Nagising siya nang may suot na damit pero wala si Riker sa tabi niya. Nasa kwarto na rin niya siya kaya mabilis siyang lumabas para tingnan si Tasya. Hindi pa siya nakakapunta sa kwarto ng anak ay narinig niya na ang tawa nito galing sa baba. Pinusod niya ang magulo niyang buhok habang pababa sa hagdan. Natanaw niya ang dalawang naghahain ng almusal doon sa dining area. Nakatayo si Tasya sa may upuan habang nasa likod nito si Riker na nakaalalay sa anak. Naglalagay si Tasya ng whipped cream sa waffle at nilagyan pa iyon ng strawberry syrup. Sakto naman napabaling sa kaniya si Riker at ngumiti ito bago magsalita, "You awake?" "Mommy! Good morning," bati sa kaniya ni Tasya. Lumapit naman siya rito at niyakap ito tiyaka hinalikan sa pisngi. "You made a waffles for breakfast?" nakangit

