Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Medyo nahirapan pa akong kumilos. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang kwarto. Hindi ko alam kung nasaan ako. Naalala ko kung ano ang nagyari bago ako mapadpad dito. Tila nagising ako ng tuluyan nang maalala iyon. Mabilis akong lumingon sa paligid. Dama ko ang pangangalay ng kamay ko na nakaposas sa kama. Kahit na napaka-imposible, sinubukan ko pa rin iyong tanggalin. " Help me!" sigaw ko. Hindi ito ang kwarto ni Andres. Hindi ko alam kung nasaan ako. Sumigaw akong muli. Hindi ako sigurado kung may makakarinig ba sa akin pero patuloy lang ako sa pagsigaw nang maya-maya ay may pumasok. Kita ko ang isang lalaki na kapapasok lang. Medyo natakot ako sa itsura niya. "Sino ka? Nasaan ako?!" sigaw ko sa kaniya. "Ma

