kana. I'm hoping na within this week ay maayos na natin ang lahat.”tuwang tuwang sabi niya.
Lumapit ito sa kanya. Dahil di hamak na mas matangkad si Didrey James ay nakatingala siya dito.
Then she was suddenly aware of his perfume na kanila lang ay naaamoy niya.
“Not so fast, Darling. Gaya nga ng sabi mo matalino at tuso akong businessman.”
Kumunot ang noo niya. “What do you mean?”
Muli siya nitong nginisian. “Gaya nga ng sabi ko kanina lang. I'm willing to sell to you my property you wanted. But in one condition.”
Doon unti unting nabuhay na naman ang inis niya sa binata. Anong kalokohan na naman ang binabalak nito?
“Bakit ba lagi ka nalang may kondisyon? Don't you want to do it smoothly?”
“Ar you willing to accept my condition o not? You what? Maraming interested na buyer ang gustong kunin ang property ko na iyon. Because it was a good investment. At they willing to pay triple.”
Tinignan niya ito ng masama. “Are you threatening me?”
He chuckled. “Of course not. Sinasabi ko lang sayo ang situation natin. So, are you ready to know my condition?”
“Fine. Ano ang condition mo?”
Bumukas ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Didrey. Aaminin niya, kinakabahan siya sa kundisyon na sasabihin nito.
“Be my personal assistant for three months. Oras na pumayag ka sa kundisyon ko, you will the property. As simple as that.”
Nang mga oras na iyon ay pakiramdam niya ay nag-iinit na naman ang punong tnega niya sa inis. Anong kalokohan ang sinasabi ng lalaking ito? Wala na ba talaga itong alam gawin kundi inisin siya?
“Are you out of your mind, Didrey James? Gusto mo kong maging P.A mo para lang pumayag kang ibenta skain ang lupa mo? Nababaliw ka na ba?”
Natatawang nagkibit balikat na lang ito. “You can say whatever you want. But still, iyon ang gusto kong kundisyon. Ano ba naman ang tatlong na pagiging P.A ko para sa magiging successful ng branch mo?”
Napapikit siya ng mariin. Talaga pinapasakit ng lalaking ito ang ulo niya!
“No, no, no. that's a big no, Didrey. Hindi ako tanga para pumayag sa gusto mong mangyari.”
“Of course, I know that. At alam kong matalino ka dahil tatanggapin mo ang alok ko. For your business, right?”
Mukhang alam ng lalaking ito ang weakness niya.
“Maghahanap nalang ako ng ibang property. Saksak mo sa baga mo yang lupa mo.”
Tinapik tapik nito ang pisngi niya. “Darling, mukhang mahihirapan kang maghanap ng magandang lugar sa loob ng Hermoso. Kaya I'm sure na hundred percent na tatanggapin mo ang alok ko.”
She jabbed her finger into his chest.
“Nababaliw kana, Didrey James!”gigil na sabi niya.
Sa gulat niya ay hinawakan nito ang kamay niya at pinagkatitigan.
“Jesus, Luzzel. You need ang manicure.”pang-aasar pa nito sa kanya.
Kung balak nitong pikunin siya sa simula pa lang ay na-achieved na nito ang gusto nito. At asar na asar na talaga siya ng mga oras na iyon.
Malakas na hinampas niya ito sa dibdib at tinalikuran niya ang binata.
Bakit ba pagdating dito ay nagiging one inch nalang lagi ang pasensya niya?
“Hey, Luzzel. Hindi pa tayo tapos mag-usap.”nakakalukong sbai nito.
“Kausapin mo yung pader! At iyo na yang lupa mo. Yakap-yakapin mo sa gabi!”hiyaw niya habang nagmamartsa papunta sa pintuan.
“Just give me a ring kapag handa ka ng tanggapin ang alok ko!”he said back to her.
“Jerk!”
Bago pa niya tuluyang maisara ang pinto ay narinig niya ang malakas na pagtawa ni Didrey James.
Ano kaya kung ilibing niya kaya sa lupa nito ang lalaking iyon?
“YOU MEAN, ex-boyfriend mo yung may-ari ng property na gusto mo sanang bilhin para sa bago mong branch? ”
Tanong ni Alyssa sa kanya. Nakwento niya kasi dito ang nangyari s akanila ni Didrey James.
“Oo. Hanggang ngayon ay kumukulo pa din ang dugo ko sa tukmol na iyon.”sabi niya habang hinihiwa ang ulam niya.
Doon niya na lang inilabas ang inis niya hanggang sa magkalusog lusog ang karne.
“As far as I can remember, ate. Isa lang ang naging boyfriend mo. So ibig sabihin, siya ang first love mo ten years ago?”
“Hind ko first love ang tukmol na iyon.” kaila niya.
“Eh ano lang? True love?” tukso sa kanya ng kapatid.
“Just eat, Alyssa. Para manahimik kana.”
Ngunit hindi natinag ang kapatid niya sa banta niya.
“Bakit aba ayaw mong tanggapin ang alok niya? Sa totoo lang, ang dali nga ng kundisyon niya eh. Pumayag ka lang, sayo na agad ang property na gusto mo.”
Sa sinabi nito ay hinampas miya ng dalawang ulit ang lamesa nila.
“No. I will never accept his proposal.”
“So, hahayaan mo na lang na masira ang lahat ng plano mo? Remember, handa na ang lahat at lugar nalang ang kulang para mapatayo mo na ang branh ng salon. Ate, three months lang ang kailangan mong i-sacrifice eh. Saka ano bang ikinatatakot mo? Dont tell me until now hindi ka pa nakaka move on sa kanya?”
sa narinig ay lalong kumunot ang noo niya. Anong sinasabi nitong hindi pa siya nakakamove on? Nakamove on na kaya siya!
Sino bang kinukumbinsi mo? Kapatid mo o ang sarili mo?tuya ng isip niya.
“Of course! Nakamove on na ko. Matagal ko nang kinalimutan ang tukmol na iyon.”she said intensely.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Alyssa. “Naka move on ka na pala eh. Bakit nag-iinarte ka pa? Accept his condition. Doon lang ako maniniwala sa lahat ng sinasabi mo, Ate.”
Hindi siya kumibo at pinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Kahit naman maubos ang laway niya sa kapapaliwanag sa kapatid niya ay wala pa din saysay.
“Ate, punta ka naman sa kusina. Kunin mo naman yung chocolate cake sa ref.”utos sa kanya ng kapatid niya.
“Tawagin mo si Manng Tess.”
“Wala si Manang. Inutusan kong mag grocery. Ikaw nalang kasi ang kumuha. Please, Ate?”
Naiiling na sinunod nalang niya ang kapritso ng kapatid niya. Agad na pumunta siya sa kitchen para kunin ang chocolate cake na sinasabo nito.
“At your service, mahal na prinsesa.”she said sarcastically habang nilalapag ang platito sa harapan ni Alyssa.
Nginisian lang siya nito at maya-maya ay ngumuso ito sa lamesa kung saan nakalapag ang cellphone niya na kasalukuyang tumutunong.
“May tumatawag sayo, Ate.”
Pinulot niya ang cellphone niya at sinagot kung sinuman ang caller niya.
“Hello?”
“I'm happy that you already acccept my condition, Luzzel. So, kailan mo gustong mag-start as my personal assistant?”
Awtomatikong kumunot ang noo niya.
“Sino to? Didrey James?”
Narinig niya ang malutong na pagtawa ng binata.
“You can start tomorrow, Darling. See you at my office.”
Magsasalita pa sana siya ngunit agad iyong binaba ng binata.
“Hello? Didrey? Hello?”gigil na sabi niya.
Padabog na nilagay niya ang cellphone sa mesa nito. Ano bang sinasabo ng tukmol na Didrey James na iyon? At kailan pa siya pumayag sa kundisyon nito?
Napakayabang!
Wala siyang natatandaan na pumayag siya sa gustong mangyari nito. Humugot muna siya ng hininga bago uminom ng malamig na tubig.
“Sino yun, Ate? Bakit ang init na naman ng ulo mo?”
Napatitig siya sa kapatid niya ng ngayon ay hindi maalis ang pagkakangisi. Unti unti nagkaroon siya ng pagdududa sa klase ng ngiting binibigay sa kanya ni Alyssa. Kilala niya ang kapatid niya. Malamang ay malaki ang kinalaman nito kung bakit tumawag sa kanya bigla si Didrey James claiming na pumyag na siya sa kundisyon nito.
“Anong ginawa mo?” tnaong niya dito habang pinanlalakihan niya ng mata ang kapatid niya.
“Simple. Ginawa ko lang yung bagay na nahihirapan kang gawin. Ate, be thankful pa nga kasi tinulungan kita. Ayaw mo nun? Mabibili mo na yu ng luap na walang kahirap hirap? At dyaran! May bagong branch na tayo ng salon.”
Habang sinasabi ang lintanya nito ay dahan dahan itong tumatayo mula sa kinauupuan at tumalikod sa kanya.
“Paano? Anong ginawa m, Alyssa Alegre?”sigaw niya sa kapatid niya na halos dinig na dinig niya sa buong dinning room nila.
“I just text his scretary na pumayag kana sa proposal niya. Go for gold, Ate! Pagkakataon mo na yan!”nagmamadaling sabi nito sabay kariaps ng takbo.
“Alyssa!”
Gust man niyang habuling ang kapatid niya para sakalin ay hindi naman niya magawa. Kaya minabuti nalang niyang umupo na lang.
Maya maya ay biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. At lalong sumakit ang ulo niya ng mabasa ang pinadalang text message ni Didrey.
NANGINGITING ipinarada niya ang sasakyan niya sa parking lot ng Flight Deck. Kakatapos lang niyang kausapon si Luzzel.
Natuwa siya ng ibalita sa kanya ng secretary niya na tinaggap na nito ang ibinigay niyang kundisyon para makuha ang lupa niya. Aaminin niyang excited siya sa mga mangyayari sa kanila. In three months bilang personal assistant niya. Kaya agad agad niya itong tinawagan.
Hanggang sa makapasok ng bar ay hindi mawala wala sa ngitni niya. Nakikinita na niya ang magiging reaksyon ni Luzzel kapag nagkita na sila bukas. Sa totoo lang, ngayon lagn siya ulit nakaramdam ng gaanong excitement.
“Kakaiba yata ang ngisi mo ngayon, Didrey.” agad na bati sa kanya ni Kenesis.
Isa ito sa mga naging kaibigan niya ng tumira siya noon sa Hermoso. Hanggang sa maging partners na sila sa ibat ibang business ventures nila. Pero mas tuon ito sa car industries.
Bago pa siya makasagot kay Kenesis ay lumipat sa kung saan panig ng bar si Paul Cenon.
“Baka naka close na naman ng mulit dollar deal itong kaibigan natin.”nakangiting sabi nito sabay tapik ng balikat niya.
Isa itong matagumpay na doctor sa larangan ng medisina. Actually, sa lahat ng malapit niyang kaibigan sa Hermoso ay ito ang pinakamabait sa grupo. Tinatawag nga nila itong St. Paul. Well, nararapat nga naman talaga ito sa description ng pagiging mabait. Napakamatungin nito sa kapwa lalo na sa nangangailangan. Minsan nga ay inaabuso na nito ang mga kayamanan nila at pinapa donate sila sa mga charities na hawak nito.
Tinanguhan niya si Paul.
“Huwag kang mag-alala, Paul. May percent ang charities mo.”
Bumakas ang tuwa sa mukha ni Paul dahil sa sinabi niya.
“Really? That's good. Maraming matutulungan tao ang donation mo, Pare.”
Pinagmasdan niya ang buong bar. Ang Flight Deck ay pagmamay-ari ni Dexter Santillan. Isa sa mga kaibigan niya Hermoso. Flight Deck is an exclusive bar for Hermoso Avanue residence only. Hindi welcome sa bar na ito ang taga labas. Ewan ba niya pero parang sariling bansa na ang Hermoso. At hindi imposibleng mangyari iyon dahil nakatira sa subdivision nila ang maga naglalakihang tao sa bansa. Mapa-businessman man o politician. At isa na roon ang mga kaibigan niya.
Napalingon siya ng marinig niya ang hiyaw ni Yaseer sa isang sulok. Naglalaro ito ng dart kasama si Kenesis. Mukhang nagkatuwaan na naman ang dalawa. Sa kanilang grupo kasi ay ang mga ito ang maloloko at mukhang hindi mga seryoso sa buhay. Ngunit kilalang kilala ang negosyo ng mga ito sa car industries.
“I think naka first base yang si DJ kay Luzzel.”
Ang buong akala pa naman niya ay hindi na ito mag rereact sa sinabi ni Kenesis kanina. Talaga namang hindi nito napapalampas ang mga nangyayari sa kanya.
“Sino si Luzzel? Dont tell me rin na may di-ne-date na babae na itong si DJ?”tanong ni Kenesis kay Yassser.
“Oo, pare. Ex girlfriend niya iyon ten years ago. As fas as I can remember nga, iniyakan at ininuman oa nga ni DJ ng alak iyon ng maghiwalay sila.”nakangisisng lintanya ni Yasser.
Napasipol si Kenesis sa narinig. “Wow. Mujhang may ibang kinahuhumalingan itong si Didrey bukod sa negosyo niya.”
sasabat na sana siya ng maramdaman niya ang mahinang pagtapik ni Dexter at sinensyasan siyang maupo sa bar area.
“Let them, DJ. Alam mo naman ang likaw ng mga bituka ng mga iyan. Hindi titigil yan hanggat hindi ka naasar.”sabi ni Dexter sabay abot sa kanya ng scotch.
Dinampot niya iyon at unti unting sinimsim ang alak na binigay nito.
“Kamusta pala ang kasong hawak mo ngayon?”usisa niya dito.
Isa kasi tiong magaling na abogado. Sa tantya niya ay firm nito ang pinakasikat sa bansa dahil na rin sa mga controversial ang bawat kasong hinahawakan nito.
“Sensitive topic, Pare.”
nakakaunawang tinanguhan niya ito. Hawak kasi nito ang kaso ng isang senador na may kinalaman sa ibat ibang drug dealings at graft and corruption sa gobyerno.
“So, totoo nga bang may babae kang di-ne-date? Akala ko pa naman negosyo lang ang asawa mo?”
“Damn, Dexter. I thought you're not one of them.”
“Nope. F course im not. Pero i'm glad na may social life kana at hindi lang puro business associates mo ang nakikita mo. But always be smart.”
Knowing Dexter mas ginagamit nito ang utaks sa lahat ng aspeto sa buhay.
“Miss! What are you doing here? Hindi ka ba na-inform na this bar is exclusive for boys only?”narinig niyang sabi ni Kenesis.
“Babae nga siya! Muntik mo na kong maloko doon ah. Bakit ba kasi nagpanggap ka pang lalaki? Stalker ba kita?”sabi naman ni Yasser habang hawak hawak ang sumbrero ng babae na ngayon ay pinapalibutan ng tatlo niyang kaibigan.
“E-exuse me no! Hindi ikaw ang type ko!” sabi ng babae sabay baling kay Paul.
Umugong ang kantyawan galing kay Kenesis.
“What? Hindi ako ang type mo? Oh my God, Im hurt.”sabi ni Yasser na nasa kamay ang dibdidb at umarteng nasasaktan.
“Yasser, tanggapin mo na kasing mas pogi at mabait sayo si Paul. Mas habulin siya ng chicks kaysa sayo.”kantyaw pa ni Kenesis.
“No way! Gusto mo pagbotohan pa natin kung sino ang mas habulin?”kontra naman nito.
Hindi ito pinansin si Yasser at binalingan ang babaeng nakatingin pa din kay Paul nga mga oras na iyon.
“Ano name mo miss? Pagpasensyahan mo na itong kaibiga ko, hindi lang siguro nakainom ng gamot niya.”
“H-hasmin Sanchez,”nahihiyang sagot nito.
“Yeah, I remember you.”sabi naman ni Paul na may kasamang pitik sa kamay. “Ikaw yung mabait na staff sa Slicery diba?”
“Paul, mag usap nga tayo sa labas. Doon natin sukatin kung sino ang mas maappeal sa ting dalawa.”hindi papatalong sbai ni Yasser.
Pabirong binatukan ito ni Yasser.
“Yasser, two digits lang ba ang IQ mo at hindi mo maintindiahn na si Paul ang type niya t hindi ikaw?”
Naiiling na pinagpatuloy nalang niya ang pag-inom ng alak. Mas okupado kasi ng utak niya si Luzzel.
Aaminin niyang excited siya sa nalalapit nilang pagsasama.