DOMINIQUE 'S POV
"Good morning, Ma'am," pagbati sa akin ng assistant ni Dad nang makapasok ako sa company.
"Moira, where's my dad?" tanong ko sa kaniya.
Akmang magsasalita pa sana si Moira nang biglang may magsalita sa di kalayuan dahilan para mapatingin kaming dalawa.
Si Krista, papalapit siya sa amin kaya naman biglang nagbago ang mood ko. Hindi ko gustong makita siya.
"Dom, what's bringing you here?" tanong niya habang nakangiti.
Tiningnan ko lang siya bago tumaas ang kilay ko.
"This is my dad's company. So why are you asking me what I'm doing here? If I'm not mistaken," mataray namang sagot ko sa kaniya.
Dahil ayoko nang marinig pa ang sasabihin niya, kaya naman mabilis akong humarap kay Moira.
"Now, answer me. Where's my dad?" tanong ko sa kaniya. Pero mabilis na sumagot si Krista kaya naman napapikit na lang ako sa gigil.
"He's in a meeting right now," sagot pa niya.
"Teka nga, matanong nga kita. Moira ba ang pangalan mo? Sa pagkakaalam ko, Moira ang pangalan ng babaeng ito," nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.
Nakakainis siya! Bakit ba sabat siya nang sabat kung hindi naman siya ang tinatanong?
May lahi talagang epal itong babaeng ito.
"Nope, mukhang ang init ng ulo mo. Nagkape ka na ba?" tanong pa niya kaya naman hindi na ako nakapagtimpi pa.
"Mukha bang lalamig yung ulo ko sa kape? At pwede ba? Huwag kang sabat nang sabat! You are annoying. So, please stay out of my sight," sabit ko bago ako naglakad papasok ng elevator. Mabilis namang sumunod sa akin si Moira.
"Ma'am, are you okay?" tanong naman ni Moira
"Do I look fine? Of course not, Moira. Ikaw ba naman makaharap ang babaeng isinusumpa mong makita, hindi ba iinit ang ulo mo?" mahabang sambit ko bago ako huminga ng malalim.
Mabuti na lang at hindi na siya nagsalita pa. Ilang saglit lang ay bumukas ang elevator. Nagsi-tabihan ang nga employee nang makita ako kaya naman mabilis na akong lumabas ng elevator.
Nang makarating sa office ni Dad, hinayaan kong si Moira ang kumatok at magbukas noon for me. Agad naman akong pumasok nang buksan niya iyon.
Naabutan kong may kausap si Dad at hindi na ako nagtaka kung makita ko ang isa pang tao na sisira ng araw ko. Si Lucille.
"Hija, nandito ka pala," bati niya at akmang lalapit sa akin pero mabilis akong umatras.
Seryosong nakatingin lamang sa akin si Dad habang hinihintay ang sasabihin ko.
"Can we talk? " tanong ko kay Dad bago tumingin kay Lucille na hindi oa rin umaalis.
"In private?" dugtong ko pa. Tila naman natauhan siya kaya mabilis siyang nagsalita.
"Hon, mauna na ako," paalam niya bago hinalikan si Dad bagay na nagpaikot ng mata ko.
Napaka-plastic talaga ng babaeng ito. Nakakainis! At dito pa talaga sa harap ko sila maglalampungan ng ganiyan?
Mabuti na kang at mabilis siyang lumabas kaya naiwan kami ni Dad dito. Kanina pa siya seryosong nakatingin sa akin. Lumapit naman ako sa kaniya.
"Hindi na ako magtatagal pa. Didiretsahin na kita, Dad. Do you want me to go back home right?" panimula na tanong ko. Hindi siya sumagot nanatili siyang nakatingin habang hinihintay ang sasabihin ko.
"Fine, I will go back but in one condition," seryosong sambit ko bago ako lumapit sa kaniya.
"What is it?" seryoso ring tanong niya.
"Let me handle the Legacy and I will prove to you that I can manage it by myself," dagdag na sambit ko.
Nakita ko siyang huminga ng malalim. Hindi siya nagsalita.
"You decide, Dad. This is your chance to prove to me that you still love me," pamimilosopo ko pa sa kaniya.
"You know what I'm going to say about this. Hindi ka pa handa para patakbuhin ang kompanya–"
"So, are you saying that you rejecting my offer?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
"I will give it to you at the right time–"
"Then this is the right time para ibigay mo sa akin ang Legacy. Bakit ba hirap na hirap kang magtiwala sa sarili mong anak? Ikaw mismo ang nagpalaki sa akin para i-handle ang kompanya," mahabang sagot ko sa kaniya.
"Hija, hindi sa ganoon. Im just saying that you need to practice more for handling the Legacy," sagot naman niya
"See? Well, it looks like you already chose. I'll going to leave now, and I promise that you will never see me again, " seryosong ani ko pa sa kaniya bago ako tuluyang naglakad palabas ng office niya nang biglang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Dominique, fine," sambit niya dahilan para mapahinto ako.
Napangiti na lang akong nakatalikod sa kaniya. Pero mabilis ko ring inalis ang ngiti ko bago ako humarap.
"What?" pagpapanggap ko. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim.
"Fine, pumapayag na ako sa gusto mo. Ibibigay ko na ang Legacy," seryosong sambit niya naman sa skin bagay na unti-unting nagpangiti muli sa labi ko.
"Really, Dad? Thank you!" Mabilis ko siyang niyakap. Niyakap naman niya ako pabalik.
"But make sure that you will handle it carefully," pahabol na sambit niya.
"Of course, Dad!"
Mabuti na lang talaga at nasuyo ko pa si Dad. Ang buong akala ko uuwi akong luhaan. Pero kung sakali mang hindi niya talaga binawi ang sinabi niya at hinayaan niya akong nakalabas ng office niya, hinding-hindi talaga ako magpapakita pa sa kaniya.
Kaya naman Im so thankful na pumayag siya sa gusto mo. Nang sa gayon magagawa ko na ang unang plano ko. Ang pabagsakin si Andres Grant.
Ito lang ang possible way para mapalapit sa kaniya. Ang sabi pa naman ng investigator ko ay mailap raw si Mr. Grant makipag-usap lalo na kung hindi sa business. Kaya kailangan ko ng matinding suyuan para mapansin niya ako.
Wala pang nagre-reject sa alindog ko. Kaya imposibleng hindi niya ako mapansin lalo na at ako na ang bago niyang business partner.
Ang balita ko kasi kay Dad. May tinatayo silang bagong Hotel ni Mr. Grant. Kaya naman tamang-tama iyon dahil may pagmi-meeting-han na kami. Gusto ko rin kasing makilala siya ng personal.
Kaya naman sobra akong natutuwa ngayon at sa wakas ay mapapasa akin na ang Legacy. Good luck na lang kina Lucille at Krista. Sorry sila at ako pa rin ang nanalo kahit magsanib pwersa pa sila.