PARANG susugod siya sa gyera ng mga oras na iyon habang papasok ng building ni Didrey. Kailangan niya itong makausap para sabihing hindi naman talaga siya pumayag sa binigay nitong kundisyon. Hanggang ngayon ay inis pa din siya sa ginawa ng kapatid niya.
“Where's Didrey James?”agad na tanong niya sa secretary nito.
“Ms. Alegre, he's in his office right now.”
Hindi na siya sumagot sa sinabi ng babae at tuloy tuloy na pumasok sa opisina ni Didrey. Naabutan niya itong abalang-abala sa pagbabasa ng papeles sa table nito.
“Didrey, I want to talk to you.”
Imbes na sagutin siya nito ay sumenyas lang ang binata na halatang ayaw paistorbo sa ginagawa.
Nang mga sandaling iyon ay nagkaroon siya ng chance na masilayang muli ang gwapong mukha ng binata. Noong sila pa ten years ago ay masasabi niyang walang inatupag ito kundi barkada at paglalakwatsa. Tanda pa nga niya na lagi nilang pinag-aawayan na mas may time pa ito sa mga barkada. Pero sa nakikita niya ngayon ay napakaseryoso na ng aura at personality nito. Malayong malayo sa Didrey James na nakilala niya noon.
Dahil sa sobrang pagtitig niya sa binata ay napapitlag siya ng bigla itong tumayo.
Nagkatitigan silang dalawa ni Didrey. Hindi niya alam ngunit bigla na lang siyang napamaang ng ngitian siya ng binata. Feeling niya ng mga sandaling iyon ay sobrang ligalig ng puso niya. Halos dinig na dinig niya ang malakas na pagtibok ng dibdib niya.
Holy s**t! Ano bang meron sa ngiti ng lalaking ito at ganito nalang ang epekto sa kanya?
“Hi.”bati nito sabay lapit sa kanya.
Ngayon na halos kalahating dipa na lang ang layo nila sa isa't isa. Ramdam na ramdam niya ang presensya nito.
“You look beautiful as always, Luzzel.”sabi nito na hindi nawawala ang magandang ngiti sa labi.
Napamaang pa siya ng bigla nitong ibigay ang mga papeles na kanina lang ay binabasa nito.
“This is your first day as my personal assistant, Luzzel. We have an important meeting to attend.”sabi nito sabay tapik sa pisngi niya.
Hindi na siya nakapag react sapagkat tuloy tuloy itong lumabas ng office.
Inis na napahugot siya ng hininga. Diba't ang plano niyang talaga ay ang sabihin s abinata na hindi naman siya pumayag sa proposal nito? That it is all misunderstanding? Pero bakit sa tuiwng makikita niya ang magandang mata nito ay parang may malakas na kapangyarihan na pumipigil sa kanya?
Gaga! Baka gusto mo lang talagang makasama si DJ!
Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya dapat iniisip ang bagay na iyon. Dapat masabi na niys sa lalaking iyon ang totoong pakay niya.
Dali-dali siyang sumunod sa binata. Naabutan niya itong abala sa pakikipag-usap sa secretary nito.
At sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman siya pinansin ni Didrey. Sumenyas lang ito na sumunod dito.
“Didrey, there's something I need to tel you-”
naputol ang sinasabi niya ng humarap ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya.
“Darling, you can tell that to me later, Okay? ”
Lalo siyang naguluhan ng hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya. Hindi man halata sa ekspresyon ng mukha nito ay alam niyang kinakabahan si Ddirey James ng mga oras na iyon. Nababasa niya iyon base sa kislap ng mga mata nito.
Pumasok sila sa isang malaking conference room. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya ng bumungad sa kanya ang mga tao sa loob niyon. Ang hula niya ay mga stockholders iyon at mga directors sa company nito. Tatanggalin sana niya ang pagkakahawak nito sa kamay niya ngunit mas lalaong hinigpitan ng binata ang pagkakagagap nito.
Binati ito ng mga tao sa conference room.
“Good morning . Anyway, this is Ms. Jovina Luzzel Alegre.”
Pagka upong- pagkaupo niya ay agad na nagsimula ang meeting. Isang delicate at multi dollar deal pala ang nangyayari ng mga orasa na iyon. Habang nagsasalita si Didrey ay lalo niyang napapatunayan na ibang iba na talaga ang lalaking ito.
Parang nang mga sandaing iyon ay isa itong hari sa sarili nitong palasyo. Punong puno ng authority at confidence ang bawat salitang binibitaiwan nito. Na para bang isang maling salita mo lang ay parurusahan kana.
But everytime they exchange glances, lumalambot ang ekspresyon ng mukha nito at nginingitian siya ng matamis.
When he'll do that, her heart melts away.
BUONG araw ay magkasama silang dalawa ni Didrey. Pagkatapos kasi ng conference meeting ay may kinausap pa itong business partner sa labas ng opisina nito. Sa loob lang ng isang araw ay napag alaman niya kung gaano ito kadedicated at kasipag sa trabaho nito.
At ang ending nang dapat na sasabihin niya ay hindi natupad. Hanggang nasa sasakyan siya nito at pauwi na.
Tumikhim muna siya para maalis ang bara sa lalamunan niya.
“Didrey, we need to talk.”seryosong sabi niya.
Nagmulat ito ng mata at nakangiting binalingan siya. Bakas sa mukha ng binata ang pagod sa ginawa nila ng araw na iyon.
She sighed. Mukhang kailangan niya munang ipagpaliban ang pag-atras niya sa proposal nito.
“Ano yuu, Darling?”
Kinunutan niya ito ng noo.
“Pwede ba, Didrey? Huwag mo nga ko ma darling-darling dyan.”
Napuno ng halakhak anito ang loob ng kotse.
“What's funny?” medyo naaasar na tanong niya.
Umiling iling ang binata. “Nothing.” Mahigpit niyong ginagap ang kamay niya. “I'm just happy to be with you, Luzzel.” he whispered.
Mag-rereact pa sana siya ng magsalita ulit ito at gagapin ang kamay niya.
“Let me hold your hand for a while, Luzzel. Just let me feel you. ” he murmured to her then he closed his eyes.
Hindi na nito matago ang pagod sa hitsura nito. Sa muling pagkakataon ay pinili na lang niyang hindi ito kontrahin. Pinagmasdan niya ang kamay nilang magkahinang. Until now, she couldn’t believe na magtagtago ulit ang landas nilang dalawa.
Pinili na lang din niyang pumikit at namnamin ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. She will just let herself feel this moment. For the meantime, hahayaan niya muna ang sarili niya na maramdaman ang damdaming si Didrey James lang may may kakayahang iparamdam sa kanya.
KUNOT-NOONG pinarada niya ang kotse niya sa tapat ng Flight Deck. Nakatanggap kasi siya ng tawag galling kay Didrey at inutusan siyang dumaan muna sa bar.
Sa totoo lang, ngayon lang siya naka encounter ng bar na bukas kahit umagang-umaga. Mukhang hindi yata marunong matulog ang may-ari nun. Ilang araw na rin siyang natitiis sa pagiging personal assistant ng binata.
Nagtitiis? Eh enjoy na enjoy ka nga, teh! Tudyo ng isip niya.
Hindi naman sa nag-eenjoy siya. Sa tantya niya kasi ay marami siyang matututunan pagdating sa business practices sa kumpanya ni Didrey.
Gusto mo lang siyang makasama. Impokrita!
Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bar. Naabutan niya doon ang apat na kalalakihan na may kanya-kanyang ginagawa.
Nakita niya si Yasser na abalang-abala sa pagtipa ng cellphine nito na malamang ay isa na naman kawawang nilalang na babae ang lolokohin nito.
Dumiretso siya sa kinarorooon nito.
“Kawawa naman kung sino man yang girl nayan.”sabi niya.
Agad na nginitian siya nito.
“Mukhang alam ko na kung sino ang sadya mo.”ngising ngising sabi nito.
Bago pa siya makapagsalita ay may lalaking bigla na lang sumulpot sa kung saan. Napakatangkad nito at may mestizo features. Halatang hindi ito purong pinoy.
“Pare, ako bang hanap ng magandang dilag na ito?”ngiting ngiting sabi nito sa kanya.
Nagulat pa siya ng bigla nitong kunin ang kamay niya at hinalikan.
“Anong ginagawa ng isang magandang binibining katulad mo dito? Naghahanap ka ba ng prinsipe? I’m available.”sabi nito sabay kindat sa kanya.
Pinalo ni Yasser ang kamay ng lalaki.
“Kenesis, pare. Ayaw kong may dumanak na dugo sa Flight Deck. Dahil tiyak na magagalit na naman yang si Dexter. Alam mo naman girlfriend nun ang bar na to.”banta ni Yasser sa tinawag nitong Kenesis.
“Bakit naman? Masama bang humanga sa tunay na dyosa?”
Napailing siya. Sigurado siyang isa din ito sa mga kaibigan ni Didrey.
“Luzzel, this is Kenesis. Isa sa mga autistic kong kaibigan. Pare, girlfriend yan ni DJ kaya hands off ka na dyan.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
“What?”halos sabay na sabi nila ni Kenesis.
“Nababaliw ka na ba, Yasser?”inis na sabi niya.
Ano bang kalokohan ang sinasabi ng isang ito?
Lalong nanlaki ang mga mata niya ng bigla siyang akbayan ni Kenesis.
“Sus, girlfriend palang pala ni DJ itong magandang binibining ito. Pwedeng pwede pang agawin.”sabi nito sabay kindat ulit sa kanya.
Aalisin n asana niya ang pagkakaakbay nito ng bigang dumating si Didrey na halatang hindi nito nagustuhan ang naabutang eksena.
“Anong ginagawa mo ditto, Luzzel?”malamig na tanong nito sa kanya.
Nakaramdam siya ng inis. “Okay ka lang, Didrey James? Pinapuntan mo kaya ako dito!”
Bambuhin kaya niya itong lalaking ito?
Masama nitong tinignan si Kenesis na hanggang ngayon ay nakaakbay pa din sa kanya.
“Back off, Kenesis. The girl you’re holding is mine.”he said coldly.
Sa paraan ng pagkaksabi nito ay mapapaatras at mapapasunod ka nito agad. Sinunod naman iyon ni Kenesis ngunit parang hindi ito naaapektuhan sa sinabi ni Didrey.
“Your girl? Parang hindi naman yun ang sinabi ni Luzzel.”pang aasar pa nito.
Nagsukatan ng tingin ang dalawa samantalang si Yasser ay pasipol sipol lang.
“Pwede ba, stop it? Hindi ako nandito para pagtripan niyong dalawa.”banas na sabi niya.
“Kahit kailang hindi kita pinat-trip-an, Luzzel.”seryosong sabi ni Didrey.
“Shut up, Didrey. Bakit mo ba kasi ako pinapunta dito?”
“I’m sorry. My mistake na pinapunta pa kita dito.”
“Okay nga, Pare na pinapunta mo siya ditto. Nakita ko na tuloy ang babaeng mamahalin ko.”ani pa ni Kenesis.
“Luzzel, have a date with me. I’m sure you will never regret it.”
Kumunot ang noo niya. Nababaliw nab a ang lalaking ito?
Hindi pa man siya nakakasagot ay agad siyang hinila ni Didrey palayo kay Kenesis.
“Mine your own girl, Kenesis. You better back off.”pagkasabi niyon ay umalis na ito na hila nhila pa din siya.
Narinig niya ang tawang ng mga barkada nito bago sila tuluyang makalabas ng bar. Doon siya huminto at galit na hinarap ang binata
“Ano ba, Didrey? Pinaglalaruan mo na naman ba ako?”
He stared at her coldly. “Gustong gusto mo naman ang ginagawang pang-aakit sayo ni Kenesis?”
Sa narinig ay parang nanlaki ang ulo niya.
Ilibing kaya niya ng buhay ang lalaking ito?
Inis na hinampas niya ito sa braso. “Damn you, Didrey. Nag effort akong pumunta ditto dahil iyon ang gusto mo tapos sasabihin mong malandi ako?”
Frustrated na nilamukos nito ang mukha.
“God! That’s not what I’m meant.”
“That’s what you mean. Hindi ako basta tauhan mo lang na lahat ng gusto mong mangyari ay masusunod. Hindi ako puppet mo, Didrey.”
Pagkasabi niyon ay nagmamadaling tinalikuran niya ito.
How dare him na palabasin siya nitong malandi siya? Damn!
Papaskaay na siya ng kotser niy ng bugla siyang hilahin ng binata.
“Ano ba, Ddrey? Let me go!”
Ngunit balewala ditto ang sigaw niya. Tuloy tuloy itong pumunta sa nakaparadang sports car nito at sapilitan isyang sinakay. Wala na siyang nagawa ng humarurot sila sa gitna ng kalsada. Mas minabuti na lang muna na kalmahin ang sarili niya. Nang mahimasmasan ay saka lang siya nagsalita.
“Where in the hell are we going?”mataray na sabi niya.
Narinig niya ang malalim na buntong hininga nito bago sumagot.
“I’m sorry.”bulong nito.
Hindi siya kumibo sa sinabi ng binata pero medyo gumaan ang loob niya sa narinig mula dito. Huminto sila sa isang five star restaurant. Naisip niya marahil ay may ka meering ito na client. Tuloy tuloy na pumasok sila sa loob.
Unti unting kumunot ang noo niya ng Makita niya ang isang pamilya na tao na msayang nakikipagkwentuhan sa isang table. Hindi siya maaaring magkamali na kapatid nga niya ang nakikita niya ng mga oras na iyon. Agad na pinunthan niya ito.
“Alyssa, what are you doing here?”
Nagulat man ay agad nakabawi ito. “Ate, what are you doing here?”medyo alanganing tanong din nito sa kanya.
“Answer me first, Alyssa.”
Bago pa makasagot ang kapatid niya ay agad na nagsalita si Didrey.
“Mommy, this is Jovina Luzzel Alegre. Luzzel, this is my beautiful mom and my younger brother Vaughn.”pakilala nito sa kanya.
Agad naman siyang binate ng mommy ni Didrey. Habang tinitignan niya ang ginang ay doon niya napag alaman na replica ito ng binata. They have the same nose and smile.
“Nice to meet you, Hija. Noon ka pa nababanggit sakin ng anak ko. I’m glad that I finally meet you. He’s right. You’re beautiful.”nakangiting sabi nito sa kanya.
Kiming ginantihan niya ng ngiti ang ginang.
“Mom, stop it.”saway ng binata.
Inirapan lang ito ng ginang ngunit hindi pinansin. “Hija, pagpasensyahan mo na kung masyadong seryoso itong anak ko. Halika, join us. Take a seat.”
Nang nakaupo siya ay binalingan niya si Alyssa na ngayon ay alangain ang pagkakangiti sa kanya. Pinandilatan niya ng mata ang kapatid niya.
“Tita Yanny, sister ko po si Ate Luzzel.”
“Really? What a coincidence! Luzzel, girlfriend pala ng bunso ko ang kapatid mo. Hindi nakapagtatakang pareho kayong magandang magkapatid.”
Ang mommy ni Didrey ang nagsasalita lang sa buong durasyon ng pagkain nila. Nagtagumpay siyang itago ang pagkabigla at inis sa nalaman.
What in the world happening? Walang dudang kapatid ni Didrey ang lagging bukambibig ni Alyssa sa kanya. Ayos lang naman sa kanya na magka boyfriend na ito.pero sa kapatid ni DJ? No way! Hindi niya hahayaang magkaroon pa ng kaugnayan sila ng lalaking ito.
Lalo pa at kapag tinitignan niya ang Vaughn na iyon ay lalong lumalakas ang duda niyang seryoso nga ito sa kapatid niya. Paano kapag hindi at lokohin lang nito si Alyssa tulad ng ginawa sa kanya ng KUya nito?
She wouldn’t allow that to happen. Masyadong masakit ang nangyari sa kanya at ayaw niyang maranasan iyon ng kapatid niya. Nang matapos ang pagkain nila ay pinasya niyang agad na mag paalam sa mother ni DJ.
“I’m sorry, Mrs. Perez. But can we go now? May importante pa kasi kaming aasikasuhin ni Alyssa.”she said in cold voice.
Gusto na niyang makausap ang kapatid niya. Tutol man ang ginang na umalis agad sila ay wala narin itong nagawa.
“Lets go, Alyssa.”sabi niya sabay talikod.
Narinig niya ang pagtawag ni Didrey james sa pangalan niya ngunit hindi niya ito pinansin at tuloy tuloy na lumabas siya ng restaurant.
Dahil naiwang niya ang kotse sa Flight Dek ay pinasya niyang mag taxi na lang.
“Ate Luzzel, you’re rude. Ang ayos ng pakikitungo satin ni Tita Yanny. You shouldn’t do that.”
“I haven’t done wrong.”tinignan niya ito ng malamig. “Now, get in the car.”
Sumunod naman ang kapatid niya. Marahil ay napansin nito ang kaseryosohan niya ng mga oras na iyon. Habang nasa byahe ay tahimik lang silang dalawa ni Alyssa. Gusto niyang bago sila mag usap na dalawa ay mahinahon na siya. Binalingan niya ito na ngayo ay nakasimangot at hindi maipinta ang mukha sa inis nito sa kanya. Kaya pagkatapat na pagkatapat ng taxi sa bahay nila at agad na bumaba ang kapatid niya at dumiretso sa loob ng bahay.
“Alyssa, we need to talk.”
Inis na hinrap siya nito. “Anong pag-uusapan natin, Ate? Tungkol sa rudeness na pinakita mo kay Tita Yanny?”
“For the second time around, im not rude. At isa pa, don’t ever used that tone on me, Alyssa. Ako pa din ang ate mo at mas nakakatanda sayo.”
“Ano ba kasing problema mo, Ate?”
Mahigpit na hinawakan niya ang braso nitoa t seryosong tinitigan ito.
“Break up with him.”ani niya.
“What are you saying?”
“Hiwalayan mo si Vaughn.”
Pilit nitong binawi ang braso sa kanya.
“Nababaliw ka nab a, Ate? Ano bang pinagsasabi mo?”
“You don’t know him yet, Alyssa. Kaya dapat hindi ka agad nagtitiwala sa lalaking iyon. Paano kapag lokohin ka lang niya? What if you got hurt? Ayaw kong masaktan ka. Ayokong mahirapan ka.”
Bumakas ang hindi makapaniwala sa mukha nito.
“Ano bang nangyayari sayo, Ate? Youre worrying for nothing. Hindi niya ako magagwang saktan. He loves me. We love each other.”
Umiling iling siya. “You don’t know him yet. Lolokohin ka lang ng lalaking iyon!”
“Lolokohin ako dahil iyon ba ang ginawa sayo ng kapatid niya? Dahil sinaktan ka ng kuya niya? Ano bang klaseng thinking yan, Ate? Akal ko pa naman malawak ang pang unawa mo. I was wrong.”
“Sabihin mo ang gusto mong sabihin but my decision will be the same. Break up with him and that’s final.”
Nakipagititgan ang kapatid niya sa kanya. Bakas ang determinasyon sa mukha nito.
“I will not do that. Hindi ako makikipagbreak kay Vaughn. At wala kang magagawa sa bagay nay an, Ate. This is my life. At dahil sarili ko ‘tong buhay I will do whatever I want. Gagawin ko kung anuman ang gusto ko at wala ka nang mgagawa doon.”
Sa siabi nito ay lalong nag init ang ulo niya. Bakit ba napakatigas ng ulo nit? She was doing it foe r sake!
“Ako ang ate mo. Mas matanda ako sayo kaya alam ko kung ano ang tama at kung ano ang mas makakabuti sayo.”
“You’re non sense, Ate. You disappointed me. Ang akal ko pa naman ika ang unang taong susuporta sa lahat ng gusto ko.”
She can see hurt all over her face.
“Mas buo ang desisyon kong hindi sundin ang gusto mo. I’m sorry.”
Muli niya itong hinawakan ng mahigpit sa braso. “You’re pushing me to the limit. And for that, you’re grounded.”
Sa sinjabi niya ay biglang nanlaki ang mata nito. “You cant do this to me!”
“I can. Watch me I can.”determinadong sabi niya.
Alam niyang para din sa kapatid niya ang ginagawa niya. Para sa ikabubuti nito.
“You’re imposible! Napakawala mong konsidirasyon. Ano pa ata naturingang kang matanda kung hindi mo ko maintindihan?”
“You don’t get my point kasi nabubulagan ka na sa mga pambobola ng Vaughn na iyan. My decision si final. Youre grounded. Susundin mo ang gusto ko because this is my house. Ako ang maususnod sa bahay na ito.”
Galit na tinaggal nito ang pagkakahawa niya sa braso nito.
“You cant stop me form loving Vaughn.”sabi nito sabay talikod sa kanya at nagmamadalinf pumanik sa taas.
“Hindi pa tayo tapos mag usap, Alyssa!”
Ngunit hindi siya pinansin nito at tuloy tuloy na umakyat. Frustrated na nilamukos niya ang mukha niya. Sa buong buhay nilang magkapatid ay ngayon lang sila nag-away ng ganoong katindi. Simula ng magkita silang muli ni Didrey James at wala ng tama ang nangyari sa kanya.
Bakit ba hindi siya tinatantanan ng mga alaala ng lalaking iyon?