"Pasensya na sa Na encounter mo kanina, Hindi naman lahat ng estudyante dito masasama" sabi ko Kay Junyu.
"Okay lang. Kung hindi mo nakita malamang wala na akong Allowance" he chuckled.
"Arigato gozaimasu, Onechan" Bahagya na din akong tumawa sa pasasalamat niya dahil mukhang mag kakasundo kami. One fourth Japanese.
Mabuti nga din na naligtas ko siya kay Loina. Wala daw siyang allowance? Mukha naman siyang mayaman ah?
"Bakit? allowance mo na ba yan for whole year?" Tanong ko. Umiling naman siya.
"Hindi naman, Nag titipid kasi ako. Si Daddy kasi pinagalitan ako kinuha pa pati kotse ko, hindi niya daw ibibigay iyon hanggat hindi ako nag titino. Pang 48 school ko na ito. Lagi akong nakikick out dahil sa pag aabsent ko" pag kukwento niya.
"Bat ka naman nag aabsent? Ang sarap kayang mag aral" I said.
"Sumasama ako ng Racing e" sagot niya. Syempre kung nasa labas ng Eskwelahan ang kagustuhan mo talagang malalayo ka sa pag aaral pero kung pipilitin mo ang sarili mo sa pag aaral mahahanap mo din ng ikakaaliw ang sarili mo sa Eskwelahan
"So Mabilis kang mag patakbo? Jusko hindi ka pwedeng maging Taxi Driver" natatawa kong sabi.
Nag tawanan naman kami habang papasok sa Klase. Lahat naman sila nakatingin saamin maliban lang kay Trevor na nag babasa ng Libro.
Nag tatampo pa din ako.
"Kriogi! Pakilala mo naman si Oppa sa amin" malokong sabi ng Kaklase ko.
"Siya nalang mag papakilala" sabi ko at bahagyang siniko si Junyu na namumula na sa hiya
"Mister introduce yourself" Sabi ng President ng Classroom namin.
Tumango naman si Junyu at nag punta na sa harap.
"Annyeong, Junyu Young Immnida. Hi I'm Junyu Young." Pakilala niya sa dalawang lenggwahe
"Facts About you?" sabi ng kaklase kong babae.
Naupo naman na ako sa tabi ni Aires
"Kailangan pa ba yun?" Nakataas ang kilay na tanong ko at umiling iling.
Ang mga ito talaga.
"Dali na" excited na sabi ng mga kaklase ko.
Tumingin naman si Junyu ng 'Susundin ko ba sila look' tumango nalang ako.
"Alam kong mag Tagalog pero konti lang. Alam ko din mag English. I'm Half Filipino, One Fourth Korean and Japanese" sabi niya at nahihiyang ngumiti
"Ano pa?" Kinikilig na tanong ng kaklase kong babae.
"Ahmm, pang 48 school ko na to dahil lagi akong na kikick out. I play basketball, Racer din ako" dagdag niya.
"Woah, Interesting" amaze na amaze ang mga kaklase kong babae.
"Mukhang may tatalo na sa Class A heartthrob natin ah?" Natatawang sabi ni Yavi at halatang si Trevor ang pinariringgan
"Saranghaeyo Oppa" sabi ni Aires at nag finger heart pa. Pareho kaming tumawa sa kalokohan niya
"Korean ka te?" Natatawa kong tanong kay Aires.
"Kpopers lang" natatawa niyang sabi at kinindatan ako.
"May pa Oppa Oppa kapa ah! Landi mo" sabi ko at hinampas naman niya ako sa braso
"Isanghan" sarkastikong tawa niya.
"Junyu is so Gwapo like Lee Min Ho" komento ni Aires at sumandal sa backrest ng upuan niya
"Ne" sagot ko dahil gwapo nga si Junyu.
"Wow, Nag kokoreyan ka na Ateng" We Laughed again
Kahit papaano naibsan ni Aires ang inis ko kanina sa nangyare.
"Konti lang ang alam ko no!" Protesta ko.
"I know you Eonnie" Sabi niya at tinusok tusok ang tagiliran ko para makiliti
"Hajima! Stop it!"
"Kriogi" Natigil kami sa kulitan ni Aires. Nilingon ko si Junyu na tumawag.
"May nakaupo ba dito?" tanong niya at tinuro ang upuan sa harap ko. Umiling naman ako.
"Wala, Upo ka na dyan" sagot ko at nginitian siya.
"Kamsahamnida" Pasasalamat niya. Eh? Kanina Arigato gozaimasu tas ngayon Kamsahamnida? Loko. Di naman ako Korean kasi Chinese at Japanese lang ako.
"Anieyo" sagot ko.
"You know how to speak Korean?" He asked. Mukhang nagulat. i nodded.
"A lil bit" sagot ko.
"Cr lang ako" Nilingon ko si Aires na nag paalam at tumayo.
Tumango ako sa kaniya at tinapik niya naman ang balikat ko.
"Sama ako" si Yavi.
"Sa Cr?" Tanong ni Aires.
"I mean sabay na tayo, Pupuntahan ko lang si Ylari" Natatawang pag tatama ni Yavi sa sinabi niya kanina na namisinterpret ni Aires
"Naks, Lover boy" natatawang sabi ni Charl. Hindi na siya pinansin ni Yavi dahil Lumabas na sila ni Aires.
"Nabigay mo ba kay Chescka yung cupcakes?" Tanong ko kay Charl at hinarap siya.
"Daldal mo talaga" sabi niya at kumamot sa Ulo.
"Teka, Saan ba kayo galing at Bakit nakasimangot si Trevor? Sinundan ka niya kanina nung lumabas ka" Kwento niya at binaba ang ballpen niya
"Tapos?" Nakangiwi kong tanong. Hindi na ba ako mag tatampo?
"Tapos na, Saka saan mo napulot yang Koreanong Hapon na yan?" Tanong niya at tinuro ang nasa harap naming si Junyu
"Nakita ko lang siya kanina" sagot ko at tumango naman siya.
"Bad Trip nanaman si Boss Trevor" sabi niya at Humawak sa balikat ni Trevor.
Padabog na tinanggal ni Trevor ang kamay ni Charl sa Balikat niya.
"Run! Save your a** dude" inis na sabi ni Trevor at sinarado ang kaniyang libro.
"Masyado ka namang seryoso" natatawang sabi ni Charl.
"TULUNGAN NIYO KO!" sigaw ng kaklase naming babae na may mansta ng dugo sa damit. Napatayo naman kami nila Charl at Trevor.
"Anong nangyari?" Tanong ko at halata sa mukha ng Kaklase ko ang takot
"Si John..." Hindi niya matuloy ang sasabihin dahil nanginginig ito sa takot.
"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ni Charl.
"Si John Patay na, Nakita ko siyang nakahandusay at Duguan sa likod ng Girls Dormitory" nanginginig na kwento niya
"Sinubukan kong tanggalin yung kutsilyong nakatusok sa tyan niya ngunit huli na" umiiyak na siya
"May sinabi ba siya bago siya namatay?" Tanong ko. Malay namin kung tinuro niya na ang killer
"Meron." sagot ng Kaklase ko. Inantay ko ang katuloy.
"Cousin" Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Seriously?
"Cousin? Malamang mag pinsan kayo e" sabi ng Kaklase kong isa at tumawa.
"Tara na, puntahan na natin siya" sabi ng mga kaklase ko at nag aalala din
"I'll call Tito Lawren, Mauna na kayo duon" sabi ni Trevor kay Charl.
"Tara na Charl" hinila ko si Charl.
Patakbo namin tinahak ang likod ng dorm kasama ng iilang mga estudyante na nakasagap na ng balita
Naabutan namin ang iilan pang mga estudyanteng nag kukumpulan.
"Yuck" Reklamo ng isa at lumayo
Ang iilan ay sumuka na at hindi nakakayanan ang nakikita.
"Tabi" inis kong sabi at nakipag siksikan sa kanila. Agad kong tinakpan ang mata ko ng makita kong walang suot na damit ang bangkay. Hubot hubad ito, Wala siyang suot na boxer short even brief. Lantad na lantad ang Ari.
"Pati ba naman lalaki ginagahasa na ngayon?" Tanong ni Charl.
"Kadiri"
"Ang Laki pren" Sabi ng Bakla sa gilid namin.
Nilingon ko naman siya Habang titig na titig sa TuTu ng bangkay.
"Manyak" binatukan siya ng kasama niya.
"Iww" Sabi ni Aires na kararating lang kasama si Yavi.
"Oh sh*t, Hindi na din ligtas ang mga lalaki" Sabi ni Yavi at madramang niyakap ang sarili.
"Pati Lalaki Ginagahasa na din?" Tanong ng isang Estudyante at lumakas nanaman ang bulungan.
"Paano kayo nakakasigurado na Ginahasa nga siya?" Tanong ko.
"Hubad e" sagot ng bakla
"Pag pinatay kita tapos hubaran kita, iwan kitang hubot hubad habang nakahandusay ka. Asaan ang r**e duon?" Inis na tanong ko.
Mag isip muna kasi bago mag salita.
"Hubad na patay nanaman? But this time Lalaki naman?" Umiling iling si Detective Lawren ng sabihin niya iyon. Kararating lang nila kasama si Trevor kasama pa si Detective Lorenzo ang kapatid ni Dean Lorenzo
Pag katapos nilang kuhanan ng Pictures at imbestigaha ang bangkay agad din nilang tinakpan ito. Naglagay din sila ng Caution.
"What do you think, Kriogi?" Tanong ni Detective sa akin at tumabi
Sa totoo lang maraming namumuong theories sa isip ko pero ang talagang umaangat sa akin ay "Mukhang sinundan ni John kung sino man ang killer dito at pipigilan sa panibagong mabibiktima."