"Savannah, pinapatawag ka ni Duke," tawag sa akin ni nanay Solis. Hindi ko siya pinakinggan dahil masama ang aking loob dahil sa ginawa sa akin ni Alona. Binasa ba naman niya ko habang nagsasampay ng mga kumot. "Savannah! Naririnig mo ba ko?" tawag niyang muli. Nilingon ko siya at ganun na lamang ang pagkagulat ko nang makita ko si Duke. Wala siyag suot pang-itaas nang makita ko kaya dali-dali akong lumapit sa kan'ya. Saktong umalis naman si nanay Solis pagkalapit ko. Napalunok na lang ako sa sarili kong laway nang makita kong pawisan ang katawan niya. Parang gusto ko tuloy punasan ang mga pawis nito gamit ang aking palad. Bonak! Bakit ganito? Sobrang guwapo naman ata ni Duke kapag ganito ko siya palagi nakikita. Napahawak na lang ako sa aking suot na short at baka tuluyan na itong m

