Nang makapasok na sila sa loob ng isang eksklusibong restaurant, agad silang naituro ng waiter sa isang medyo pribadong pwesto malapit sa bintana. Habang masayang kumakain si TJ ng kanyang paboritong steak, unti-unti namang binalot ng malalim na pag-iisip si Ethan. Ang bawat hiwa niya sa karne ay tila may kasamang bigat ng pananagutan. Naalala niya ang naging seryosong bilin—na may halong pananakot—ni Lolo Ricardo bago ito umalis. Malinaw ang utos ni Lolo Richardo. Dapat sa pag-uwi niya galing bussiness trip sa Brunei, napasagot na ni Ethan ng "oo" si TJ. Dapat opisyal na silang magkasintahan. Kilalang-kilala ni Ethan ang lolo ng dalaga. Sigurado siya na kung uuwi ang matanda na bigo ang kanyang plano, tiyak na kakantiyawan siya nito gabi-gabi, aasarin, at pagtatawanan na mabagal, mahina

