Tuloy tuloy na pumasok siya sa opisina ni Didrey James. Hindi niya pinansin ang pagpigil sa kanya ng secretary nito. Kailangan niyang makausap ang binata.
Kaninang umaga kasi paggising niya ay wala na siyang naabutang Alyssa sa bahay. To make the story short, nilayasan lang naman siya ng mabait niyang kapaitd at nakipagtanan sa Vaughn na iyon!
For Pete’s sake! Napakabata pa ng kapatid niya para gawin ang bagay na iyon. Kasalanan iyon ni Vaughn kundi dahil sa impluwensya nito ay hindi sila mag aaway magkapatid at hindi uuwi sa puntong kailangan pa nitong maglayas.
“We need to talk.”agad na sabi niya pagkabukas ng pintuan ng office ni Didrey.
“Luzzel..”halatang nagulat ang binata ngunit agad naman itong nakabawi agad at nginitian siya.
Doon lang niya napansin na may bisita pala ito.
Kumunot ang noo niya ng makilala ang kausap nito. Kung hindi siya nagkakamali ng hinala ay sikat na model at artista ang lalaking iyon.
Tumayo ito at lumapit ito sa kanya sabay alok ng kamay nito.
“You must be Luzzel. I heard about you sa mga friends naming ni DJ. I’m Travis Laurel.”sabi nito sabay bigay sa kanya ng simpatikong ngiti.
Tama! Si Travis Laurel nga ngayon ang kaharap niya. Na sa katunayan nga ay pinagpapantasyahan ito ng magaling niyang kapatid. Bakit nga ba hindi? Sa palagay niya ay lahat ng babae na haharapin nito ay tiyah na mawawala sa ulirat. Aaminin niyang sobrang lakas ng s*x appeal nitong si Travis. Iyon siguro ang isa sa mga main reasons kung bakit sikat ito at kinababaliwan ng mga kababaihan.
Nag akal niya ay simpleng handshake lang ang gagawin nito ngunit nagulat siya ng bigla naloang halikan ni Travis ang palad niya.
“Yasser is right. Youre beautiful/”
Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha sa ginawa ni Travis. Magsasalita n asana siya ng biglang tinapik ng malakas ni Didrey James ang kamay ni Travis.
“You’re messing with the wrong person, Travis.”nakasimangot na sabi ni Didrey.
Narinig niyang humalakhak ng malakas ang una.
“Mukhang napatunayan ko na ang lahat ng sinasabi ni Kenesis.”
“Tapos na tayong mag usap. You can go now.”pagtataboy nito sa kaibigan.
Tinawanan lang itoang huli at sabay baling ulit sa kanya.
“now I know the reasons kung bakit nagkakaganito ang kaibigan naming. Anyway, nice meeting me Luzzel. I hope this is not the last.”
“Unfortunately, this is the last time you’ll meet her. Now, go.”
Nailing na tinapik tapik na lang nito ang balikat ni Didrey.
“Grabe ka magselos, Pare. Nakakatakot. Don’t forget my party. See you there.”sabi nito sabay labas na nang office ng binata.
At siya naman ay hinabol niya ng tingin si Travis. Kung malalaman lang ni Alyssa na naka face to face niya ang idol nito malamang ay baka magwala na ang kapatid niya sa sobrang inggit.
“Kung gusto mong habuli si Travis to get his personal number, I will not allow you.”kunot noong sabi ni Didrey James sa kanya.
“What are you trying to say, Didrey?”sabi niya sabay pukol ng nakakairitang tingin dito.
Noon lang din niya naalala kung ano ba talaga ang pakay niya dito.
“Where’s Vaughn?”
“Why are you asking for my brother?”
“Saan niya dinala ang kapatid ko?”
“What do you mean saan dinala ni Vaughn si Alyssa? Don’t tell me?”
“Yes! Tinanan lang naman ng magaling mong kapatid ang kapatid ko! Kaya mabuti pa ilabas mo na kung saan lungga nagtatago yang si Vaughn!”galit na sabi niya.
Agad na nilapitan siya ni Didrey James at hinawakan sa balikat.
“Relax, lilitaw din ang dalawang iyon. Ano ba kasi ang nangyari at humantong sa paglalayas ang dalawang bata?”
Inis na tinabig niya ang kamay nito na nasa braso niya.
“Huwag mo kong marelax-relax dyan, Didrey! Dahil kapag hindi nilabas ni Vaughn ang kapatid ko ngayong araw lagot kayo sakin!”
Imbes na matinag sa banta niya ay unti unti itong lumapit sa kanya. Natigilan siya nang bigla na lang nitong inipit ang buhok niya sa punong tenga niya sabay haplos sa pisngi niya.
Ramdam niya ang hindi maipaliwanag na sensasyon na muling nabuhay ng magdikit ang mga balat nila. Napansin niyang natigilan din ang binata sa bay titig sa kanya. Naramdaman din kaya nito ang sensasyong nadama niya ng magdikit ang mga balat nila? It seems the old sensation that she felt before came to be alive again.
Pinilit niyang ibalik ang katinuan. Hindi mahalag kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ang kapatid niya ang kailangan niyng unahin.
Inilayo niya ang mukha mula sa paghaplos ng binata.
“Luzzel..”
“We have to fine them. Kailangan Makita natin ang kapatid ko. Hindi ko mapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.”
She heard him sighed. Hindi na niya hinayaan na magsalita ito. Agad niyang binigay ang sulat na iniwan ng kapatid niya.
“We need to go to Del Carmona Highland. Now.”
TAHIMIK lang siya habang katabi si Didrey James na kasalukuyang nagmamaneho. Papunta sila sa Del Carmona kung saan nandoon ang kapatid niya at si Vaughn. Napag-alaman din niyang pagmamay-ari ng pamilya ni Didrey ang kugar kaya lalong kumulo ang dugo niya kay Vaughn. Mukhang hindi nga siya nagkakamali na masisira lang ang buhay ng kapatid niya sa lalaking iyon.
“Luzzel..”pukaw ni Didrey sa kanya.
Pinili niyang huwag kumibo. Hanggang ngayon kasi ay kumukulo pa din ang dugo niya.
“Look, Luzzel. I know what you’re thinking. Hindi kasalanan ni Vaughn ang lahat. I hate to say this pero I think ginusto din ni Alyssa na sumama sa kapatid ko.”
She hissed. “Kung hindi dahil sa sulsol ng kapatid mo hindi gagawin iyon ni Alyssa. Kilala ko ang kapatid ko. She wouldn’t do such sctupid thing.”
“Don’t you think you’re being unfair to them? Lalo na sa kapatid mo? Sa nakikita ko sa dalawang bata, they’re in love with each otjer. Dahil bas a ginawa ko noon sayo kaya mo sila pinipigilan?”
“You love yourself that much ah? Hindi lahat ng bagay may kinalaman sayo.”she said sarcastically.
“Huwag mo sanang hayaang siarain ng nakaraan natin ang future ng dalawa, Luzzel.”
She heard him sighed. Naramdaman niya na tinitignan siya ng binata at siya naman ay umiiwas sa tingin nito.
Nasapol ni Didrey James ang dahilan niya kung bakit ayaw niya kay Vaughn. Pinili na lamang niyang huwag sagutin ang binata. Pinikit niya ng mariin ang mga mata. Nang mga sandaling iyon ay saka dumagsa ang mga ala-ala nilang dalawang binata na buong akala niya ay nakalimutan na niya at naibaon na ng tuluyan sa limot.
Palihin niyang pinahid ang luhang dumungaw sa mata niya. Hindi tamang balikan pa niya ang masakit na nangyari sa kanilang dalawa dahil walang ibang madudulot niyon na maganda. Sa ngayon, ipapahinga na muna niya ang isip niya.
HALOS limang oras din tumagal ang byahe nila papunta sa destinasyon nilang dalawa at buong oras na iyon ay wala silang pansinan. Marahil ay nahalta na tin ng binata na ayaw na niyang pag usapan ang nakaraan kaya hindi na din ito nagpumilit.
Napahanga siya sa ganda ng lugar na dinadanan nila ng mga oras na iyon. Kung hindi siya nagkamali ay nasa loob na sila ng Del Carmona at papunta na sa ancestral house ng mga Perez. Kahit papalubog na ang araw ay kitang kita pa din niya kung gaano kaganda ang paligid na dinadaanan nila. Halatang alagang alaga ang mga puno at halaman doon lalo na ang mga bukurin.
She sighed. Pakiramdam niya ay nawala agad ang pagod niya ng masilayan ang ganda ng luagar. Noong nagging sila ng binata noon ay hindi niya alam na napakayaman pala ng pamilya nito. Hindi naman kasi ito palakwento tunkol sa pamilya nito at business. Kaya nagulat siya na ito pala ang may-ari ng isa sa pinakamalaking telecommunication sa bansa.
Ilang minute pa ay papasok na ang sasakyan nila sa isang malaking gate. Doon niya hindi mapigilan ang pagsinghap ng Makita ang ancestral house ng mga ito. Isa iyong napakalaking mansion na sa tantya niya ay ilang dekada na din na nakatayo. Spanish era pa ang style ng bahay ngunit halata na fully maintain iyon at alagang alaga kahit na matagal na.
Agad na bumaba silang dalawa sa kotse at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng mansion. Tulad sa loob ay unique ang interioi design niyon. Halatang lahat ng mga antiques sa loob ng mansion ay malaking halaga ang katumbas.
Umiling iling siya. Hindi ang kagandahan ng lugar at mansion ang pakay niya kundi ang kapatid niya.
“Where’s Alyssa?”agad na tanong niya sa binata.
Hindi ito kumibo at lumakad lang ang binata. Nakarating sila sa garden ng mansion. Hindi pa niya nasisilayan ang kapatid niya ay agad niyang narinig ang masayang halakhak nito. Masayang nakikipag kwentuhan it okay Vaughn ng mga oras na iyon. Matagal ng msayahin ang kapatid niya ngunit hindi ganoon ang level ng kasiyahan ang nakikita niya ditto ng mga oras na iyon. Kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin kay Vaughn.
Tama ba talagang pigilan niya ang dalawa dahil lang sa selfish reason niya?
“Pleas, Luzzel. Let them. Ako na ang nakikiusap sayo.”
Narinig niyang sbai ni Didrey sa kanya. Sasagot n asana siya ng marinig ang boses ni Alyssa na tinatawag siya.
“Ate! Youre here na!”sabi nito sabay takbo papunta sa kinarorooanan niya.
Agad na niyakap siya ng mahigpit ang kapatid niya.”Sorry, Ate. Nasagot sagot kita kahapon. I shouldn’t do that in the first place. Its not right.”
Bago siya sumagot ay awtomatikong napatingin siya kay Didrey James. Umiling lang ito sa kanya. Halatang nakikiusap pa din. She sighed at tinanggal niya ang pagkakayakap ng kapatid niya at pinagkatitigan ang mata nito. Bakas doon ang pagkakonsensya sa nangyaring sagutan nilang dalawa.
Muli siyang napabuntong hininga. Sa unang pagkakataon ay tatanggapin niya at aaminin sa sarili niyang nay punto si Didrey James.
“Its Okay, Aly. You don’t need to say sorry. Ang importante ngayon ay ligtas ka.”
Malawak na nginitian siya ng kapatid niya.
“Thank you, Ate.”
Maya-maya ay inakay siya nito kay Vaughn na ngayonay may alangan na ngiti.
“Hindi ko siya na-introduce formally si Vaughn sayo , Ate. Halika, I’ll introduce you to him. Please?”
Nailing na pinagbigyan na lang niya ang kapatid niya. Hindi niya hahayang lumala pa ang away nilang dalawa.
“Ate, this is Vaughn Perez. Ang gwapo at nakapabait at napakamapagmahal at-”
“Enough, Aly. Alam ko ana ang idudugtong mo.”sabi niya sabay baling kay Vaughn. “You know the rules, young man. Hindi ko hahayanagn saktan mo ang kapatid ko. Sangayon, shes yours. Bt once na napaiya at sinaktan mo siya hinding hindi mo an siya mababawi sakin. Maliwanag ba?”
Ngiting ngiti na sumaludo pa ito sa kanya. Halatang nagustuhan nito ang ibinigay niyag approval sa relationship ng mga ito.
“Loud and clear, Ma’am.”
Natatawang niyakap ito ni Alyssa sa beywang.
NAPAYAKAP siya sa braso niya ng maramdaman niya ang lamig ng simoy ng hangin. Nasa terrace siya ng mga oras na iyon. Dahil alanganing oras na din silang nakaratinf sa Del Carmona ay hindi na din siya nagpumilit na umuwi ng Manila. At isa pa, ramdam na din niya ang pagod sa haba ng byahe nilang dalawa ni Didrey James.
She sighed. Mukhang sa pagkakataong ito ay nanalo na naman ang kagustuhan ng kapatid niya., pero base sa nakikita niyang saya sa mukha nito habang kasama si Vaughn ay napapanatag na lang siya. Hindi tamang pigilan niya ang nararamdaman nito sahil lang sa reason na mayroon siya.
Napapitlag siya ng maramdama niya may naglagay ng jacket sa may balikat niya. Agad niyang nalingunan si Didrey na nakangiti sa kanya. Sa pagkakataong ito at ramdam niya ang mabilis na pagtibok na naman ng puso niya.
Everytime his he’s near ay hindi magkandamayaw ang pagtibok ng puso niya. Sa tuwing nakikita niya ang binata ay nakakaramdam siya ng saya. She couldn’t imagine herself that after ten years ay magkakaharap ulit silang nito. Looking at his deep browns eyes ay pakiramdam niya na lagging pinapaalala sa kanya kung gaano niya ito minahal dati.
Kinurap kurap niya ang mga mata niya ng maramdaman ang pag iinit niyon.
“Masyadong malamig ditto, Luzzel. You should stay inside.”
Umiling lang siya sa binata at binaling ang atensyon niya sa labas. Walang hanggang kadiliman ang nakikita niya ngunit dahilsa liwanag ng buwan ay naaaninag pa din siya.
Ilang minute lang silang nakatayo at para bang nakakaramdam.
“Luzzel, I think this is the right time para makapag usap tayo.”
Hindi siya kumibo sa sinabi nito. Ito na nga ba ang right time para makapag usap sila ng lalaki after ten years? Simula kasi nang mahuli niya itong nakikipaghalikan kay Myrna ay wala na siyang narinig kahit na isalg salita mula ditto. Ni hindi man siya nakatikim na kahit isang sorry mula sa binata. Bigla na lang itong nawala sa buhay niya na parang bula. And that’s hurt her even more. Kaya nga matagal tagal din na panahon nang ipasya niyang tigilan na ang pag iyak sa kinahinatnan ng relasyon niya kay Didrey.
“I’m sorry sa nagawa ko noon, Luzzel. There’s no word to omfort you. At alam kong walang salita din ang makakapagbago nang nangyari dating dalawa. Pero isa lang ang alam ko. This is all my fault. I’ve hurt you and im sorry.”
After ten years, iyon ba talaga ang gusto niyang marinig sa binata? Dati rati kapag naiisip niya kung magtatapong muli ang landas nila ay ipapakita at ipaparamdam niya ditto na nakamove on na siya sa panloloko nito sa kanya.
Yung eksena na babalik ito sa kanya at magigig sila ulit. Kaya lang ay walang Didrey James na dumating at nagbalik sa paglipas ng maraming taon. And that hurt her even more.
Hinamig muna niya ang sarili. Pinili niyang ngumiti sa binata ng harapin niya ito.
“No more crying over the spilled milk. Naka move on na ako at ten years na din ang lumipas. And apology accepted kahit na super late at umabot ng isang dekada.
Ilang segusdo silang nagkatitigang dalawa. She can see different emotions in his eyes. Nang hindi na niya makayanan ay siya na ang unang nagbawi ng tingin. Masyadong malakas pa din ang epekto ng binata sa kanya.
“I’m sorry kung natagalan ang paghingi ko ng tawad sayo, luzzel.”
Marami pa siyang gusting itanong sa binata, kung bakit hindi ito gumawa ng paraan para magkausap sila. Kung bakit bigla na lang itong hindi nagparamdam ng sampung taon. Ngunit hindi niya alam kung saan at paano niya sisimulan. Pero hindi pa ba sapat ang hindi nito paggawa ng paraan para hindi sila makapag ayos dati at talagan hindi naman siya minahal ng binata?
Humugot siya ng hinga at pilit na binalik sa wasto ang sarili niya. Hindi nga ba’t ang sabi niya sa binata ay there’s no use in crying over the spilled milk? Hindi na dapat pinapahalagahan kung anuman ang mayroon sila dati.
But just thinking about it hurts her like a hell.
Napasulyap siya ng inilahad nito ang kamay sa kanya.
“Can we start all over again?”seryosong sabi ni nito.
Tama ba talagang maging kaibigan niya ang taong nanakit sa kanya?
“Please? Can we be friends?”sabi nito sa tonong nakikiusap.
Bumuntong hininga siya. Maya maya ay tinanggap niya ang inaalok nitong kamay at nakipag shakehands sa binata.
“Friends.”kiming sabi niya ditto.
Napamaang siya ng bigla nitong hilahin ang kamya niya papalapit ditto at niyakap siya. Nang mga oras na iton ay ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ni Didrey James.
Dahil sa pagkabigla ay hindi agad siya nakakilos. Napapitlag pa siya ng marahan nitong hinaplos ang likod niya.
“God, Luzzel. Do you have an idea how much I missed you? How much I long for you to be in my arms again?”he murmured to her ears.
Ilang saglit sila sa ganoon posisyon na para banag ninanamnam nila ang mga sandaling iyon.
Maya-maya lang ay marahang ipantaong ni Didrey ang kamay sa balikat niya at inilayo siya.
“You should rest now. See you tomorrow.”
Pagkasani niyon ay umalis na ito at tinalikuran na siya ng binata. Samantalang siya ay naiwang nakatulala at natitigilam. Until now ay hindi maprocess ng utak niya ang nangyri sa kanilang dalawa ngayon ni Didrey.
Did he just hug her? Did he just said that he’s been longing to her?
Marahas siyang napahinga. Maybe she just sleep now. Baka sakaling pagising niys kianbukasan ay mawlaa agad ang pag asa na biglang umusbong ngayon lang.
GOOD MORNING , Ate Luzzel.”
Agad na bati sa kanya ng kapatid niya. Nag aalmusal sila ngayon sa garden ng mansion. Pag upo niya ay naramdaman niya agad ang pagkulo ng tyan niya pagkakita sa masarap nilang pagkain.
“Ate, mukhang napuyat ka ah. Hindi ka ba nakatulog ng maayos? Pareho kayo ni Kuya DIdrey na mukhang zombie.”
Sa sinabi ng kapatid niya ay awtomatikong napabaling ang tingin niya sa binata nga ngayon ay kaharap niya sa mesa.
“Good morning, luzzel. Did you sleep well?” nakangiting tanong nito sa kanya.
Iniiwas niya ang tingin ditto. “Y-yes, nakatulog ako agad.”
Sinungaling ka, girl! Medaling araw ka na kaya nakatulog!
“Weh? Eh bakit parang mugto yata ang mata mo, Ate?”patutsada sa kanya ng kapatid niya.
Pinanlakihan niya ng mata si Alyssa na ngayon ay ngising ngisi sa kanya. Sabunutan kaya niya ‘tong magaling na kapatid niya?
“Will you just shut up and eat?”ani niya.
Tinawanan lang siya nito ngunit hindi pa din natinag sa banta niya.
“Nakita ko kayo sa terrace kagabi. Ano palang napag usapan niyo ni Kuya?”
Muntik na niyang maibuga ang iniinom niyang orange juice sa narinig. Mukhang naguumpisa na naman mang asat ang magaling na kapatid niya.
“Fine. Kung aayaw mong sagutin ang tanong k okay Kuya Didrey nalang ako magtatanong.”
Hindi paawat na binalingan nito ang binata na ngayon ay pangiti ngit lang.
“We just talk, ALy.”
“Anong pinag usapan niyo ng Ate ko?”
“Business matters.”
Tumaas ang kilay ng kapatid niya. “Business matters? Eh bakit may kasama pang yakap?”
“Alyssa!”sabay na saway nila ni Vaughn sa pasaway niyang kapatid.
“What? Wala naman akong ginagawang mali!”sabi pa nito.
Inakbayan ito ni Vaughn at masuyong hinaplos ang pisngi.
“Baby, you shouldn’t involved in their business. Pang matandang business yan, bata pa tayo.”
Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay ginigisa siya sa sarili niyang mantika. Nagulat siya ng lagyan ni Didrey ang plato niya.
“Eat. Don’t mind her, inaasar ka lang ng kapatid mo.”
Ito naman ang pinanlakihan niya ng mga mata. “Gustong gusto mo naming lalaki ka?”
He chuckled. “Of course not. But youre beautiful when you blush, Luzzel.”
Umugong ang tuksuhan sa dalawang bagets na sinabi ni Didrey James sa kanya.
“naks. Nangangamoy KimGerals Loveteam. So kalian ang kasal?”
Sa buong durasyon ng almusal nila ay puro tukso at pang aasar ani Alyssa ang inabot nilang dalawa ng binata. Hinayaan na lang niya ang kapatid niya dahio kahit ano ang gawin niya ay hindi naman ito papaawat. Samantalang ang Didrey james na ito ay ngiting ngitn at parang enjoy na enjoy pa sa nangyayari.
Ngunit sumatutal ay naenjoy naman niya ang pagkain niya. Feeling niya ay nawala ang malaking pader na matagak ng nakaharang sa pagitan nila ni Didrey. Nagagawa na niyang ngitian ang binata.
Napagkasunduan nilang mamasyal sa buong Del Carmona. Magaganda daw talaga ang buong lugar. Hindi pa lang natutuklasan iyon ng ibang tao dahil private property iyon at talagang pinangagalaan ng pamilya ni DJ.
Abala siya sa pakikipag kwentuhan ng biglang tumunog ang celphone niya. Kusa siyang natigilang ng malaman kung sino ang caller niya.
Si Brent.
What in the hell happening to her at nakalimutan niya si Brent?
Ilang Segundo siyang naguluhan kung sasagutin ba niya ang tawag nito.
“You should answer it. Baka importante ang tawag na iyan.”sabi ng binata.
“Importante? Sus, si Brent lang yan kaya hindi importante ang tawag nayan.”ani ni Alyssa.
Minabuti na lang niyang sagutin ang tawg ni Brent. Hindi talang baliwalain niya ang lalaki. She excused herself at sinagot ang tawag nito.
“Who’s Brent?”narinig niyang tnaong ni Didrey.
“Boyfriend kuno ni Ate. Huwag kang magselos doon kuya. Mas gwapo ka kaysa sa Brent na iyon.”
Iyon ang huli niyang narinig bago tuluyang lumayo sa mga ito. Pinilit niyang maging normal habang kausapa niya ang lalaki, hindi tamang basta na lang niyang makalimutan ito.
Pagbalik niya sa lamesa ay tahimil lang ang tatlo na halatang hinihintay na bumalik siya.
“Im sorry.”sabi niya sabay baling kay Alyssa. “We need to go now, Aly. Please.”pakiusap niya sa kapatid niya.
Hindi ,an ito nagslaita ay halata naman sa mukha ng kapatid niya ang labis na pagtutol.
“Im sorry to ruined our plan. But I nedd to go to Manila after lunch.”
“Sure.”sabi ni Didrey James.”Makakarating ka agad ng Manila as you wish.”
Nakipagtitigan siya sa binata. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito at wala siyang mabasang anumang emosyon mula doon.
“T-thanks.”
Pagkasabi nun at tumayo na ito mula sa kianuupuan at tuloy tuloy na dumiretso palayo sa lamesa nila.
“Bakit ba lagi nalang si Brent ang panira sa magandang moment natin?”
Hindi na siya kumibo sa sinabi ng kapatid niya. Pinilit na lang niya ang sariling tama ang ginawa niya.
HABANG papauwi ng Manila ay tahimik lang silang dalawa ng binata. Samantalang ang dalawa sa likuran ng kotse ay buong durasyon ng byaheng naghaharutan at nagbobolahan.
Everytime na titingin siya sa binata ay wala pa din siyang mabasang kahit na anong emosyon sa mukha nito. Seryoso lang itong nagmamaneho at hindi nagsasalita.
Ano nga ba ang gusto niyang reaksyon kay Didrey james? Sigurado siyang sobrang daldal ng kapatid niya ay walang dudang nasabi na nito ang tungkol sa kanila ni Brent. Pero bakit nga ba siya nag aalala?
She sighed. Pinili na lang niya ipikit ang mga mata niya at huwag ng mag-isip. Tama ang tantiya niyang after lunch ay nakabalik na sila ng Hermoso Avenue. Pagkatapat ng kotse sa bahay nila ay agad niyang nilingon si Didrey.
“Thank you sa paghatid.”
Tumango lang ito sa kanya. Maya-maya ay naramdaman niya ang pagkalabit ni Alyssa sa balikat niya.
“Bakit nandyan yang isang yun, Ate?”sabi nito sabay nguso sa tapat ng bahay nila.
Nakatayo kasi si Brent sa labas ng bahay habang kampanteng nakasandal sa kotse nito. Pagkakita niya sa binata ay agad siyang lumabas ng kotse para salubungin ito.
“Hey..”sabi ni Brent at agad na humalik sa pisngi niys.
“I’m glad you’re safe. Where’s Alyssa? Is everything Okay?”tanong nito na halata ang pag-aalala sa mukha.
Umiling lang siya. “She’s safe. Kasama niya ang boyfriend niya.”
Tumango tango ito. “Thanks God.”
Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. Pareho pa silang nagulat ng biglang bumisina ng malakas ang kotse ni Didrey sabay harurot paalis. Saka lang niya napagtantong nakababa nap ala ang kapatid niya.
“They left already, Ate. Ang mabuti pa pumasok na tayo sa loob ng bahay.”sabi nito without greeting Brent.
“Pasensya ka na sa kapatid ko. Pagod lang siya sa mahabang byahe.”
“It’s alright, Honey. An you tell me what exactly happening, Luzzel?”seryosong tnaong nito.
Bumuntong hininga siya. Tama siguro na dapat na niyang sabihin ditto ang kinalalagyan niya at ang kundisyon niya kay Didrey James. Isa si Brent sa taong labis niyang pinagkakatiwalaan . sinabi niyang lahat sa lalaki at wala siyang iniwang detalye maliba sa nangyari sa kanila ni Didrey kagabi.
“Hindi mo naman kailangan matiis sa ganyang situation, Luzzel. I can help you. I can give you my property here at Hermoso. Hindi man iyon masyadong malaki but I’m sure na sakto iyon sa itatayo mong branch ditto.”
Umiling iling siya.
“No, Brent. I cant accept that. Hindi ko matatanggap ang alok mo. Look, three months is a short time. Gusto kong paghirapan ang magiging successful ng branch ko ditto sa Hermoso.”
Nakakaunawang tumango si Brent sa kanya.
“If that’s what you want, Honey. Just call me if you nee my help Okay?”
Ilang saglit pa silang nag usap nito at maya maya ay may inabot ito sa kanyang isang invitation card/
“What is it?”tanong niya habang binubuksan ang card na pinadala nito.
“You’re invited to Travis Laurel’s birthday bash. And you’re my partner, Okay? I’ll feth you hete tomorrow evening.”sabi nito sabay halik sa noo niya.
Nang wala na si Brent ay napabuntong hininga na lang siya at lumipad ang isip niya kay Didrey James.
DIRE-DIRETSO siyang pumasok sa Flight Deck. Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya Ini Yasser. Agad siyang pumunta sa bar area at umorder ng scotch. Inisang lagot niya iyon at kumuha ulit ng bago. Naramdaman niya ang pagtapik ni Yasser sa balikat niya.
“What’s up, man? Mukhang biyernes santo yang gwapong mukha mo ah. Break na kayo ulit ni Luzzel?”
Hindi siya sumagot sa tanong nito at ininom nalang niya ang alak niya. Sa Flight Deck agad siya tumuloy matapos niya ihatid sa bahay si Luzzel.
“Hey, whats wrong? Don’t tell me nagkabalikan talaga kayo ni Luzzel tapos break na agad?”
Napipikon na tinignan lang niya si Yasser. Wala siya sa mood para patulan ang mga kalokohan at pang aasar nito ngayon. Feeling niya ng mga oras na iyon ay gusto niyang bumalik sa bahay ni Luzzel at bantayn ito sa Brent na iyon.
Sa isiping iyon ay muli niyang tinungga ang alak.
“I like her, Pare. No. I think I’m in love with her. Mahal ko na si Hasmin.”
Narinig niyang sabi ni Francis kay Paul habang naglalaro ang mga ito ng dart.
“Good for you, Francis. Buti naman at mukhang magseseryoso ka na sa babae.”
Nagkibit balikat ang huli sa sinabi ni Paul.
“Mukhang iba ang nagugustuhan ni Hasmin. But I don’t care. I’ll do everything to make her fall for me.”seryosong sabi ni Francis sabay tira sa dart at sakto sa gitna.
Binalik niya ang atensyon niyang mula sa iniiom. Kanina aaminin niyang labis siyang nafrustrate ng makiita niya si Brent na hawak ang kamay ni Luzzel.
Damn! Mura niya sa isip niya sabay tungga ng alak.
PADABOG na sinara niya ang drawer niya. Kasalukuyan kasi siyang nasa office ni Didrey James at ginagampanan ang pagiging personal assistant dito. Naiinis siya dahil halos buong araw siya nitong hindi pinapansin at kinakausap.
Hindi niya alam kung anong nakain ng lalaking ito at ganoon anlang ang kasungitan nito sa kanya. At ito pa talaga ang may ganang magsungit?
teka nga. Bakit ba apektadong apektado siya sa tukmil na ito?
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago lumapit kay Didrey na ngayon a y abala sa pagbabasa ng kung anong papeles sa mesa nito. Padabog niyang inilapag ang folder na may lamang papeles.
“You need to sign this.”sabi niya saka binuksan ang folder.
Hindi pa din ito nagsalita at pinirmahan lang ang papeles. Tatalikod n asana siya ng may maalala dapat niyang sabihin dito.
“I’m going home early. May importante akong lakad.”ani niya.
Doon lang niya nakuha ang atensyon ng binata.
“Where? Going out on a date?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “So what? Don’t tell me pati personal kong buhay pakikialaman mo?”
Sumandal ito sa swivel chair at tinitigan siya.
“Hindi kita papayagan umuwi ng maaga. We do have an important meeting in an hour.”
Sa sinabi nito ay nainis siya.
“Ill do whatever I want. Kung gusto kong umuwi, uuwi ako. Im not your slave here, Didrey.”
“Pero may kasunduan tayo as my personal assistant ko. And it include that you will follow my orders.”
Doon parang nagpantig ang tenga niya. Sa sobrang inis ay padabog na hinampas niya ang kamay sa table nito.
“Damn you, Didrey. Wala kang karapatan diktahan ako. Kung hindi lang dahil sa lintek na lupang iyan ay hinding hindi ako lalapit sayo.”
Pagkasabi niyon ay walang lingon likod na tumalikod na siya ditto lumabas ng opisina ng binata. Narinig niya ang pagtawag nito sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. Basta ang alam lang niya ay punong puno na talaga siya sa lalaking iyon!