bc

Under His Watch

book_age16+
124
FOLLOW
1.3K
READ
forbidden
family
HE
opposites attract
badgirl
brave
heir/heiress
drama
bxg
serious
campus
office/work place
enimies to lovers
lawyer
civilian
like
intro-logo
Blurb

Akala ni Ethan Miguel Navarro, ang susunduin niyang “TJ” sa airport ay isang lalaki.

Nagkamali siya.

Dahil ang sumalubong sa kanya ay si Therese Joyce Silverio—isang maganda, matapang, at gulo ang dala sa buhay niya na dalaga.

Bilang utos ng kanyang lolo Ricardo, siya ang magiging bantay ng dalaga. Pero paano niya babantayan ang isang taong unti-unting winawasak ang kontrol niya?

Bar fights. School issues. Late night rescues.

At mga titig na hindi dapat pinapansin.

Hanggang kailan niya kayang pigilan ang sarili…

Kung ang babaeng dapat niyang protektahan—

ang siya ring unti-unting minamahal niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Katatapos lang ng duty ni TJ bilang nursing student nang mag-alas diyes ng gabi sa Los Angeles, California. Pagod na pagod siyang naglalakad patungo sa kanyang apartment, bitbit ang stethoscope at mga libro. Sa gitna ng tahimik na gabi sa Los Angeles California, biglang nabulabog ang katahimikan ng pag-vibrate ng kanyang phone. Huminto siya at tiningnan ang screen. Isang international number mula sa Pilipinas. "Is it Dad? Or Lolo Ricardo?" bulong niya sa sarili. Kabado ang kanyang mga daliri habang pinipindot ang 'answer'. Bihira tumawag si Lolo Ricardo; kadalasan ay si Daddy Theo ang laging nangungulit sa kanya sa video call. Kapag ang Lolo niya ang tumatawag, alam niyang may seryosong nangyayari. "TJ... apo," ang boses ni Lolo Ricardo ay hindi ang tipikal na awtoritanyong boses na nakasanayan niya. Basag ito, nanghihina, at puno ng lungkot. "Mabuti at sinagot mo." "Hello, Lolo Ricardo?" pag-aalinlangan niyang sagot. "Lolo, what's wrong? Why are you calling this late?" sunod-sunod na tanong ni TJ. Ang kaba sa kanyang dibdib ay tila tambol na bumibilis. "Apo... kailangan mong umuwi agad. Your Dad... he’s in the ICU. Critical ang lagay niya," pag-amin ng matanda. Huminto ang mundo ni TJ. "The cancer... it spread faster than the doctors expected. Sabi ng doktor, any time now... Hinihintay ka na lang niya, TJ." Nabitawan ni TJ ang mga bitbit niyang libro. Wala siyang narinig kundi ang sarili niyang mabilis na paghinga. "Wait... cancer? What are you talking about, Lolo? Dad told me he was just sick with the flu! He said he was fine!" sigaw ni TJ, pilit itinatanggi ang katotohanan. Ngayon lang nag-sink in sa kanya kung bakit madalas maputla ang ama sa kanilang huling mga tawag. "Ayaw niyang mag-alala ka dahil nag-aaral ka d'yan. Pero wala na tayong oras, apo. Umuwi ka sa Pilipinas. Please... hurry." Pagbaba ng tawag, naiwang nakatulala si TJ sa gitna ng hallway. Ang matapang at palaban na TJ ay biglang naging isang batang takot na takot. Walang pag-aalinlangan, kumaripas siya ng takbo pauwi para mag-impake. Ang tanging nasa isip niya ay ang makita ang ama bago mahuli ang lahat. Padabog niyang binuksan ang laptop. Habang naglo-load ang website ng airline, hindi tumitigil ang panginginig ng kanyang mga kamay. "Please, Dad... hold on. Don't leave me yet," bulong niya sa hangin habang pilit na pinipigilan ang luha. Wala na siyang pakialam sa presyo. Pinili niya ang First Available Flight—ang pinakamabilis na byahe pauwi ng Maynila. Flight Status: Confirmed Arrival: 7:00 AM, NAIA Terminal 1 Passenger: Silverio, Therese Joyce Pagkatapos ma-receive ang confirmation, ini-screenshot niya ang details para i-send kay Lolo Ricardo: "Lolo, I’m booked. Arriving tomorrow at 7:00 AM, Terminal 1. Please tell Dad to hold on... please." Hindi nagtagal, nag-ring muli ang kanyang phone. Isang text message mula sa kanyang Lolo: "Sige, Apo. Ako mismo ang susundo sa iyo. Mag-iingat ka sa byahe. Hihintayin ka namin." Habang nag-iimpake, napaupo si TJ sa sahig. Tiningnan niya ang kanyang maleta na puno ng mga gamit na dapat ay para sa bakasyon, ngunit ngayon ay gagamitin niya sa isang napakalungkot na dahilan. "Dad, bakit hindi mo sinabi? Bakit kailangang itago mo sa akin?" Alam ni TJ na paglapag niya sa Pilipinas, hindi na magiging pareho ang buhay niya. Wala siyang kamalay-malay na sa likod ng pangako ng kanyang Lolo na susunduin siya, may isang Attorney Ethan Miguel Navarro na inutusan ng matanda na samahan siya sa airport—ang lalaking magiging mitsa ng bago at masalimuot na kabanata ng kanyang buhay. Ang Gabi Bago ang Pagdating Ang mansyon ng mga Silverio ay nababalot ng katahimikan. Sa mahabang hapag-kainan, tanging ang tunog ng kubyertos ang naririnig habang naghahapunan sina Don Ricardo at Ethan. Ibinaba ni Don Ricardo ang baso ng tubig at tumingin nang seryoso kay Ethan. "Ethan," wika ng matanda. "Yes po, Lo," sagot naman ni Ethan. "Bukas ng umaga, alas siyete, may susunduin tayo sa airport. Si TJ, anak ng tito Theo mo." "Okay po, Lo," maikling sagot ni Ethan. Hindi siya ang tipo ng tao na nag-uusisa. Para sa kanya, kung ano ang utos ni Don Ricardo, iyon ang susundin niya. Sa isip niya, ang "TJ" ay tunog pangalan ng isang lalaking kalaro ng basketball o video games. "Gusto ko ring makasundo mo siya," dagdag pa ni Don Ricardo. "Hindi ko pa lubos na kilala ang batang iyon o kung ano ang totoong ugali niya dahil lumaki siya sa LA, pero sana ay magkasundo kayo... bilang magkapatid." Natigilan si Ethan sa pagsubo. Napatingin siya sa matanda. "Wala na siyang ibang kapamilya, lalo na ngayon, kritikal ang kondisyon ng ama niya," patuloy ni Don Ricardo. "Ako at ikaw na lang ang meron si TJ. Ikaw ang mas matanda, ikaw ang magsisilbing gabay niya." "Sige po, Lo," sagot uli ni Ethan, bagaman may bahid na ng pag-aalinlangan. Sanay si Ethan na mag-isa. Bilang isang abogado sa edad na 28, ang buhay niya ay umiikot sa batas, kaayusan, at respeto. Sa isip niya, ang susunduin nila bukas ay isang "little brother" na baka kailangan niyang turuan ng tamang asal. Wala siyang kamalay-malay na ang "TJ" na inaasahan niyang batang lalaki ay isang magandang dalaga na siyang yayanig sa tahimik at kontroladong mundo niya. Kinabukasan Ang atmospera sa NAIA Terminal 1 ay tila nagbago nang pumasok ang mag-lolo. Si Don Ricardo na may awtoridad ang bawat hakbang, at si Ethan na agaw-pansin sa kanyang tailor-fit na suit. "Lo, mga ilang taon na po ba si TJ na susunduin natin?" tanong ni Ethan. "Sa pagkakaalam ko, mga 22," sagot ni Don Ricardo habang ang mga mata ay nakapako sa bawat taong lumalabas. 22 years old. Lalaki. Siguro ay kasing-tangkad ko rin, sa isip ni Ethan. Inihanda niya ang sarili na maging striktong "kuya." Sa gitna ng dagsa ng mga pasahero, lumabas ang isang dalaga. Suot ang puting crop top, itim na leather jacket, at ripped jeans na bumagay sa kanyang boots. Ang kanyang mahabang buhok ay bahagyang humahampas sa kanyang balikat. Agad naagaw ang atensyon ni Ethan. "Ang ganda niya," bulong niya sa sarili, sabay iwas ng tingin. Nahiya siya dahil naroon siya para sa isang misyon. "She's here, Ethan!" masiglang wika ni Don Ricardo. Lumingon si Ethan, hinahanap pa rin ang 22-year-old na lalaki. Ngunit laking gulat niya nang itaas ni Don Ricardo ang kanyang kamay at kumaway sa direksyon ng dalagang tinitingnan niya kanina. "TJ, apo!" masayang tawag ni Don Ricardo sabay yakap nang mahigpit sa dalaga. Natigilan si TJ. "Lolo... Lolo Ricardo?" Si Ethan naman ay napatulala. Ang "TJ" na inaasahan niyang "kapatid" ay ang dalagang ito? Tumingin si TJ kay Ethan—mula sa makintab nitong sapatos hanggang sa pormal nitong mukha. Isang matapang na tingin na tila nanghahamon. Sa unang pagkakataon, ang disiplinadong abogado ay nakaramdam ng matinding kalituhan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
833.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
385.8K
bc

Not just, the Beta

read
362.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook