"Mommy... Hindi po ba talaga pupunta si tito Riker sa birthday ko? Hindi po ba siya makakapunta dito sa Canada para samahan tayo mag-celebrate?" malungkot na tanong sa kaniya ni Tasya. Biglaan ang pagpunta nila sa Canada nila Tasya at yaya Verlin para i-celebrate ang birthday nito. Gusto rin kasi ng parents niya na mag-party sila rito sa bahay. Hindi natuloy ang pagpa-party nila sa orphanage pero nagpadala pa rin siya ng mga pagkain doon. "He can't go here, Tasya. Busy ang tito Riker mo, alam mo naman na marami siyang nililigtas na buhay 'di ba?" tukoy niya sa mga pasyente ng binata. Inosenteng tumango ang kaniyang anak sa kaniya. "I understand mommy. I just want to ask if he can go here..." Napabuntong hininga siya at hinaplos ang ulo ng anak. "Are you not happy today with your pa

