“Hindi ko makakalimutan ang pangalan ni Mark, impossibleng mangyayari ’yun, Ethan!” mariing deklara ni TJ. Hinarap niya ang binata nang may halong panggigigil. “Unang una, classmate ko siya. Pangalawa, katabi ko siya sa upuan. At pangatlo—sa dalas mo ba naman siyang awayin at sungitan, paano ko pa siya makakalimutan?” Lalong kumunot ang noo ni Ethan. Ang kanyang panga ay nanigas sa narinig. Para sa isang de-kalibreng abogado, ang bawat rason ni TJ ay tila mga ebidensyang pabor sa kalaban, at hindi niya iyon matanggap. “Ayoko na ngang kumain! Nawalan na ako ng gana nakakairita yang pagmumuka mo,” maktol ni TJ sabay bitaw ng kanyang chopsticks. Dahan-dahang ibinaba ni Ethan ang kanyang tingin sa plato ng dalaga. Isang sarkastikong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang makitang halos

