"Mas sexy pa rin ako kapag naka-skirt ako..." hamon ni TJ, habang pilyong nakataas ang isang kilay at diretsong nakatitig sa mga mata ng kanyang guardian. Gusto niyang subukan kung hanggang saan ang kontrol ng lalaki, lalo pa't alam niyang may epekto siya rito kapag nagsusuot ng maiikli. Bumaba ang tingin ni Ethan sa mga labi ng dalaga, at sandaling nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng kotse. Nawala ang mapaglarong ngiti sa kanyang mukha, pinalitan ng isang seryoso at dominanteng ekspresyon. Umabante siya nang bahagya, sapat na para maamoy ni TJ ang pamilyar at mabangong pabango nito. "Ayoko ng kung sino-sino ang makakakita ng hita mo," mababa at gumaralgal ang boses na wika ni Ethan, may kalakip na seryosong pag-angkin na agad nagpatalon sa t***k ng puso ng dalaga. Sa halip na matakot

