Matapos silang kumain, lumabas na si TJ at agad naman siyang sinundan ni Ethan. Napailing na lang si Ethan habang may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Umikot siya sa harap ng kotse at sumakay na sa driver’s seat. Pagka-start ng makina ng marangyang itim na sedan, marahan niya itong iniabante palabas ng mansyon patungo sa university kung saan nag-aaral ang dalaga. Habang maayos na bumabiyahe sa kalsada, binitiwan ni Ethan ang manibela gamit ang kanang kamay at marahang hinuli ang malambot na kamay ni TJ na nakapatong sa kandungan nito. Pinagdaop niya ang kanilang mga daliri at pinisil iyon nang bahagya. "I love you, baby," malambing na wika ni Ethan, sabay sulyap sa dalaga na may kasamang pilyo ngunit tapat na ngiti. Nawala na ang natitirang simangot sa mukha ni TJ. Hindi na rin ni

