"Buksan Ang Gate!" Sigaw ng isang estudyante.
Nag katinginan naman kami ni Aires.
"Anong nangyayari duon? Bakit ang ingay?" Tanong ko. Papunta kaming canteen para mag breakfast. Weekend ngayon.
"Rally" sagot ni Aires.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ko.
"Gusto na kasi nilang umuwi sa kaniya kaniya nilang bahay" Nag patuloy na kaming nag lakad at nilagpasan na ang mga estudyanteng nag rarally daw.
"Mga estudyanteng pasaway" i mumbled.
"Kahit ako ay gusto ng umuwi, Nakakatakot na kaya dito" Buntong hininga niya
Nahuli na yung mag nanakaw na pumukpok sa akin. Ordinaryong mag nanakaw lang. Kasaya ko na sana kung r****t yung nahuli.
Kumakain kami ni Aires ng dumating si Charl at Yavi. Wala si Trevor dahil tinawagan ni Detective Lawren at may sasabihin daw importante.
Habang kumakain ako nilibot ko ang mga mata ko sa mga estudyante rito sa canteen. May isang lalaking pumukaw sa atensyon ko. Nakahood siya at black cup. Nilibot niya ang paningin at sabay umalis. Kahina hinala ang lalaking yun ah
"Sandali lang, may pupuntahan lang ako" Paalam ko sa kanila at tumayo na.
Hinanap ko ang lalaki. Nang makita ko ang cup niya. Sinundan ko siya at binilisan ang lakad hanggang sa makarating siya sa likod ng Restroom ng mga babae.
I stop. Nag tago ako sa likod ng isang malaking puno. Sumilip ako at biglang nawala nalang ng parang bula ang Lalaki.
Naramdaman niya ba akong sumusunod sa kaniya?
"Asaan na siya?" I mumbled. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong may kamay na tumakip sa bibig ko at mainit na katawan sa likod ko. Ang isa pang kamay ang nakayakap saakin.
"Sinusundan mo ba ako?" Halos tumaas ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niyang sobrang lamig. Lamig mula sa Impiyerno. cold weather in hell? Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa aking bewang.
Sinipa ko siya patalikod at sakto sa Tutu niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa bibig ko at pinaikot iyon. Nakaluhod na siya sa sakit ng pag kakasipa ko sa tutu niya. Hawak ko ang braso niyang nakapilipit. Gamit ang isa kong kamay tinanggal ko ang Cup niya at Mask. Nagulat ako ng makita ko ang mukha niya.
"Junyu" I dropped my jaw
"Koreanong Hapon! Nagawa mo na ba ang pinapagawa namin-" nahinto si Riyonza sa pag sasalita nang makita niya ang posisyon namin.
I glare at Riyonza
"Hoy, Riyonza! Kayo ba ang mga kriminal dito sa Utopia?" I hissed.
"Anong ginagawa mo ditong pakealamera ka?" tanong niya at halatang iritado ang mukha.
"Anong pinapagawa niya sayo Junyu?" Tanong ko kay Junyu na nakangiwi sa sakit.
"SUMAGOT KA!" sigaw ko. Diniinan ang kuko sa braso ni Junyu.
"Pinapahanap niya saakin si Headmaster Santiago" mabilis na sabi ni Junyu.
Bakit si Headmaster?
"Bitawan mo na ako Kriogi masakit na ng braso ko" pag mamakaawa niya.
"Bakit mo pinapahanap si Headmaster Santiago?" Tanong ko. Tinanggal na ang pag kakahawak ko kay Junyu. nag kibit balikat lang naman si Riyonza
"May kutob kasi kaming siya ang killer" He poker face
"Oh? What his motive?" Tanong ko at halos umirap.
"Para manakot ng estudyante? halos lahat kami sa Section F nag kaisa para manmanan si Headmaster Santiago" He shrugged
Nilingon ko si Junyu na bahagyang yumuko
"Kesa maging spy kayo ni Headmaster, bakit hindi niyo nalang hanapin ang totoong killer?" Humalukipkip ako at humakbang palapit kay Riyonza
"Si Headmaster nga ang killer" inis na protesta niya
I raise my eyebrow
"Pano ka nakakasiguro?"
"Nakita ko siyang may kausap na kahinahinalang lalaki, baka mga tauhan niya yun para pumatay ng estudyante" Mas lalo dumilim ang mukha ni Riyonza at tila pinipigilan ang iritasyon.
"O baka siya talaga ang r****t" singit ni Junyu kaya nilingon ko siya ulit at sinamaan ng tingin
Nakita ko ang pag galaw ng Adams apple ni Junyu. He swallowed hard.
"Bakit hindi nalang kayo sumama sa oplan namin?" Tanong ni Riyonza at pinilit ang ngisi.
"Ayoko, Isa pa kapahamakan lang ang naidudulot ng pangengealam" sabi ko at nag kibit balikat.
"Ows? E bakit nangengealam ka ngayon?" Nakakainis tong gangster na to. Kahit gangster ka di ako takot sayo no! Gag*.
"Ano bang purpose niyo? i mean... anong purpose ng oplan niyo at ano yun?" I sighed heavily. I'm just curious. Kung maganda iyon so be it.
"Oplan Hanapin ang Psycho The r****t at Imbestigahan si Headmaster" Si Junyu ang nag salita
I rolled my eyes.
"Bakit hindi kayo sumama saamin? Mag kaisa tayo, isama mo ang mga kaibigan mo. Sikat kayo sa buong Campus lalo na yung matalino mong boyfriend iyong Trevor" Sabi ni Riyonza at tumayo ng Maayos.
"Sikat? Bakit? Saka Boyfriend ko si Trevor? Kelan pa?" Sunod sunod kong tanong.
Kilala pala kami?
"Diba? last year. Kayo yung nakahuli duon sa pumatay sa dating Headmistress? Ang Galing nga ng Deduction niyo e. Maraming nabilib pero hindi ako isa sa maraming yun" iling iling siya at nag pamulsa
Tahimik ang buong Utopia at mabuti nalang malayo ang mga estudyante dito sa puno. Ang pangit lang ding naririnig ang ganitong usapan namin.
"Oh tapos? I'm not interested" Tinalikuran ko na sila
Akala ko pa naman mabait itong si Junyu? Talagang napikot ni Riyonza dahil mukha din naman kasing basag ulo.
"Really? Kung mag bago man ang isip mo. Makipag kita ka sa amin dito bukas" Nahihimigan sa boses niya ang pag pilit sa akin
He's right though dapat nga ay mag tulungan kami.
Umalis na ako para makapag isip isip pa.
Riyonza is cunning and rebellious. I shouldn't trust him. Sa panahon ngayon at sa nangyayare ngayon kahit sino ay pwedeng maging Psycho the Rapist
"Ginagawa mo dito? Dapat ay hindi ka pakalat kalat delekado na dito" Inis na sabi ni Trevor.
Nilingon ko siya na Masungit at Seryoso ang mukha. Tuluyan na nga siyang nakalapit sa akin.
Huminto siya sa Bench at naupo.
"Trevor, Gusto kong sumama sa Oplan ng mga Section F" Sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Oplan ng Section F?" Tanong niya.
Tinapik niya katabi niyang space kaya agad akong naupo.
Kwinento ko naman yung mga sinabi ni Riyonza kanina saakin. He agree with me pero dapat hindi namin masyadong pag katiwalaan si Riyonza dahil sabi ni Detective Lawren sa kaniya na Posibleng mga gangster ng school ang may mga pakana nito saka para na din makilala naming mabuti ang mga gangster sa Section F.
"Anong gagawin natin?" Tanong ko sa kaniya.
"Nandito ako sa likod mo, Sasama tayo sa kanila mamayang gabi" Seryoso ang mukha niya
"Sasama din kami" nilingon namin si Charl na sumingit kasama si Aires at Yavi.
"Anong ginagawa niyo dito?" Kanina pa ba sila?
"Kanina pa kami nakikinig sa usapan niya" sagot ni Yavi.
"Wow! napakahonest" sabi ni Charl at umiling iling kay Yavi.
Naupo si Aires sa tabi ko at sa tabi niya naman si Yavi habang si Charl ay sa kabilang gilid ni Trevor
"Sasama kami" sabi ulit ni Aires at pinulupot ang kamay sa braso ko
"Sasama tayong Lahat" Seryosong sabi ni Trevor.