Kinagabihan, lasing na ang apat na magkakapatid. Tulog na din si nanay Solis kaya ako na lang ang mag-aasikaso sa mga kalat nila. Natapos ko na din na tiklupin ang mga kumot at mga damit ni sir Duke na maayos ko namang sininop ang mga ito sa kan'yang closet. Si nanay Solis na ang naglaba at nagtiklop ng mga brief at boxer short ni sir Duke dahil ayaw naman ipahawak sa akin ni Alona. Iniisip niya kasing pagnanasaan ko daw ang mga iyon kahit hindi naman. Kaloka! Ang sarap talaga lokohin yang Alona na 'yan. Sabagay, uto-uto naman siya. Alas diyes na din ng gabi. Dito na yata balak matulog yung tatlo dahil hindi na din nila kayang umuwe dahil sa kalasingan nila. Pagkapasok ng apat sa kani-kanilang mga silid ay doon pa lamang ako lumabas mula sa pinagtataguan ko. Ikaw ba naman, sa tuwing

