Ericka's Point Of View
"Ma, Pa," masayang salubong ko sa aking mga magulang ng makababa kami sa Van na sinasakyan namin. Buong galak naman akong sinalubong ng yakap ni Mama ng makita ako. Agad naman siyang bumitaw sa yakap upang mag bigay daan kay Papa, na kasalukuyang naupo sa kanyang wheel chair. Paralisado na kasi ang kalahati ng kanyang katawan kaya hindi na rin siya nakakalakad ng maayos. Niyakap ko ng mahigpit si Papa at ganun din naman siya sakin.
Pinakilala ko si Evan sa'king mga magulang bilang aking kaibigan dahil hindi nila pwedeng malaman ang plano namin dahil siguradong tututol sila.
"Naku, ikaw pala si Evan Villamaria, anak ni Danny, matalik ko siyang kaibigan noong kapanahunan ko," medyo nahihiyang wika ni Mama kay Evan at kinamayan ito bilang pagpapakilala.
" Naikwento nga po kayo ni Daddy sa'kin, isa mga raw kayo pinaka magaling niya modelo noon," tugon naman ni Evan sabay abot ng kamay ni Mama. You heard it right, dating model si Mama noong kabataan niya. Isa rin siyang sikat na sexy model noon sa isang magazine.
Tumigil lang siya noon sa pag momodelo noong mabuntis siya ni Papa, na dating driver niya.
Noong kasikatan ni Mama ay labis ang pressure na nararamdaman niya dahil na rin sa kanyang ina, ang aking lola, ayaw niya talagang mag-model ng mga bikini at lingerie lang ang mga suot dahil naiilang siyang suotin ito. Dahil din sa pag susuot niya ng mga malalaswang suot ay nakakatanggap din siya nga mga malalaswang gawain galing sa mga katrabaho niya. Ilang beses din tinangkang takasan ni Mama si Lola dahil sobrang na rin ang natatanggap niya pananakit mula dito. Sa tuwing nakakatanggap siya ng pananakit kay Lola ay nag iiwanng ito ng sugat o di kaya ng pasa na pinapatakpan ni Lola sa make up artist ni Mama sa tuwing sasalang na siya sa pag Momodelo.
Nagpatuloy si Mama sa ganung gawain ng halos 2 taon. Hanngang sa naging personal driver ni Mama , si Papa.
Noong una ay napaka suplada raw ni Mama ay ayaw niyang kausapin si Papa sa tuwing nasa byahe sila. Ngunit nakuha rin ni Papa ang loob ni Mama, sa tuwing umiiyak si Mama ay agad niya ito kinucomfort at pilit na pinapatawa upang mawaglit sa isipan ni Mama ang masasamang nangyari sa kanya.
*Flashback*
Third Persona Point Of View
"Umiiyak ka naman Ma'am Samantha," wika ni Sebastian, ang personal driver ni Samantha, isang sikat na sexy model sa isang sexy magazine. Lalo naman humagulgol ng iyak ang dalaga. Agad naman inaabot ni Sebastian ng isang box na tissue ang dalaga upang ipamunas ang mga ito sa kanyang luha.
Agad naman itong ginamit ni Samantha at patuloy na humagulgol sa pag-iyak sa loob ng kanyang sasakyan. Samantalang si Sebastian naman ay tahimik na tinitingnan mula sa salamin ng sasakyang ang dalaga naglalabas ng sakit na naramramdaman.
Sa loob ng 5 buwan na pagtatrabaho ni Sebastian sa kanyang Amo na si Samantha ay araw -araw nitong nasasaksihan ang pag-iyak nito sa paulit-ulit na dahilan.
"Si Madam po ba?" Pagbasag ni Sebastian sa katahimikan. Dahil na rin sa pagkakaibigan nila ng kanyang amo ay pawang nabigyan na rin siya ng karapatan upang mangialam sa buhay nito dahil na rin naaawa na rin ito sa araw-araw na pag iyak nito at madalas niya itong nakikitang mga pasa o di kaya mga mga sugat sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Marahan nma tumango si Samantha bilang sagot sa kanya. Pansamantala namang tumigil sa kanyang pag iyak ang dalaga. Dahan-dahan naman niyang itinaas ang suot niyang puti dress.
"Ma'm bakit po ninyo tinaas ang damit niyo," pagpigil ni Sebastian kay Samantha, patuloy lang ang dalaga sa pag hubad ng kanyang damit hanggang sa matira na lamang ang kanyang mga underwear.
Kahit may kadiliaman sa loob ng sasakyan ay agad naaninag ng binata ang mga malalaking pasa mula binti hanggang sa bandang tagiliran nito.
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata at nahabag sa Dalaga. Ang maputi at makinis na balat nito ay punong-puno ng malalaking pasa na talaga naman nangingibaw dahil na rin sa pagiging kulay ube nito.
Muli namang humagulgol ng iyak si Samantha. Ramdam mo naman ni Sebastian sa bawat pag-iyak nito ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Ayoko na, sawang-sawa na ako sa buhay ko, gusto ko na lang mamatay," pighati ng dalaga habang pinupusan ang kanyang mga luha. " Araw-araw na ginawa ng Diyos, ganito ang natatamo ko, kung hindi mang mumulisya , ay pangbubugbog naman ng aking ina, bakit hindi na lang ako Mamatay."
"H'wag niyo naman pong isipin niyan, may iba pa namang paraan para matakasan ang paghihirap niyo, hindi lang ang kamatayan." Muli namang napatigil si Samantha dahil sa mga sinabi ni Sebastian. Sandali itong napaisip.
'Tama siya may iba pang paraan' sa isip-isip ng dalaga.
Tinitigan naman niya ang binata na siya naman kinailang nito.
"bakit po Ma'am, may masama po ba akong nasabi?" Nagtatakang tanong nito sa dalaga. Hindi naman siya sinagot ng dalaga dahil tila ba malalim ang iniisip nito ngunit patuloy oa rin ito sa pagtitig sa kanya.
Nahimik na lang din na umupo si Sebastian inaayos ang sarili at hinanda sa kanilang pag-alis.
"Uwi na po ba tayo Ma--"
"Buntisin mo ako Sebastian!" buong kompyansang wika ng dalaga. Agad naman nanlaki ang mga mata ng binata at agad na nilingon ang dalaga sa likuran ng sasakyan.
"Nababaliw na po ba kayo Ma'am Samantha, hindi ko po pwedeng gawin ang sinasabi niyo," nauutal na wika ng binata. Hindi niya mapigilan mautal dahil sa nararamdaman niya hiya, sa mga sinabi ng dalaga.
"Oo , Seb, baliw na ko dahil ito lang ang tanging paraan na alam ko para makatakas ako sa impreynong ito, " wika ng dalaga tila bang nawawala na ito sa kanyang sarili. Agad naman tumungo ang dalaga sa unahan ng sasakyan kung saan nakaupo si Sebastian at kumalong ito.
Pilit na tinutulak ng binata ang dalaga ngunit sadyang desperado ito sa kanyanf plano kaya naman kahit labag sa kanyang loob na galawin ang dalaga, ay napilitan itong sundin ang kagustuhan nito dahil nangingibaw na rin ang pagmamahal nito sa dalaga.
Isang beses lang may nangyari sa kanilang dalawa. ngunit agad na nag bunga ang kanilang kapusukan noong gabi na 'yon.
Sa huling pagkakataon ay nakaratanggap ng malakas na sampal ang dalaga mula sa kanya ina noong malaman nito na buntis ito dahil malaki itong violation sa kontrata ng dalaga sa kanyang pagmomodelo.
Nagpasyahan nila Samantha at Sebastian na mag tanan at lumayo sa lilib na lugar at doon mamuhay ng tahimik at payapa.
Bago ipanganak ni Samantha ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay nagpakasal sila sa isang maliit na simbahan, simpleng selebrasyon lamang iyong na tanging pamilya at kaibigan nilang ang imbetado ngaunit ramdam mo sa dalawa ang pag mamahalan na nabuo sa pagitan nilang dalawa.
Hindi naglaon ay tumigil na sa paghahanap ang ina ni Samantha kaya naman Mamuhay sila ni Sebastian ng payapa kasama ang kanilang mga supleng.
*End of Flashback
"Naku, anak doon na tayo nagkamustahan sa bahay, hinihintay na tayo ng mga kapatid mo," Yaya ni Mana sa amin at tinuro ang Jeep na pagmamay-ari nila Mama na siya naman aming sasakyan.
Tatay ni Francesca ang mag mamaneho ng jeep dahil hindi na kaya ni Papa.
Agad naman namin kinarga ang mga bagahe dahil nga another 30 minutes na naman ang byahe namin,
sa byahe na kami muling nagkwento.