Ericka's Point Of View
Finally after 1 and a half hour nandito na kami sa Puerto Princesa.
Hindi na ako gaanong nahihilo hindi tulad kanina. Buong byahe ay natulog lang ako dahil parang nandidilim ang paligid ko. Sabi pa nga ng Cabin crew na nagbigay sakin ng first aid ay dapat magpatingin ako kung sakaling hindi nawawala ang sakit ng ulo at pagkahilo dahil baka may namuo raw na dugo sa loob ng ulo ko, pero buti na lang ay nawala ang sakit ng ulo ko dahil nakapag-pahinga na rin ako sa buo byahe at binigyan din ako ng gamot ng Cabin crew. Medyo kumikirot pa ang sugat sa banda noo ko. May binigay naman sakin naman sakin na gamot na kailangan ko raw inomin sa tuwing kumikirot at kung maabos man ito ay may nabibili namam sa mga botika.
From Puerto ay kailangan pa naming bumyahe papuntang El nido, mas mahaba ang byahe dahil van ang sasakyan namin papunta doon. I think inaabot ng 4 to 5 hours nag byahe kaya mukhang gagabihin na kami. Time check 12:58 pm , malapit ng dumating 'yong Van na inarkila namin. Kumuha na kami ng private Van para mas mabilis ang byahe dahil kami lang ang sakay.
Kaya gustong-gusto kong umuuwi dito sa palawan dahil sa dagat ito lang kasi talaga ang time na nakakapag relax ako ng bunggang-bungga.
Laking pasasalamat ko. rin at nawala na sila Lavander dahil mukhang buong bakasyon ko ang masisira nila. Hindi pa nga nag sisimula ay nasira na agad nila.
I'm just hoping na hindi ito maging issue na naman pag-uwi ko ng Maynila.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Lavander at nag eskandalo siya ng ganun sa eroplano.
Hindi naman ako papayag na makuha niya ang gusto niya, nakuha na nga niya si Dominic pati ba naman ang window sit ko.
Hindi ako papayag na makuha niya lahag sa akin sapat na yong nakuha niya si Dominic dahil ko naman talaga na siya kailangan sa buhay ko. Ginagamit niya lang naman ako para sumikat dahil mas nauna ako sa kanya sa showbiz industry at talaga pinares lang talaga siya sa'kin para mahatak ko ang pangalan niya pataas dahil noong unang pasok niya doon ay halos walang kumukuha sa kanya. Puro modeling lang para sa mga commercial ang ginagawa niya at minsan extra lang siya.
Pero nung pinag sama kami sa isang project ay biglang nag boom ang pangalan niya at dumami ang mga project niya lalo na kapag kasama ako.
12 years old pa lang kami that time at wala pa sa isip ko ang love team-love team na yan , hanggang sa naging close kami dahil lagi nga kaming mag kasama sa mga project and when we turn 16 , he confess na gusto niya raw ako at kung pwede raw ba akong ligawan. I said Yes at nanligaw nga siya ng ilang buwan at before ko nga siya sagutin ay nakilala naman namin si Lavander na nag blog-gaming pa lang that time.
I sense something sa pagiging close nila sa isa't- isa kaya naman sinagot ko na si Dominic dahil pakiramdam ko ay maaagaw. pa siya sakin noon.
Akala ko noon ay okay na dahil mukhang kuya lang naman ang turing ni Lavander kay Dominic pero one time nahuli ko silang mag-kayakap. They said na kinu-comfort lang daw ni Dominic si Lavander dahil hindi raw siya crush ng crush niya. Kaya naman pinag-sawalang bahala ko lang ito dahil nga magkapatid lang naman ang turing nila, sa isa't-isa.
Hanggang sa may kakaiba na kong napapansin sa kanilaa, they hangout together without me and going out of town without me, lagi nilang dahilan kung bakit hindi nila ako sinasama dahil masyado raw akong busy sa mga projects ko. Yeah, I'm busy pero sana naman sabihin nila na may mga lakad sila hindi 'yong nalalaman ko na lang kapag napanood ko na ang vlog ni Lavander. Then suddenly these happened. Tama nga ako ng hinala. Dominic is cheating on me and may so called bestfriend betrayed me.
Everything happens so quickly but as an artist I must go with the flow kung hindi lulubog ako. Kahit masakit sa part ko I must go on dahil this is showbiz, lot of people are fake in these world, hindi mo alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan o dapat ka ba talagang magtiwala kahit kanino, but the one thing I know, I must put my sweetest smile even I feel a lot of pain inside.
"Sobrang tahimik mo yata?" bigla akong napalingon sa lalaking nasa tabi ko. His eyes, punong-puno ito ng pag-aalala.
" Nahihilo ka pa rin ba?"
I just smile at marahang iniling ang aking ulo. Itinoon ko ang aking mga mata sa labas ng sasakyan. I took a deep breath and smile bitterly.
"Naalala ko lang 'yong dati kami," I said while still looking at the window.
"Dating kayo?" nagtataka niyang tanong.
" 'Yong dati naming pagkakaibigan ni Lavander at Dominic," sagot ko sa kanya na may halong pait.
"What's up with that?"
"Wala lang, ang sakit palang mawalang ng kaibigan, para ka bang namatayan ng mahal sa buhay." I feel so much pain that time noong nalaman kong buntis si Lavander at si Dominic ang ama nang kanyang pinagbubuntis.
"Maybe it hurts, pero tandaan mo hindi mo kasalanan kung bakit sila nawala sayo kaya hindi ka dapat masatan, dahil hindi naman sila kawalan para sayo, they just using you for thier own fame," malamig na wika ni Evan. That hit's me so hard. Para bang may pumokpok ng bato sa'king ulo at bigla akong natauhan.
"Yeah, you're right but still hurt ." mariin kong wika. Kahit naman natauhan ako sa katutuhanan kinilala nila ako para lalo pa silang sumikat, masakit pa rin sa loob ko dahil ko naman kotrolado ang nararamdaman ko.
"Use your sorrow as your power to take revenge, show them na hindi ikaw ang nawalan kundi sila." napatingin ako bigla sa kanya. His now smiling ear to ear na para bang demonyong may masamang plano.
"What's with that face, you look so scary?" bigla naman siyang humalakhak ng malakas. Inirapan ko lang siya at muling binalik at tingin sa bintana.
"Manong ilang oras pa po byahe natin?" rinig kong tanong ni Evan sa driver dahil mukhang naiinip na siya sa byahe.
"Naku Sir dalawang oras pa po tayo, naiihi po ba kayo Sir o nagugutom?" tugon naman ng driver na nag didrive ng sinasakyan namon Van.
"Kung may madaanan man po kayong bilihan pwede po bang tumigil tayo medyo nagugutom na kasi ako," Wika ni Evan na tila bang batang nanghihingi ng pera sa kanyang Ina.
"Sige Sir, " tugon muli ng driver. " Hindi po ba si Ma'am Ericka Cedron yang kasama niyo, 'yong sikat na artista?" mukhang nakilala na ako ni Manong driver dahil inalis ko na ang disquise ko dahil kami lang namang tatlo ang pasahero niya.
"Opo kuya Ako nga po, bakit po?" masiglang tugon ko sa kanya. Lumingon naman si Manong doon sa salamin sa taas ng van para sipatin ako at ngumiti.
"Naku Ma'am ,Idol na Idol po kasi kayo ng mga anak ko, gustong-gusto nilang panoorin ang mga palabas niyo lalo na 'yong huli niyong teleserye, pwede po bang mag-pa autograph sa inyo saka mag papicture?" Masiglang hiling ng Mama sakin. Nakangiti naman akong tumango sa kanya at kinuha ang mga mini poster at sinumulan itong pirmahan.
"Pag baba po natin sa Station doon po tayo mag picture Manong." masaya namang tumango si Manong. Bakas sa mukha niya ang saya dahil may maiuuwi siyang sobrang magugustuhan ng mga anak niya.
Iti ang sekreto ko kung bakit ako talagang sikat. Kahit gaano pa ko purihin ng mga tao dahil sa galing ko bilang artista hindi dapat lumaki ang ulo ko bagamat dapat lagi akong mapakumbaba at hindi mayabang lalo na sa pakikipag halubilo sa mga taga-hanga ko.
Sandali pa kaming nagkwentuhan ni Manong driver. Sabi niya ay mula bata pa lang daw ako ay taga hanga ko na raw siya. He also said na buti na lang daw ay wala na kami ni Dominic dahil hindi naman daw kami talaga bagay.
Dahil sa haba ng byahe ay muli akong nakaramdam ng pagod kaya naman muli kong sinandal ang aking ulo sa sandalang na upuan at nilagay muli ang aking neck pillow para muling matulog.
I need to rest more para mas mat energg ako kapag sinalubong ko ang aking pamilya.