Naging seryoso ang paligid nang maupo na sila sa study table ni TJ. Dahil maliit lang ang lamesa na saktong-sakto lang talaga para sa isang tao, halos magkadikit na ang kanilang mga balikat. Ramdam ni Ethan ang bawat paggalaw ni TJ sa tabi niya, at ang bango ng bagong ligo na dalaga ay tila mas lalong nagpahirap sa kanyang konsentrasyon.Si TJ naman, sa pagkakataong ito, ay talagang nagsisikap na makinig. Nakatitig siya sa libro at paminsan-minsan ay nagsusulat ng notes, seryoso ang mukha habang sinusubukang intindihin ang Bill of Rights. Pero kabaligtaran ang nangyayari kay Ethan. Ang seryosong abogado na sanay sa pressure ng korte ay biglang nauutal sa gitna ng pagpapaliwanag. "So, Article Three, Section One... no person shall be deprived of life, liberty, or property without... without

