Bumalik kami sa klase, tahimik ang lahat at namomroblema. Gusto ko na ding lumabas, tuwing Weekend kasi yun nalang ang pahinga ko. Nag papaspa ako at salon nakakarelax 'yon lalo na't batak ako sa pag aaral.
"Nakakaboring naman" iritadong sabi ni Aires.
"Sana wala nalang pasok" Reklamo ni Charl kanin pa.
Kinusot ko naman ang mata ko ng humikab ako. Sumandal ako sa balikat ni Charl at nagulat naman sila sa ginawa ko.
Natigil sa pag cecellphone si Aires habang ni Yavi bakas ang gulat sa mukha ng nakatitig saamin. Si Trevor nakatingin lang at nakapoker face.
"Kayo na ba?" Malokong tanong ni Yavi at may malisyosong ngisi.
"I just want to sleep" sagot ko at pumikit.
Feeling ko nag lakad ako ng ilang dekada sa pagod na nararamdaman. Physically and Mentally tired.
"Gagawin mo pa akong unan" Reklamo ni Charl at inilayo ang ulo ko sa balikat niya.
Inirapan ko naman siya. Sumilip nalang ako sa bintana. Nakita ko si Loina kausap ang isang Lalake. Bumagsak ang tingin ko sa kamay ni Loina na may dinudukot na sa Bag ng Lalake at pasimple ito.
Nabigla ako ng makita ko na hawak na ni Loina ang wallet ng kausap niya. Mukhang Transferee pa ang Lalaki.
Nabigla sila sa pag tayo ko. Akala ba ni Loina hindi ko siya mahuhuli?
Lumabas naman ako ng Room at patakbong pinuntahan si Loina at ang Transferee na lalaki.
"Bago ka dito?" Tanong ko sa lalaki at nilingon ko si Loina na nakataas ang kilay saakin.
"Yup, I'm Junyu Young. Half Filipino, one fourth Korean and Japanese" sabi niya at nag lahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon.
"Maria Kriogi Tan. Half Filipino, one fourth Japanese and Chinese" sabi ko at nilingon ko si Loina na nakahalukipkip na sa akin
"Kilala mo ba tong babaeng to?" Tanong ko at tinuro si Loina. Tumango naman siya.
"She's Loina Marasigan. Kakakilala lang namin" sagot niya.
Nilingon ko ulit si Loina at pinantayan ang taas ng kilay niya
"Alam mo bang dinudukutan ka niya?" Tanong ko. Dahil kitang kita kong kunwaring nadulas si Loina at Dinukot yung wallet ni Junyu sa gilid ng bag.
"What's dinudukutan Means? Sorry kokonti lang ang alam kong Tagalog" sabi niya at kumamot ng Ulo.
Masama kong tinitigan si Loina na umatras
"Hoy! Grabe ka kung mambintang hah!" Inis na sabi ni Loina. Kita ko pa ang pag tago niya ng mga kamay niya sa likod niya.
"She stole your wallet." Sabi ko. nakakunot naman ang noo ni Junyu at nilingon si Loina.
"That's not true" sabi ni Loina at umiling pa.
"Gagawin mo pa akong sinungaling, kitang kita ng mata ko" Sabi ko.
"WAG KANG NAMBIBINTANG" sigaw ni Loina kaya yung ibang estudyante nakatingin na saamin.
Nag buntong hininga ako nang tanaw pa ang isang demonyo. Si Lira.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Lira na kararating lang.
"Yang kaibigan mo mag nanakaw" sabi ko. Nagulat ako nang bigla nalang akong sampalin ni Lira.
Naramdaman ko naman ang sakit ng pisngi ko sa lakas ng pag kakasampal ni Lira
Ako na nga ang nag mamagandang loob ako pa ang nasampal. Mahirap talaga pag witness ka. Kahit alam mo ang totoo kung ayaw paniwalaan ng mga tao makitid at sarado ang isip bigla nalang mag lalaho lahat ng nakita mo
"Subukan mo pang pag bintangan ang kaibigan ko hindi lang sampal ang aabutin mo" Galit na sabi ni Lira.
Kumulo ang Dugo ko kaya Sinampal ko din siya. Yung malakas na malakas dahilan ng pag bakas ng palad ko sa pisngi niya.
"Subukan mo pa akong Sampalin Hindi lang din sampal ang aabutin mo" I said in my serious tone.
"Kriogi!" Galit na tawag saakin ni Trevor. nakita ko naman si Lira na nakahawak sa pisngi niya at umiiyak kunwari.
Ako nanaman ang mali
"Trevor, She slapped me" umiiyak na sabi niya at lumapit kay Trevor.
Nilagay naman ni Trevor si Lira sa likod niya.
Seriously? Kaibigan ko ba tong Nyuli na to?
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong ni Trevor sa akin.
Okay. Sabi ko nga hindi ko siya kaibigan.
"Siya yung Nauna! Sinampal niya ako. Nakikita mo to?" pinakita ko pa yung pisngi kong namumula.
Humakbang ako
"Ikaw ang nauna, Pinag bibintangan mo si Loina" basag ang boses niya.
"Hindi ko siya pinag bibintangan! Nakita ng dalawang mata ko, MAG NANAKAW ANG KAIBIGAN MO!" Bulyaw ko sa kaniya. Umiyak nanaman ang maldita.
"May ibidensya ka?" Tanong niya saakin.
Nilingon ko si Loina na hindi nag Sasalita. See? Guilty. Sa dami ba naman ng cases sa school namin talagang nakukuha pang mag nakaw nitong si Loina
"What Happen here?" Galit na tanong ni Ma'am Cuevas.
"Ma'am si Kriogi ang Nag simula" sumbong ni Lira.
Tinignan ako ng masama ni Ma'am Cuevas.
Kaya ko sarili ko kahit wala akong kakampi. Mag sama sama nga kayong lahat.
"Anong Ako? Ikaw yung unang nanampal" inis na sabi ko.
"Hindi ka niya sasampalin kung wala kang ginagawa Miss Tan" Galit na sabi ni Ma'am Cuevas at lumapit sa akin
"Lahat ng sangkot dito Pumunta sa Detention Room! Now!" Sigaw ni Ma'am.
Tinignan ko si Junyu na kumamot sa batok niya.
Gusto ko lang naman maging hero e. Nasave ko naman siguro si Junyu?
Nag punta naman kami sa Detention room. Galit si Trevor saakin and who cares? Galit din ako! Mas kinakampihan niya iyong hindi niya kaibigan.
Ano bang relasyon nila ni Lira? Nakakainis! Ako yung kaibigan niya tapos iba ang kinakampihan niya, Nakakatampo siya.
"Ms.Tan, Do you mind to explain?" Sabi ni Ma'am Dion ang isa sa mga teacher ngayon sa Detention room
"Ma'am Hindi naman po ako ang Nauna" sabi ko sa mababang boses
"Pinag bibintangan mo si Loina" sabi ni Lira.
Stay calm self. Don't let your patience ruin again because of this b***h. Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang pigilan ang galit ko kung maputol ulit ang pasensya ko
"Totoo namang mag nanakaw ang kaibigan mo." Humalukipkip ako at ngumiwi
"MS.TAN!" suway ni Ma'am Dion.
"Ma'am, kitang kita ng dalawang mata ko. Dinudukutan ni Ms.Marasigan si Junyu" paliwanag ko at tinuro si Junyu
"Ah Ma'am Nawawala po ang wallet ko" Nag kakalkal na si Junyu sa Bag niya
See? Hindi naman ako bulag o malabo ang mata
"Baka na Misplace mo lang Mr.Young" sabi ni Lira at talagang naniniwalang sinisiraan ko lang ang kaibigan niya
Ano namang mapapala ko sa paninira?
"Bakit hindi mo itanong sa Kaibigan mo kung nasaan ang wallet niya?" Nakataas ang kilay kong sabi kay Lira.
"Kriogi" parang kulog ang boses ni Trevor na galit at sobrang lamig ang boses.
"Sino ba ang kaibigan mo sa amin Trevor hah? Lagi ka nalang kampi sa kaniya" inis na sabi ko.
"Wala akong kinakampihan" sabi niya.
What?
"Wala? Pero halata naman na kampi ka" inis na sabi ko. Hindi naman na ako galit sa sampal ni Lira ang kinakatampo ko ay ang galit ni Trevor sa akin at hindi man lang ako hayaang mag paliwanag dahil halatang kinakampihan si Lira.
"May Proweba ka ba Ms.Tan na si Ms.Marasigan ay nag nakaw nga?" Tanong ni Ma'am Dion.
Ilalaban ko talaga sa korte to pag ako napatunayan na masama dito.
"Bakit hindi natin siya Kapkapan?" Tanong ko at nilingon si Loina na namumutla na.
"Ms.Marasigan, Maaari ka bang tumayo?" Tanong ni Ma'am Dion. Nanginginig na tumayo si Loina.
Sumandal ako sa backrest ng upuan. I boredly glare at Loina.
"Ma'am Hindi po mag nanakaw ang kaibigan ko" Protesta ni Lira at halata din na nag dadalawang isip
"Shut up! Bakit hindi natin tignan kung totoo nga na hindi siya mag nanakaw?" Nakangisi kong sabi.
"MS.TAN! ISA NALANG! ISUSUSPINDI NA KITA!" inis na sigaw ni Ma'am Dion.
I let Ma'am Dion. Siya ang nag kalkal kay Loina na nastiff na. I whistled when Ma'am Dion stop and pulled out Junyu's wallet to Loina's pocket
"Mr. Young, Eto ba ng wallet mo?" Tanong ni Ma'am Dion
"Ayan nga po, Paano na punta sa kaniya?" Tanong ni Junyu at napaisip. Hindi makapaniwala. Nakita ko naman ang Gulat na expression ni Lira.
"Ano Ma'am Naniniwala na kayo saakin?" I asked playfully
"Ms.Marasigan, Ano ang ginawa mo? Sinisira mo ang pangalan ng eskwelahan natin" iritadong sabi ni Ma'am.
Nakita ko namang umiiyak na si Loina. Pavictim.
"Ma'am Wala na po akong pambayad ng tuition. Lubog na po sa utang ang pamilya ko" umiiyak na sabi ni Loina.
I hate myself! Naguguilty naman na ako ngayon. Bakit parang kasalanan ko?
"Loina" tawag ni Lira sa kaibigan.
Tinignan ko si Trevor na nag tiim bagang. Tinaasan ko siya ng Kilay. Mali ka ng kinampihan
Nilingon ko si Junyu na halata sa mukha na naaawa din kay Loina. Hindi naman sapat na rason 'yon para mag nakaw. She need to pay for her sin.
"Junyu, Saan ang klase mo? Samahan na kita" sabi ko at tumayo na
"Sa Class 12 Section A" sagot niya at nag aalanganin na ngumiti sa akin
"Mag kaklase tayo" Ako na ang ngumiti sa kaniya.
"I go a head" Sabi ni Trevor at naunang lumabas ng Detention Room.
"Ma'am Pwede na po ba kaming umalis?" Tanong ko. Tumango naman si Ma'am Dion.
"Pwede na, Maliban sa'yo Ms.Marasigan" sabi ni Ma'am Dion.
Nag buntong hininga ako at tinapik na ang braso ni Junyu
Nahagip ng mata ko ang tila anino na dumaan sa bintana sa likod ng detention room
Mabilis kong iginalaw ang paa ko at sumilip sa Bintana
"What's wrong Ms. Tan?" Nag tatakang tanong ni Ma'am Dion
Nilinga linga ko ang mata ko sa bintana at tanging malalaking pader at puno ang nakikita ko. Hindi kaya isa iyon sa mga Psycho The r****t na tinutukoy nila?
We should stay vigilant dahil kakaiba ang nararamdaman ko sa anino na nahagip ng paningin ko
"Ms. Tan, Samahan mo na si Mr. Young"