Dahan-dahan siyang tumayo at lumabas ng kuwarto. Alas-singko ng madaling araw, ngunit tila kailangan niya ng kape para pakalmahin ang kanyang naguguluhang isipan. Habang hinihigop ang mainit na kape sa may dining area, naramdaman niya ang presensya ni Lolo Ricardo na pababa ng hagdan. "Morning, Ethan... Ang aga mo naman," bati ng matanda. "Morning po, Lo. Hindi na po ako makatulog, eh," magalang na sagot ni Ethan. Tiningnan siya nang makahulugan ni Lolo Ricardo. "Nag-away ba kayo ni TJ?" "Hindi naman po, Lo..." sandaling tumigil si Ethan, tila nag-iipon ng lakas ng loob. "Lo? Regarding kay TJ... nabanggit niyo noon na kung darating sa point na magustuhan ko siya—" "Bakit, gusto mo na ba siya?" pagputol ni Lolo sa kanyang sasabihin, may himig ng panunubok. Tumingin nang deretso si Et

