Pareho na kaming nakahiga sa kama ni Ylari. Tulog na tulog naman na siya. Matutulog na din sana ako nang biglang may narinig akong nabasag.
Tumayo ako para tignan iyon. Sinilip ko muna si Ylari na natutulog sa kaniyang kama.
"Sino yan?" Tanong ko ng may marinig akong yabag sa labas.
Binuksan ko ang pinto at Lumabas sa Dorm. Habang papalayo ako sa Dorm mas bumibigat ang pakiramdam ko. Mabuti nalang laging nakasindi ang ilaw dito sa corridor ng Dorm.
Hindi pa man ako nakakalayo nang marinig ko ang sigaw ni Ylari.
"Sht!" Mabilis akong tumakbo pabalik sa dorm
"AHHHHH!" Agad akong pumasok sa loob.
Bubuksan ko na sana ang ilaw ng maramdaman ang sobrang sakit sa ulo ko na pukpok. Hilong hilo ako pero pilit kong binuksan ang ilaw na ayaw sumindi.
"Ylari" nanghihina kong tawag. Gewang gewang akong nag punta sa kwarto namin.
Naaubutan kong umiiyak si Ylari "Ylari" tawag ko ulit at bumibigat na ang talukap ko.
"KRIOGI SA LIKOD MO!" Sigaw ni Ylari. lilingon na sana ako sa likod nang maramdaman kong may pumukpok nanaman sa ulo ko.
Naramdaman ko na ang matinding sakit at bago pa nawalan ng malay ay naramdaman ko pa ang malamig na sahig.
"Shhh! Wag kayong maingay"
"Ano bang nangyari?"
"Hindi ko alam"
"Kasama ni Yavi si Ylari kausap ni Detective"
"Nagugutom na ako"
"Trevor, Iwan ka muna namin".
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Agad kong nakita ang mukha ni Trevor.
Nang marealize ko kung nasaan ako ay agad akong umupo mula sa pag kakahiga
"Anong nangyari?" Tanong ko. Hinawakan ko ang ulo ko na may nakaikot na bandage.
"Dapat ako ang mag tanong sayo niyan. Anong nangyari?"
"E kasi po napukpok lang po ako ng dalawang beses po" sabi ko at humawak sa ulo ko na hindi naman na gaanong masakit.
"Sa susunod kasi mag iingat ka" iritado niyamasakit at tuluyan nga akong hinarap
"Malay ko bang may r****t palang nakapasok" Tinanggal ko na naman ang bandage sa ulo ko.
"Anong ginagawa mo?" He piqued
"Pake mo?" hinagis ko yung bandage sa kabilang kama
Binaba ko ang paa ko sa sahig at tumayo na.
"Tigas talaga ng ulo" bulong niya pero narinig ko naman kaya hindi pa din bulong iyon na matatawag.
"Anong oras na?" Tanong ko at hinanap ang wallclock
"11:25 am po" He answered sarcastically
"Gutom na ako" reklamo ko. Nag inat ako ng katawan at humikab
"Tsk, Bahala ka nga. Pag sumakit yang ulo mo! Ang tigas tigas ng bungo mo!" Lumapit siya sa akin at pinitik ang noo ko.
"Kuya, Baka nakakalimutan mo? Napukpok po ako! Kung makapitik ka wagas" inirapan ko siya at bahagyang lumayo
He chuckled.
"Napukpok ka ba? Mukhang ayos ka naman ah" sabi niya at ngumisi.
"Masakit pa ulo ko!" Bulyaw ko. Nag pamewang ako.
"Pakealam ko?" Sabi niya at may multo pang ngiti sa labi
Iling iling siyang tinalikuran ako at nauna ng nag lakad palabas
Ang sama talaga ng ugali nito!
"Pangit! bilisan mo" He teased.
Tumakbo naman ako para maabutan siya.
"T*ang*na mo!" Mura ko Nang maabutan ko siya.
Huminto siya sa pag lalakad at Tumingin siya ng masama saakin.
"That's your second nature, To curse. I don't want to hear bad words. I kiss someone when they curse" Natigil ako sa pag lalakad nang sabihin niya iyon.
Lumingon naman siya saakin at natigil din
"Kahit lalaki? You kiss someone when they curse?" I don't believe him.
"That's an exception" sabi niya at nag kibit balikat. Nag poker face naman ako.
"Kasasabi mo lang tas binawi mo" Bulong ko at humakbang na muli
"Bakit lalaki ka ba?" Tanong niya. Umiling ako at hinarap siya ulit.
"Hindi saka hindi mo naman talaga magagawa yun e" sabi ko at ngumisi.
"Sinusubukan mo ba ako?" Tanong niya na medyo iritado. Nag tiim bagang siyang muli.
Nilagay niya ang mga kamay niya sa likod niya.
"Hindi, Sinasabi ko lang ang Totoo." sabi ko at ngumisi
One...
Two...
Three...
"Fvck You" I cursed
"I'm true to my words, Kriogi" Madiin niyang sabi.
"Tang.*na.m-" hindi ko natuloy ang pag mumura nang bigla niya akong hinila at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Tuloy mo, Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo" Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya ang dulo ng mga ilong namin ay mag kalapit na.
Nag papasalamat ako dahil matangos ang ilong namin kung hindi nahalikan niya na ako.
"L-lumayo ka" nauutal kong sabi at tinulak siya.
Masama ko siyang pinukulan ng titig.
"TULONGGGGGG!" Napalunok ako at pareho kaming tumakbo papunta sa sumigaw.
Narinig namin ang sigaw sa Restroom ng babae.
"Fvck!" sigaw ko ng makita ang babaeng hubad at gilit ang leeg.
Tinignan ko si Trevor na tumingin ng masama saakin. Tinikom ko naman na ang bibig.
"Ghad! May namatay nanaman! Hindi na safe dito" Bulong ng isang Estudyante.
"Kesa mag bad comment ka, Tumawag ka nalang ng police" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
"Ayoko nga, bakit ko gagawin yun?" Inis na tanong niya.
"Kung makitid ng utak ko aakalain kong ikaw ang killer."
"Bakit? Dahil ba Ayaw kong tawagan ang mga Police?" Mataray niyang tanong, nag kibit balikat naman ako.
"Isa na yun, Pangalawa Maaring ikaw ang killer dahil sa inaasta mo." sabi ko.
"How dare you to accusing me!" she hissed
"I don't accusing you. I'm not ordinary students, I'm Extra ordinary. Mark my word!" Sabi ko at nginisian siya.
"b***h!" She frowned
"I thought you kiss someone when they curse" Bulong ko kay Trevor.
"I change my mind. I'll kiss Kriogi when she curse. Ayan? Okay na ba?" He whispered to my ears
"Hindi mo din gugustuhing halikan ang killer" Kumunot ang noo niya
"What do you mean?"
"You do Detective Thingy, But you did not notice something to her" Sabi ko nilingon ang babaeng masama ang tingin sa bangkay.
"Accusing is bad" Bulong niya
"Yeah Right, She's innocent" kalmado kong sabi.
Ilang minuto lang dumating na ang mga police.
Iniwan ko naman si Trevor kausap nanaman ni Detective Lawren.
"Malala na ang sitwasyon ng paaralan na ito" rinig kong sabi ng isang police habang inaayos ang caution.
"Sinabi mo pa, kawawa ang mga estudyante dapat ay palabasin na nila ang mga estudyante dito. Mas lalo nilang pinahihirapan ang mga estudyante, baka may matrauma pa ng dahil dito" rinig kong sagot ng kausap niya.
"Tingin ko nga ay nakatataas ang may gawa rito. Bakit pa nila ipakukulong ang mga estudyante kung pwede naman nilang pauwiin?" Tanong ng police sa kasama.
"Siguro ay tinatakot nila ang mga estudyante para sumunod sa kanila" sabi pa ng isa.
"Kung tinatakot nila kami, hindi hahantong sa ganito. Bakit nila gagawin saamin ito? Kung psychopath ang mga deans at mga teachers namin pwede pa. Wala silang motibo para gawin iyon, Kaya mga Mister Tama na ang daldalan Work Hard Stop Spreading Rumors. Instead of talking, take the victim and then leave" I said boredly
"Alam mo bang masama ang sumingit sa usapa ng matatanda?" Tanong ng isang police.
"Alam ko, Pero alam niyo din ba na masamang mag pakalat ng chismis? Nakukulong na ang mga chismosa at chismoso ngayon dapat alam niyo yan mga police pa naman kayong naturingan" umirap ako
"Hindi kami police-"
"Sabi na e!" ngumisi ako. See? Pag triggered ang isang tao nagagalit ito at hindi nakakapag isip ng tama kaya mapapaamin mo nalang bigla.
"Police kami" kung susuriin mo ang mukha niya. Isa siyang guilty.
"AHHHHH! TULONG!" Sumigaw ako.
Nataranta naman silang dalawa.
"Kriogi, anong nangyayari?" Tanong ni Charl na agad lumapit
"Mamang police, Hulihin niyo ang dalawang to! Nag papanggap silang police" Sabi ko.
"Sino kayo?" Tanong ng isang police sa dalawang nag papanggap na police.
"Police kami" nauutal na sabi ng isa.
"Wag na kayong mag maang maangan pa, Hindi kayo police. Ngayon lang namin kayo nakita" sabi ng police at lumapit sa isang police na kausap ang mga nag papanggap na police.
"Kasalanan mo to, Batang bubwit" inis na sabi ng nag papanggap na police
Hinawakan naman na sila ng mga tunay na police at hinila palabas
"Kriogi For the win" sabi ni Aires at tinaas ang kamay ko na parang nanalo sa isang boxing. nilingon ko naman si Trevor na nakahalukipkip habang nakatingin saakin ng seryoso.
"Ang sabi ay journalists daw ang dalawa" Bulong ni Junyu na kararating lang at kasama si Yavi
"Ipapakalat na ata nila ang balita tungkol sa mga krimen dito" Nag pamulsa si Yavi
"Hindi ba maganda iyon? Malalaman ng mga tao at aaksyon ang gobyerno" Nakakunot ang noo ni Junyu sa amin