Nakatayo pa rin si TJ sa gitna ng madilim na hallway, mahigpit na nakayakap sa unan ni Ethan na tila ito ang tanging humahawak sa kanya para hindi siya tuluyang matunaw sa kinatatayuan. Ang bango ni Ethan—yung pinaghalong amoy ng mamahaling perfume at ang natural nitong scent—ay nanunuot sa unan, na lalong nagpapakaba sa kanyang dibdib. "Bwisit ka talaga, Ethan Miguel Navarro," bulong ni TJ sa hangin, bagaman may kurba ng ngiti sa kanyang mga labi na hindi niya maikaila. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa sarili niyang silid, bitbit ang 'tower' ng mga libro at ang unan na napanalunan niya sa kanilang pustahan. Pagpasok sa kwarto, agad niyang ibinagsak ang mga gamit sa kama at pabagsak ding nahiga. Tumingala siya sa kisame, inaalala ang bawat segundo kanina—ang init ng kandungan ni Et

