Nakatulala ako sa kalangitan habang dinadama ang simoy ng hangin. Hindi ko maiwasang hindi mag-aalala. Yung mga nalaman ko, pati na rin ang mapanaginipan ko. Hindi iyon basta panaginip lang. Is it a sign? O sadyang na-stress lang ako kakaisip ng mga bagay? Ang sabi ng doctor kailangan kong umiwas sa stress pero paano ko gagawin iyo kung ang stress mismo ang nalapit sa akin? Pero bigla kong naalala yung huli naming pagkikita ni PI Mark. Halos kaparehas rin ng mga sinabi ni PI Jew. Ang pinagkaiba lang, walang sinabing pangalan si PI Mark. Possible kayang iisa lang ang tinutukoy nila? Pero tama si Calvin, bakit ako maniniwala sa kaniya kung tauhan siya ni Andres? May posibilidad rin na binibilog lang niya ang ulo ko para maniwala sa kaniya. Muli kong inalala lahat ng sinabi ni PI Jew

