Kanina pa siya hindi mapakali habang kasama si Riker at Tasya. Nagkaroon kasi ng oras ang binata kaya pinagbigyan nito ang anak na lumibot sa buong hospital at pagkatapos ay sumama itong umuwi sa kanila. Hindi siya halos nagsasalita buong araw. Tahimik lang siya habang nakamasid sa dalawang masayang nagke-kwentuhan. Ngayo'y nakatulog na si Tasya ay hinanda niya na ang sarili para kausapin ang binata. Nasa dulong guest room siya pumunta at sumunod naman ang binata. "I know you didn't know that Tasya is not a daughter of your ex-boyfriend, Agatha. Why you didn't tell me immediately?" seryosong tanong nito sa kaniya nang maharap niya. Hindi niya mabasa ang nasa mukha nito dahil seryoso lang itong nakatingin sa kaniya. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya at hindi niya alam kung paano uump

