“READY ka na ba, Ate?”
Napailing siya ng muling marinig ang tanong na iyon ng kapatid niya. Simula kasi ng malaman ni Alyssa na inveited siya sa party ni Travis Laurel ay hindi na magkandamayaw ang excitement nito. Sa katunayan ay ito na ang namili ng dmait na susuotin niya sa party.
Talaga naming talk of the town ang birthday party ng binatang actor at international model. Walng kaduda dudang pagkatapos ng party ay nasa mga news papers ito. Kaya nga hindi na niya mapapalampas ang pagkakataon para mas lalong mapalawak ang network niya at makatulong sa business niya.
“Ate! Susmiyo, Luzzel Alegre. Baka tapos an ang party pagdating natin sa bagal mong kumilos.”dakdak ng kapatid niya na ngayon ay sinamahan na ng pagkatok sa pintuan.
Muli niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay kinuha niya ang pouch niya at binuksan ang pinto kung saan naghihintay ang kapatid niya. Napasipol ito ng Makita siya.
“Wow, Ate. You look great. I’m sure lalagapak ang panga ni Kuya Didrey sa ganda mo.”nakangising sabi nito.
Napairap siya.”Bakit na naman napunta kay Didrey ang usapan? Nandoon ba siya?”
“Bakit ako ang tinatanong mo? Why don’t you call him.”she smirked at her.
“Dami mong kalokohan. Let’s go. Brent is waiting for us.”
“Duh? Kiber.”
Hindi na lang niya pinansin ang patutsa ng kapatid niya. At dahil nasa loob din naman ng Hermoso ang venue ng party ni Travis ay wala pang limang minute ay nasa mansion na sila nito. Pareho silang namangha ng kapatid niya ng Makita kung gaano ka-engrande ang kaarawan ng binata. Halos lahat ng mga bisita ay halatang may sinasabi sa buhay ay mga bigating negosyante at politico sa bansa.
“Bongga pala mag pa party si Papa Travis ko.”amazed na sabi ni Alyssa habang ginagala ang tingin sa kabuuan ng lugar.
“Same old Travis. Masyadong nag-aalala sa sasabihin ng ibang tao.”komento ni Brent na nasa tabi niya.
“You know him?”she asked.
“Yeah. He’s my cousin. Sabay kaming lumaki.”
Hindi na siya nakapag react sa sinabi nito dahil paupo na sila sa isang bakanteng lamesa. Inalalayan siya ni Brent na makaupo. Ilang minute na silang nag-uusap ng lalaki ng mapansin niya ang natatawanang grupo ng kalalakihan sa lamesa na malapit sa kanila. Kumunot ang noo niya ng makilala ang isa sa mga iyon. Si Yasser. At hindi nga siya nagkamali na kasama din nito si Didrey James na hindi maipinta ang mukha ng mga sandaling iyon.
Kumabog ng husto ang dibdib niya ng magkasalubong ang tingin nila ng binata. He just stared at her na para bang puno ng pang-aakusan ang tingin nito. Siya na ang unang nagbawi ng tingin. Ano na naman ang kasalanan niya at nag iinarte ito ng ganoon?
Napapitlag siya ng bigla ng lang hawakan ni Brent ang kamay niya.
“Are you Okay? Parang namumutla ka?”
Umiling lang siya dito ngunit hindi kumibo. Bakit ba hindi niya naisip na dadalo din sa party si Didrey? Malaki ang posibilidad dahil taga Hermoso Avenue ito.
Maya-maya ay lumapit sa kinarorooan niya si Yasser.
“Hi, Luzzel. How are you? It’s been a while. Anyway, may two seats pang available sa table namin. Why don’t you join us? Para naman makilala naming ang kasama mo. The more the merrier.”nakangiting sabi ni Yasser sa kanila.
Gustuhin man niyang tumanggi ngunit wala na siyang nagawa ng tumayo si Brent sa upuan at alalayan pa siya papunta sa table nila Didrey. Ang bakanteng upuan pa naman na tinutukoy nito ay sa tabi ni Didrey kaya no choice siyang umupo doon. Kilala niya ang bituka ni Yasser tiyak niyang may iniisip itong kalokohan sa kanilang tatlo.
“Guys, listen up. Kilala niyo naman si Luzzel diba? Siya-”
“Hi, Luzzel. You look gorgeous tonight. Can we dance later?”putol ni Kenesis sa sinasabi ni Yasser.
“Pare naman. Gusto mo bang dumanak ulit ang dugo dito? Manahimik ka na muna.”
Natatawang kinindatan lang siya ni Kenesis. Siya naman ay naiiling lang. mukhang maloloko at maraming alam na kalokohan ang mga kaibigan ni Didrey. Ngunit halata sa mga ito na may sinasabi ang mga gwapong lalaking ito sa buhay. Bigla niyang naalala ang kwento sa kanya ni Hasmin. Kung hindi siya nagkakamali ay ang tatlong lalaking kaharap niya ay kasali sa tinutukoy nitong Hermoso Boys.
“Luzzel, why don’t you introduce us with your friend?”ani ni Yasser.
Inirapan niya ito. Halata sa lalaking ito na kumukuha lang ito ng impormasyon sa kanya.
“Guys, this is Brent Asunsion. He’s my-”
“Boyfriend. Luzzel’s boyfriend. Nice to meet you guys.”nakangiting sabi ni Brent na halatang pinaparinig nito sa tatlong lalaking kaharap nila na off limits na siya.
Napasipol nalang si Kenesis habang si Yasser ay binalingan si Didrey na ngayon ay halos hindi maipinta ang mukha.
“Pare, bakit kasi ang bagal mong kumilos? Yan tuloy, naunahan ka na.”
“Will you shut up, Yasser?”asar na sagot ni Didrey.
Natatawang tinapil tapik lang ito ng binata.
“Don’t worry, amdaling gawan ng paraan yan.”nakangising sagot nito.
Pinili na lang niyang hindi magsalit hanggang sa i-serve sa kanila ang pagkain sa table. Dahil magkatabi lang sila ni Didrey ay ramdam na ramdam niya ang presensya nito. Kahit naman ilang pulgada alng ang layo nila sa isat isa ay ramdam pa din niya ang init na nagmumula sa katawan ng binata. Hindi narin niya pinagtangkaang balingan ang binata. Alam niyang matamang siyang pinagmamasdan nito ng mga oras na iyon.
“Here. Try this. It tastes good.”
Doon lang napukaw ang pansin niya ng may inilagay na shrimp sa plato niya si Brent. Aayaw sana siya ng bigla na lang magsalita si Didrey.
“She’s allergic to shrimp.”anito sabay alis ng shrimp sa plato niya. “Kung boyfriend ka niya you should know kung saan siya may allergy.”
Napatulala siya kay Didrey. Hanggang ngayon ay alam at naalala pa din nito ang allergic siya sa shrimp? Doon sila nagkatitigan ng binata. He look at her in the eyes na para bang gusto nitong basahin ang iniisip niya ng mga sandaling iyon.
“Kung interesado ka talaga sa kanya, alam mo dapat ang mga bagay na iyon.”dagdag pa nito.
Bakit ba ganito na lang ang inaasal ng lalaking ito? At bakit ba ang lakas lakas ngayon ng t***k ng puso niya? Bakit ba ganoon pa din kalakas ang epekto sa kanya ng bawat tingin nito? Nang bawat mga salitang sinasabi nito?
Nang maramdaman niya ang pag iinit ng mata niya at bigla siyang napatayo.
“Excuse me. Punta lang ako sa ladies room.”sabi niya sabay bira ng alis.
She needed to compose herself. Hindi siya dapat mahalata ng lalaking iyon ang epekto nito sa kanya. Nang nasa loob na siya ng C.R ay agad siyang humugot ng sunod sunod na malalim na hininga. She needed to that para payapain ang nagwawalang kalooban niya.
“Kailangan mo na yatang mag re-touch ng make up, girl. You look pale.”
Awtomatikong napaangat siya ng tingin sabay baling sa nagsalitang babae na ngayon ay katabi niya at matamang siyang pinagmamasadan. Kakaiba ang style nito. Naka black dress ito na at naka higg boots. Marami din itong itim na kulorete at accessories sa katawan nito na mukhang pinaninindigan ang pagiging rakista. Pero kahit naman na ganoon ang ayos ng dalaga ay mapapansin mo agad ang gandang taglay nito.
Humugot ulit siya ng hininga bago binaling ang paningin sa salamin. Tama nga ito. She looked pale. At dapat na talaga siyang mag re touch. Kinuha niya ang foundation niya sa pouch at nag apply ng make up.
“I never seen you before. Bago ka lang sa Hermoso?”tanong pa nito. Ngunit bago pa siya nakasagot ay nagsalita na ulit ang babae. “Have you seen Francis? Kanina ko pa kasi siya hinahanap. Baka nagtatago na naman sakin ang lalaking iyon.”
Doon niya napagpasyahang sagutin ito. “No. I don’t know what are you talking about.”
Nagkibit balikat lang ito. “I’m Zhairisse. Fiancee ni Francis. Isa siya sa mga Hermoso Boys. Anyway, gotta go. I need to find him.”
Hindi na nito hinintay ang sagot niya at nagmamadaling lumabas. Ilang minute pa siyang nag stay sa loob ng rest room bago magpasyang lumabas na.
Nagulat siya ng may pumigil sa kanya. Kumunot ang noo niya ng Makita si Didrey.
“What are you doing?”sabi niya sabay pilit na binabawi ang kamay na hawak nito.
“Kaya ka ba umuwi ng maaga dahil sa lalaking iyon?”puno ng pang aakusang sabi nito.
“Pakialam mo ba? FYI, Didrey. He’s my boyfriend kaya siya ang mas priority ko.”
Nagsalubong ang kilay nito sa narinig sa kanya. Pakiramdam niya ay bubuga na ng apoy ang lalaking ito annumang oras.
“Mas mahalaga pa siya sa property na gusting gusto mo? Iyan ba ang ibig mong sabihin, Luzzel?”
Sinalubong niya ang tingin nito. “Look, I don’t care kung anuman ang gusto mong palabasin. Pero may usapan tao regarding sa property na gusto kong bilin sayo. Dahil pumayag na din anman ako sa kundisyon na binigay mo dapat nasa akin na ang lupa. On Monday, please expect my legal representative para sa mga necessary documents. I agreed on your condition kaya akin na dapat ang lupa mo.”sabi niya ditto sabay baiw sa braso niya na hawak nito.
“Ang kailangan ko lang gawin ay magtiis pa ng ilang buwan sa piling mo.”
Pagkasabi niyon ay binirahan na niya ito ng alis. Humugot siya ng malalim na hininga bago bumalik satable ni ni Brent. Pagkatapos ng nagging komprontasyon nila ni Didrey James ay hindi na ito bumalik sa table nila. Mas maigi na rin iyon siguro para tumahimik ang mundo niya.
Maya-maya ay binulungan siya ni Brent na sumayaw silang dalawa. Dahil gusto na tin niyang matpaos ang gabi na iyon ay pinagbigay na lang niya ito. After ng sayaw nila ay mag-aaya na siyang umuwi. Sira na rin kasi ang gabi niya.
“You look gorgeous tonight, Honey.”ngiting ngiting bulong bi Brent sa punong tenga niya.
Kiming ngumiti lang siya. Sa totoo lang walang epekto sa kanya ang bawat magagandang salita ni Brent for her. Yes, it always boots her ego ngunit hanggang doon na lamang iyon. Hindi katulad kapag nasa malapit niya si Didrey. Ang lalaking iyon lang ang tanging nagparamadam sa kanya kung paano kiligin at kung paano din an umasa lang at masaktan.
“You feeling Okay, Luzzel? You look pale. Gusto mo bang umupo na tayo?”concerned na tnaong ni Brent sa kanya.
Umiling siua. Maswerte siya kay Brent dahil siya lang ang lagging inuuna at priority nito. Painaparamdam nito sa kanya kung gaano siya kaimportante at kung gaano siya kahalaga sa buhay nito.
Sasagot n asana siya ng bigla na lang mawalan ng kuryente ang buong mansion ni Travis. Dinig na dinig niya hiyawan ng mga tao. Maraming natataranta at nabigla sa pagkawala ng kuryente.
Awtomatiko siyang napabitaw kay Brent dahil may biglang dumaan sa pagitan nila. Wala siyang gaanong Makita ng mga oras na iyon dahil para bang nanadya din ang buwan dahil natakpan iyon ng makapal na ulap.
Nang mga oras din na iyon ay nakaramdam siya ng pagkataranta. She hates dark places. Ayaw niya sa lugar na madidilim.
“B-brent?”tawag niya sa binata.
Lalo siyang kinabahan ng wala siyang kahit na anumang narinig na sagot mula ditto. Pinasya niya ng umalis sa kinatatayuan. Kailangan niyang makakit ng liwanag. Nakatulong din na magkaliwanag nang ang ilang bisita ay pinailaw ang kani kanilang mga cellphones.
Nang pinilit niyang magpunta sa isang place ay muntik na siyang matumba ng mabunggo siya ng tao. Maya-maya lang ay walang anumang may humila sa kanya sa braso. Sa pagkabigla ay hindi agad siya nakapag react. Ngunit maya maya ay nakuha na niyang magpaumiglas sa kung sinuman ang humihila sa kanya.
May kidnapper sa party ni gTravis? Pero bakit naman sa dinami dami ng bisita ng lalaki na mas malalaking tao at mas mayaman ay bakit siya pa?
“Ano ba! Bitiwan mo ko!”tili niya habang pilit na kumakawala sa kinapper niya.
Napapitlag siya ng huminto ito at humarap sa kanya. Nang mga oaras na iyon ay lumabas ang buwan mula sa pagkakatago nito sa makapal na ulap. Biglang nanlaki ang mata niya ng Makita kung sino ang humiloa sa knya ng basta.
Galit na hinampas niya sa dibdib si Didrey.
“Wala ka na bang ibang magawang matino sa buhay mo, Didrey James?”hiyaw niya.
Grabe ang nadama niyang takot habang hila hila siya nito tapos ito lang pala ang inakala niyang kidnapper niya?
“Look, I’m sorry If I scare the hell out of you. Gusto ko lang na makausap ka.”
She hissed. “Makausap? Ayos ka lang? ganito ba ang gusto mong paraan ng pag uusap natin?”
“This is the only way I know to snatch you away from that man.”
Inis na napakamot siya ng pisngi.
“What are you talking about? Are you drunk already?”
Amoy na din kasi nuya ang alak mula sa binata. Frustrated na hinilamukos nito ang mukha sa palad.
“For Pete’s sake, Luzzel. Im not drunk. Im just pissed off and frustrated. Ano bang meron sa lalaking iyon at gusting gusto mo siya?”
Kinunutan niya ng noo ang binata.
“You’re drunk, Didrey. Lasing kana. At kahit kalian hindi ako nakikipag usapa sa taong lasing.”sabi niya ditto.
Ano bang nangyayari sa lalaking ito at ganito nalang ang inaasal? Ang akala pa naman niya ay Okay na sila simula ng mag usap sila sa Del Carmona ngunti bakit ganito na lang ang trato nito sa kanya? He looks like he is jealous right now.
Kusang nanlaki ang mata niya sa naisip. Si Didrey James nagseselos kay Brent? Imposible!
Papatalikod n asana siya ng bigla nitong hawakan ang magkabilang braso niya.
“This is not gthe right time na mag usap tayo, Didrey. Nagkakagulo ang mga tao ditto. Will you please stop this non sense?”
Mas naramdaman niya na mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa braso niya. Base sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha nito ay frustration ang nakabakas doon.
“I’m sorry, Luzzel. But I think ito lang ang alam kong way para mawala lahat ng galit at hinanakit mo sakin.”
Kumunot ang noo niya. “Alam mo kanina pa ako naguguluhan sayo, Didrey. Will you please-”
Hindi na niya natapos ang sinasabi niya ng bigla nitong sakupin ang labi nito ang labi niya. Noong una ay mariin ang pamamaraan ng paghalik ng binata ngunit ng lumaon ay unti unting nagigin masuyo iyon. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay nakalutang siya sa alapaap.
Aaminin niya, ang kala niya sa panginip lang niya muling mararanasan ang halik ng binata. Hindi niya akalaing mangyayari ulit ang oras na iyon.
Dahil sa sarap ng sensyadong dulot ng halik ni Didrey ay unti unting bumigat ang talukao ng mga mata niya. Then she decided to lose her eyes at nagsimula siyang magpaubay sa gusting mangyari nito. Naramdaman niya ang marahang paghaplos ng kamay nito sa likod niya.
God. Bakit ganito kasarap humalik ang lalaking ito? Ani ng isip niya.
Sinunod na niya ang dinidikta ng katawan niya at malayang nagpaubaya na tuguniin ang halik nito. Hanggang sa hindi na miya namalayang mas lalong lumalim iton at mas nagging mas masarap na sensasyong binibigay sa kanya. Dahil abala sila ng mga oras na iyon ay hindi na nila napansing dalawa na nagkaroon na ng kuryente sa buong mansion.
“Luzzel..”he murmured to her ears.
Doon niya lang pinasyang imulat ang mga mata niya.
Bumungad sa kanya si Didrey james na masuyong nakatingin sa kanya. Kakaiba ang kisplap ng mga mata nito na sa palagay niya ay maraming damdamin na gusting ipabatid sa kanya.
Mas lalong hinapit nito ang beywang niya.
“Did you also feel it, darling?”he said to her.
“Y-yes..”sambit niya.
Ano pang dahlia na itanggi pa niya ang nararamdaman kanina habang lulong na lulong siya sa sarap ng halik niti? Ngayon lang niya napatunayan ang sobrang pagkamiss niya sa halik nito.
Marahang hinaplos nito ang pisngi niya.
“Did you miss our kisses?”habang binabanggit nito ang mga katagang iyon ay dinadampian nito ng masuyong halik ang labi niya.
“Did you miss the way I hold you in my arms? Darling, you have no idea how much I missed you.”sabi nito at tuluyan na siyang niyakap.
“You belong to my arms, Luzzel..”
Napahinga siya ng malalim. Para siyang nasa isang mahika ng mga oras na iyon. Nagging sunod sunuran lang siya.
Napukaw lang ang atensyon nila ng makarinig sila ng malakas na galabog kasabay ng isang malakas na mura sa kung saan. Awtomatikong napahiwalay siya sa binata ng Makita niya mula sa isang madilim na bahagi ng hardin ay isang tao. Ngunit hindi binitawan ng binata ang kamay niya.
“Dexter? What the hell happened to you?”agad na tanong ni Didrey at nilapitan ang lalaki na sa tantya niya ay kaibigan nito.
Hawak hawak nito ang sugatang noo na nang mga oras na iyon ay umaagos ang dugo.
“Nakita ko kung sino ay may pakana kung bakit biglang nawala ang power sa loob ng bahay ni Travis. s**t, she hit me like a man. May pagka amazona yata ang babae na iyon.”sabi pa nito na sinundan pa ng mura.
“Dude, you let a girl hurt you like that? It’s bad.”ani ni Didrey.
“I don’t know what happened either. Masyadong mabilis ang nangyari. Basta ang lam ko lang may hindi magandang balak ang babae nay un. I will find her at pagbabayaran niya ang ginawa niya sakin.”galit na sabi nito. “Have you seen Paul Cenon? Kung tama ang hinala ko siya ang pakay ng babaeng iyon.”
Napailing nalang ang binata. “No, I haven’t seen him. Ang mabuti pa pumasok muna tayo sa loob para magamot na agad yan. God, you’re bleeding.”pagkasabi niyon ay binalingan siya ng binata.
“We will talk, Luzzel. Kailangan nating mag-usap. Please? Can you wait for me?”sambit nito na may halong pakikusap.
Wala sa sariling napatango na lang siya. Sinudan niya ng tingin ang papalayong si Didrey James hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Nanghihinang napaupo na lang siya sa may bench. Tama ba ang ginawa niyang pagpapaubaya sa halik ng binata?
Napailing siya. Kahit na saang anggulo niya tignan ay mali aparin ang ginawa niya. Ano na lamang ang mararamdaman ni Brent kapag nalaman nitong nakipag halikan siya kay Didrey? Hindi nga bat alam din niya kung gaano kasakit na pagtaksilan ka ng taong pinagkakatiwalaan mo ng husto? Brent trusted her. At iyon ang ayaw niyang mawala. Hindi niya kayang iparamdama sa iba ang sakit na naramdaman niya ng pagtaksilan siya ni Didrey.
Nasubsob niya ang mkha sa palad niya. She felt terrible now. Pero kahit ganoon ang nararamdaman niya ay parang hinahanap hanap pa din niya ang halik ng binata.
“God. I don’t know what do to..”sambit niya.
Dapat nga ba siyang makipag usapa kay Didrey? Alam niyang kapag ginawa niya iyon ay hindi malabong mahuhulog na naman siya ditto. And that’s the last thing she wanted to happen.
“Luzzel?”
Agad siyang napaangat ng tingin ng marinig niyang may tumawag sa kanya. The she saw Brent. Bakas sa ekspresyon nito ang pag-aalala sa kanya. Agad na lumapit ito at lumuhod sa harpaan niya para magpantay ang mukha nila.
“What’s wrong, honey? May nangyari bang hindi maganda sayo?”concerned ns abi nito.
Ito ba ang taong dapat niyang saktan? Definitely not.
Umiling ilig lang siya at hinawalan ang kamay nito.
“Can we go home now, Brent?”