Ericka's Point of View
Ramdam ko na talaga sa'king balat ang sariwa at malamig na hangin. Grabe kay tagal ko rin hindi nakauwi sa akin sintang bayan.
Ang relaxing talaga sa pakiramdam. Parang gusto ko na lang mag-stay muli rito sa probinsya, malayo sa magulo at maingay na buhay showbiz. Pero hindi pwede may pamilya akong binubuhay kaya kailangan mag-patuloy.
"Ericka, dito na ko huh?" paalam ni Chesca sa'kin dahil nasa kabilang street pa ang bahay nila.
"Hindi ka ba muna kakain dito Chesca? Nag handa pa naman ako nang marami," pigil ni Mama sa kanya. Nag paawa effect naman si Mama na kala mo ay tutang nag mamakaawa.
"Pasensya na po Tita, gustuhin ko man po ,e nag hihintay na rin ho ang Inang at Itang sa'king padating, mukhang naghanda nga rin po sila para sakin." Napakamot na lang si Cheska ng kanyang ulo.
"oh siya sige sige, lumakad ka na hinihintay ka na nila talaga kanina pa nag tatanong sa'yong pagdating , salamat sa pag-aalaga kay Ericka ko ah, mag-iingat ka." maasayang tumango si Cheska kay Mama bilang tugon at nag paalam nang umalis dahi sobrang excited na nga siyng makita ang pamilya niya. Tulad ko ay matagal-tagal din niyang hind nakita ang mga ito dahil nga sa sobrang busy namin pareho.
SAbi nila masarap daw maging maging artista dahil mukha lang ang puhunan hindi lang nila alam na malaki rin ang dapat esakripisyo namin para makamit ang kasikatan at isa na nga diyan ay an pamilya namin.
Pero hindi namman ako tulad ng iba na sadya nang kinalimutan ang kni-kanilang pamilya para sa pagiging sikat.
Hindi mo in naman masisisi sila dahil meron talagang pamilya o kamag-anak na mahal ka lang dahil sikat at mapera ka na.
Pumasok na kaming lahat sa loob ng amin bahay at agad naman akong sinalubong nga aking mga kapatid.
"ATe namiss ka namin," buong galak nilang bati sakin. Sinalubong ko naman sila ng isang mahigpit na yakap upang ipadama ang pag kamiss ko sa kanila. Humiwalay sila sa pag kakayakap at hinaram ako ng may ngiti
"Ate dito ka na ba uli titira?" masayang tanong ng aking bunsong kapatid na si Ere.
" Alam mo naman ang trabaho ng ate di ba? kaya naman tulad ng dati ay sasaglit lang uli ang ate dito." lumungkot ang mukha ni Ere nang marinig ang aking mga sinabi.
" So, Aalis ka na naman ?" ngumiti ako ng mapait bilang sagot sa kanya. Umupo ako upang maging mag- kasing taaas kami ni Ere at Muli siyang niyakap.
" Balang araw maiintindahan mo rin Ere kung bakit ginagawa to ni Ate." mula sa pag kakayakap namin ay ramdam ko ang kanyang pagtango.
Masyado pang bata si Ere para maintindihan niya ang aking trabaho. Minsan na niyang nasabi sakin na gusto niya ring pumasok sa pag aartista para lang daw makasama niya ako pero hindi ako ako pumayag dahil masyadong delekado ang showbiz sa kanya, ayokong magaya siya sakin na magulo ang buhay.
"Sino naman yang, kasama mo na poging lalaki ate?" tanong naman ng kapaitd kong sumunod sakin na si Kesha.
Humiwalay ako sa pagkakayakao kay Ere at muling tumayon. Nilingon ko si Evan saglit at muling humarap kay Kesha.
" Siya ba? Hindi mo ba siya nakikilala?, siya si Evan Villamaria ang sikat na batang surgeon." Paliwanag ko sa kanya. Sandali niyang sinipat ang mukha ni Even at tila ba nag-iisip.
"Oo, ikaw yung nabasa ko sa isang magazine , na nag karoon ng Internship sa canada," Tanong nito. Marahan naman tumango si Evan bilang sagot sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ni Kesha at bigla niyang sinumgaban ang mga kamay nito. "Alam mo na Idol na Idol kita , pangarap ko rin maging isang surgeon balang arawt tulad mo."
" Ganun ba ? " Ngumiti naman ng matamis si kesha at mabils na tumango.
" Oh siya , hayaan niyo muna na mag pahinga sila ate niyo at malayo pa ang pinang galingan nila," singiti ni Mama habang bitbit ang isa sa mga bag na dala ko.
"Tamang-tama Ma at nailabas mo na rin naman ang mga pasalubong , ibabahagi ko na po ang mga ito sa inyo." Nilapitan ko ang aking Mama at tinulungan siyang ipasok sa lob ang bag sa may sala namin. Pinaturo ko naman sa kapatid kong si Edward ang pwedeng pag-pahingahan ni Evan dahil kanina pa siya sa byhae nag rereklamo ng sakit ng ulo niya. pina-bigyan ko na rin siya ng gamot nang makapag-pahinga na siya ng maayos.
"Bagay kayo ni Evan," kinikilig na bulong ni Mama sakin habang nag kakakal kami ng mga pasulubon. Bigla namang nanlaki ang aking mga mata dahil sa mga sinabi niya.
"Ma, naman kakahiwalay lang namin ni Dominic," bulong ko pabalik sa kanya, palihim namang humagigik si Mama at saka dinampot ang damit sa bagahi na may pangalan niya.
"Higit naman na mas pogi si Evan kesa kay DOm, at saka ramdam ko naman na hindi ka sasaktan ni Evan tulad nang ginawa sayo ni Dominic." Bigla akong napatigil sa pag-aayos ng mga chocolate dahil sa sinabi niya. Muli ko siyang nilingon na may lungkot sa'king mukha.
"Napanood niyo po niyo po ba?" Ngumiti ng mapait si MAMa at marahang tumamgo.
"Alam ko nak , na sa kaloob-looban mo, nasaksaktan ka pa rin dahil sa nangyari, pero okay narin na maaga mong nalaman na isa pa lang manloloko si Dominic bago pa man kayo ikasal,"malumanay na wika sa'kin ni Mama at saka hinamas ang aking balikat upang pakalmahin ang aking nararamdaman.
"Hayaan mo ate, kapag nakita 'yung Lavander na 'yon kukudkurin ko ng scatchbrite ang makapal niyang mukha, nang mapagbayaran niya ang ginawang pang tatriydor sayo," hirit ni Kesha habang nakaupo silang tatlo sa sahig at nag kakalkal ng mga pasalubong ko sa kanila.
" Bibig mo Kesha ah , kahit may nagawang masama sayo ang tao, mali pa rin ang gumanti , tandaan mo yan a?" bulyaw ko sa kanya. Sumimangot naman siya ang nag-pout.
"opo, Ate."
"Oh siya, dahil niyo na sa kanya-kanya niyong kwarto niyang mga binigay ng ate niyo nang makakain na tayo," Buong awtoridad na utos ni Mama sa kanila, Agad namang silang nag sisunod at agad na ginawa ang sinabi ni Mama.
"Wag kang matakot magmahal muli anak , MAlay mo sa susunod totoong pagmamahal na ang ibigay sayo," muling bulong ni Mama sakin bago pumunta sa kusina. Napatulala ako sandal sa aking kinauupuan.
Paano kung hindi pa rin totoo ang susunod kung mamahalin?