"Ma'am, nasa labas po si Mr. Damien," bungad sa amin ng bagong dating na katulong.
Nagkatinginan kami ni Mom habang umiinom ng juice. Tumayo naman siya pero mabilis ko siyang pinigilan.
"Mom, ako na ang kakausap kay Dad. I can handle it," I said.
"Are you sure?" I smiled at her as my respond.
"Fine," she replied before she sat down on the couch. Huminga pa ako sandali upang kumuha ng lakas ng loob bago ako lumabas ng bahay.
Nakita ko namang nakahawak si Dad sa cellphone niya habang nakadikit iyon sa tainga niya. Lumabas ako ng gate dahil nandoon siya naghihintay sa tapat ng kotse niya.
"Dad, what are you doing here?" walang ganang tanong ko sa kaniya.
"Hija," sambit pa niya at lumapit sa akin. Ibinaba niya ang cellphone na hawak niya.
"Anong ginagawa niyo rito?" ulit na tanong ko habang naka-cross arm na nakatingin sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin.
"Go home, you don't need to do this," sambit niya bagay na ikinagulat ko.
"Oh, for what, Dad? Wala na rin akong gagawin pa sa bahay mo kung hindi araw-araw lang mabwesit sa mag-ina mo," sarcastic na sagot ko.
"Hija, please. Be reasonable. Just understand the situation," paliwanag naman niya.
"Really? Am I not a reasonable? Dad, you gave her the only thing that I asked to you. What should you expect from me? To congratulate her?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Iyon ba ang gusto niyang gawin ko?
"Hija, no. I'm just saying that you need to be a good person before you handle the company. You are my daughter, I don't want anything but to see you happy," explain niya naman sa akin.
"And do you think that Im happy about it? Dad, you make me feel that I'm not worthy!" naiinis naman na tugon ko.
"Okay, look. I didn't mean it. Please go back to our home," seryosong sagot niya.
Tiningnan ko naman siya. Hindi man lang ba niya babawiin ang sinabi niya?
"I can't live anymore in that house," seryosong sagot ko bago ako pumasok sa loob.
Ano ganoon na lang iyon? Hindi man lang niya babawiin ang sinabi niya at ipaubaya sa akin ang Legacy? Bakit pa ako babalik doon kung ganoon lang rin naman?
Pagpasok ko ng sala sinalubong ako ni Mom.
"What happened?" excited na tanong niya.
"Nothing's new, Mom. I rejected him," sagot ko bago ako umakyat ng hagdan at pumasok ng kwarto.
***
"What? Did you reject your dad again?" hindi makapaniwalang tanong ni Khloe habang humihigop ng milkshake.
"Yeah, he wants me to go back home. As if namang babalik pa ako doon after all those words that he said? Never!" hindi mapigilan ang inis na sambit ko.
"Are you sure about this? Hindi mo man lang ba ipaglalaban ang karapatan mo? Yung mga bagay na dapat nasa iyo pero inangkin ng ampon mong kapatid?"
This time tinitigan ko si Khloe ng masama.
"Stop saying that word again, Koko. It's not funny," seryosong ani ko.
"What? Lucille is your Step-mom. So, Krista is your sister–"
"Stop! It's not funny anymore! She will never be my sister and Lucille will never be my step-mom. As long as my Mom is alive, she will remain as a mistress!"
Natatawa na lang si Koko habang tinitigan ko siya ng masama.
"Okay, so are you so serious that you don't want to go back to your dad?"
"Never!" inis na sagot ko at humigop ng milk tea.
"Why don't you ask your dad a favor? You will get the Legacy and then you will go back to your home?" tanong niya bagay na nagpataas ng kilay ko.
"Are you insane? Why will I do that? Para bigyan ng stress ang sarili ko? Hell no!" sagot kong muli sa kaniya.
"I thought you wanted to get revenge on Tyra's death? This is your chance, Dom," suggestions niya na tila natutuwa pa.
Tinitigan ko lang siya na animo'y binabasa ang nasa isip niya.
"Okay, fine. Hindi mo ba naisip na kapag ikaw na ang may handle ng Legacy, mapapalapit ka na sa taong pumatay kay Tyra?"
Bigla kong naalala ang sinabi ng investigator ko. Magkakilala si Dad at Andres Grant dahil business partner sila.
"See? Bakit hindi mo gamitin ang opportunity para mapalapit sa kaniya? Then kapag nagawa mo iyon, mas magagawa mo na rin ang mga susunod na hakbang mo, " seryosong dugtong niya pa.
Biglang lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya. May point siya. Kailangan kong mapalapit sa lalaking iyon nang sa gayon ay malaman ko ang katotohanan sa pagkamatay ng kaibigan ko.
I promised that I will find a way to seek justice for her. Hindi-hindi ako titigil hangga't hindi nakukulong ang taong iyon.
Masaya at matiwasay siyang nabubuhay habang malaya. Hahanap ako ng paraan para mapagbayaran niya ang lahat!
"Hey, chillax. Why don't you create a plan first?" tanong pa ni Koko. Tiningnan ko naman siya.
"I already have plans and that started now," nakangising sambit ko bago ako tumayo bagay na ikinagulat niya.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong pa niya. Ngumiti naman ako.
"Hindi ba sa iyo na nanggaling na kailangan kong bumalik kay Dad para magawa ang plans ko?" mataray na sagot ko sa kaniya.
"Yes, a few minutes ago, but I have no idea na ganon kabilis magbabago ang isip mo," sambit pa niya.
"Ano ba talaga? You told me earlier that I need to do that. Kapag gagawin ko na, ke-question-hin mo naman," naguguluhang ring tanong ko.
"I mean, ganoon kabilis? Hindi mo man lang pag-iisipan muna bago gawin iyon?" medyo alanganin na sambit ni Koko.
Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.
"Don't you worry, everything's in good condition. I will be fine. All I need to do is to go to my Dad and talk to him," seryosong sambit ko naman bago ako tuluyang lumakad palabas.
Hindi ko na siya pinakinggan pa. Dahil ayoko sa lahat yung nauudlot ang mga naisip kong plano. Kapag nakapagplano na, kailangan kong gawin iyon.
Mabuti na lang at nasa office na si Dad ng ganitong oras. Ayokong umuwi sa bagay at makita ang mag-inang impaktang iyon. Ayokong masira ang araw ko.