Alas dos na ng hapon. Naisipan kong puntahan si Khloe para humingi ng tulong. Hindi pa ako nakakalabas ng building nang may humarang sa harap ko. Naka-suit ito na tila isang bodyguard. "Sorry, Ma'am. But you can't go anywhere," saad niya kaya naman medyo nagtaka ako. "And who are you to stop me?" mataray na tanong ko sa kaniya. "Pinapunta po ako ni Mr. Grant para bantayan kayo," sagot niya na mas lalong nagpawindang sa akin. "Stay out of my sight!" sigaw ko at dumiretso pero mabilis niya akong hinawakan kaya naman tinulak ko siya ng malakas at tumakbo ako ng mabilis papuntang kotse ko. Nang bubuksan ko na iyon ay mabilis niya akong napigilan. "Let me go, jerk!" sigaw ko muli. Pero laking gulat ko nang matumba ang lalaki. Bumungad naman sa akin si Calvin na nag-aalala. "Are you Okay,

