Isang oras ang lumipas na tanging ang pagbuklat ng mga pahina at ang mahinang pagpaliwanag ni Ethan ang maririnig sa loob ng silid. Matapos ang huling diskusyon sa Bill of Rights, nag-unat si Ethan at marahang isinarado ang makapal na libro. Kasabay nito ang pagtayo ni TJ para simulang iligpit ang kanyang mga gamit, ngunit bago pa siya makalayo, naramdaman niya ang marahang paghawak ni Ethan sa kanyang bewang. "Mag-shower lang ako... huwag kang lalabas," bulong ni Ethan, ang boses ay puno ng awtoridad na may halong panunukso. "At subukan mong mag-lock sa kwarto mo... may key duplicate ako. Wala kang kawala". Tinitigan niya nang malalim si TJ, ang mga mata ay tila nag-aapoy sa determinasyon. "Gusto mo maghalikan tayo at maglalampungan... kahit magdamag, TJ. Hindi kita bibitawan". Napatigi

