Gumawa siya ng lunch box para kay Riker at pinagbaon niya rin ito ng pakwan. Nang maayos niya iyon ay pina-deliver niya iyon dahil wala na rin siyang time para pumunta sa hospital. Inihatid niya si Tasya sa paaralan at dumeretso na rin sa opisina niya dahil doon na raw pupunta ang client para kausapin siya. "Good afternoon ma'am!" bati sa kaniya ng mga tao roon. "Good afternoon, I ordered pizza for our meryenda. Pa-claim na lang no'n pag may dumating, bayad na rin naman 'yon," sabi niya sa isang interior designer na naroroon. "Okay po ma'am, salamat po!" Pumasok siya sa opisina at nag-ayos doon, in-open niya na rin ang air purifier niya. She set up her laptop while waiting to her client. May mga ready siyang theme ng bahay na pwede niyang i-suggest sa client kung wala man itong maisi

