"May grupo po ng kalalakihan na may mga dalang illegal drugs at napag-trip-an nila na ibuhos iyon sa lahat ng timpladong alak na nasa party. Kung maalala niyo po lahat po ng inumin ay cocktail drinks na nasa punch bowl. May kasabwat po na mga bartender ang mga may gawa no'n kaya nagtagumpay sila. Nahuli na rin po ang may gawa no'n after 2 months. Base po sa mga na-interview halos lahat ng mga nalasing ay pagkagising nila wala silang maalala noong gabi na 'yon, alam lang nila ay pumunta sila ng party. Iyong dalawang namatay naman po, nag-take po sila ng drugs mismo at uminom pa ng alak na may halo rin kaya hindi kinaya ng katawan nila." "Hindi po iyon naisa-publiko dahil masiyadong malaking gulo ang nangyari at nadamay pa ang isa sa anak at pamangkin ng governador na naging biktima rin. La

