CHAPTER 32

1266 Words

Ilang araw na sumasakit ang ulo niya kakaisip kung paano ilalayo ang anak sa binata. Dumadagdag pa sa sakit ng ulo niya si Shaina na hindi siya tinitigilan na paalalahanan na layuan na si Riker. Naiinis na siya at napupuno na siya sa babaeng 'yon, gusto niyang manampal sa inis. "Mommy! Masakit po ang tiyan ko, punta po tayo hospital!" iyak sa kaniya ni Tasya. Nataranta naman siya kaagad at napalapit dito. Nakahiga ito sa kama niya at nagbabasa ng story book. "B-bakit? anong nangyari? Totoo ba 'yan?" tanong niya rito dahil noong isang araw ay nagloko ito na masakit ang ulo 'yon pala gusto lang nito makita si Riker sa hospital. Ilang araw na kasi niyang hindi pinapapunta dito sa bahay ang binata. Marami siyang mga dinadahilan dahil hindi siya makapag-isip ng maayos pag lagi itong nandito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD