Ilang sandali pa ang lumipas, narinig ang pagpihit ng lock. Agad na bumukas ang pinto at bumulaga ang mukha ni TJ na bakas ang matinding galit. Hindi pa man nakakapagsalita si Ethan, binitiwan na ng dalaga ang kanyang kondisyon. "Tatawagan ko si Mark, at hihingi ka ng paumanhin sa kanya ngayon din," matigas na wika ni TJ habang hawak ang kanyang cellphone. "Ayoko nga," mabilis na sagot ni Ethan. Walang pasintabi siyang pumasok sa loob ng kwarto ni TJ, dire-diretsong naupo sa gilid ng kama, at pinag-cross ang kanyang mga braso sa dibdib. "Bakit ako mag-sosorry sa kanya? Wala akong kasalanan sa taong 'yun." "Binastos mo siya, Ethan! Porket nasa teritoryo mo siya, ginanyan mo siya?" lalong nagtaas ang boses ni TJ habang nakatayo sa harap ng lalaki. "Hindi tamang pag-uugali 'yan. Hindi pork

