"Hindi ako pasaway Ethan, senyorita mana pa... pero hindi pasaway noh," pagtatama ni TJ sabay ayos ng kanyang upo, tila ba nagpo-proyekto ng isang tunay na aristokrata sa harap ng kanyang pagkain. Napangiti si Ethan at tumango-tango bilang pagsuko. "Okay, Senyorita na hindi na pasaway... My apologies," pagsakay niya sa biro nito. "Okay na ako, Ethan... Nawalan na ako ng ganang kumain, ang daldal mo masyado," seryosong wika ni TJ habang itinatabi ang kanyang kubyertos at nag-iwas ng tingin. Bahagyang napataas ang kilay ni Ethan. Tiningnan niya ang plato ni TJ at halos mapahalakhak siya sa loob-loob niya. Ang dating punong-puno na plato ay halos simot na simot na ngayon; wala nang natira kahit isang butil ng kanin o maliit na piraso ng steak. "Halatang wala ka ng gana," pang-aasar ni Eth

