DOMINIQUE'S POV
Pagkarating na pagkarating ko sa kotse. Ibinaba ko agad ang mga dala kong paper bags. Sobra akong nangalay kakabuhat sa mga pinamili ko.
Nag-leave kasi ang bodyguard s***h driver ko dahil raw may sakit ang asawa niya. So, I have no choice kung hindi ang payagan siya.
Alangan namang hindi ako pumayag, buhay ng asawa niya ang nakasalalay. Hindi naman ako ganoon kasama para ipagdamot sa kaniya iyon.
Matapos kong isalansan ang mga pinamili ko, mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse ko at pumasok.
Actually, kaka-graduate ko lang ng college. I take the Business Administration. Since Im the one who will manage our businesses. So, It's better na kumuha ng naayon sa magiging future job ko.
Graduate ako, but my dad still doesn't want me to handle the company. So, para mapabilis ang paglipat ng name ko sa company, I spend all the money by shopping everyday. And whenever he scolded me, I always said that I'm bored.
He said that I'm still too young to handle the companies of ours.
Mabilis akong nakauwi ng bahay, and bumungad sa akin ang isang bruha na nakaupo sa harap ng piano.
Hindi ko mapigilang hindi mapataas ang isang kilay kong lumapit sa kaniya.
"Dom, nandiyan ka na pala. I'm just practicing playing a piano," sambit niya at ngumiti.
"I don't care, hindi ko tinatanong," mataray na sagot ko naman sa kaniya at tinarayan pa siya. Dahil ayokong masira ang araw ko, mabilis akong umakyat sa hagdan.
"Nanny, paki-dala dito yung mga pinamili ko," utos ko nang makasalubong ko ang isang maid bago ako pumasok sa kwarto ko. Mabilis naman niyang sinunod iyon.
I'm bored, kaya ayokong umuwi dito sa Pinas. Since tumira ako sa Canada for four years. It's so f*****g stressful here. Tapos bubungad pa sa akin ang feeling senyorita kong step-sister.
I hate her, dahil alam ko naman kung ano talaga ang intensyon nila ng Mom niya sa Dad ko. Walang iba kung hindi ang pera. But since Im the only daughter at kasal pa rin ang Mom ko kay Dad, wala silang makukuha kay Dad.
Ilang minuto lang ang lumipas nang tumunog ang cellphone ko at nakita ko naman doon ang name ni Mom. Agad kong sinagot ang tawag.
"Mom?" bungad na tanong ko sa kabilang linya.
"Hija, where are you? Can you come over here?" sagot naman niya.
"Why, Mom? What's wrong? Are you okay?" tanong ko naman.
"Yeah, yeah. I'm fine, I just want to see you," dugtong niya.
Inayos ko lang sandali ang mga pinamili ko bago ako lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko si Yaya kaya mabilis kong inutos sa kaniya na ayusin ang pinamili ko.
Pagbaba ko ng hagdan, prenteng nakaupo sa couch ang mag-ina. Kaya naman biglang nag-iba yung mood ko.
Nilagpasan ko lang sila habang busy sila sa kung anong bagay na nasa mesa. Palabas na sana ako nang marinig kong magsalita si Lucille.
"Dominique, aalis ka? Hindi ka ba muna kakain?" tanong niya kaya naman napataas ang kilay kong lumingon.
"No thanks," sagot ko at akmang aalis nang bigla na naman siyang nagsalita.
Bakit ba ang daldal niya? Hindi ba niya napapansin na ayoko siyang kausap? Napa-irap na lang ako at humarap.
"Pero ibinilin ng daddy mo na–"
"Can you stop meddling in my life? I will go to my Mom. So, please. Mind your own daughter's life. Not mine," mataray na sagot ko at umalis na.
Wala akong pakialam kung ano ang iisipin ng mga tao. I hate them. Kung nababastusan sila sa ugali ko, then they are free to leave.
***
"Mom, what's wrong?" tanong ko nang makarating ako sa bahay niya.
"Hija, it's nothing. I just want to see you. Kyla told me about your dad's decision. I'm just worried about you," sabi pa niya.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Yeah, I'm fine, Mom. I'm just a little annoyed by them. I didn't finish college for nothing. Then he wanted to go to college with his Mistress' daughter too? " histerikal na sagot ko kay Mom.
"Hija, patience. You need to wait until your Dad gives you the opportunity. Don't ever let that stupid to replace you as the next CEO of the Legacy, " sabi ni Mom.
"Of course, Mom. I'm not a loser like them."
"By the way, let me introduce you. My friend's son, Mr. Archer," sabi ni Mom kasunod noon ang paglabas ng isang lalaki galing sa loob. Nandito kasi kami sa labas.
Nakasuot ang lalaki ng suit habang papalapit sa amin.
"Who is he?" tanong ko pa kay Mom.
"Hija, do you know your Tita Halsey? He's the son of Halsey," pakilala pa ni Mom.
Nakalapit naman sa amin ang lalaki bago tumingin sa akin at ngumiti.
"Im Steve," pormal na pakilala niya at hinatag ang kamay sa harap ko.
"Dominique," sambit ko naman pero tiningnan ko lang ang kamay niya na nanatiling naka-abot sa akin.
Napansin niya sigurado na di ko aabutin ang kamay niya kaya mabilis niya rin iyong binawi at ngumiti.
Hindi pa man ako nakakatagal sa bahay ni Mom nang tumawag si Khloe.
"Hello," bungad ko sa kabilang linya.
"Girl! Are you busy?" tanong naman niya.
Napatingin ako kay Mom bago sumagot kay Khloe.
"Why?"
"Kim wants to talk to you," sagot niya naman.
"I'm here at my Mom's house. I will talk to her later."
"We will wait for you, bye!"
Ibinalik ko na ang cellphone sa bag ko at napatingin kay Mom.
"Who's that?" tanong niya.
"It's Khloe. Kimberly wants to talk to me," casual na sagot ko naman.
"Go, honey. You can go if you want–"
"No, Mom. That's fine. Kim and Khloe are willing to wait for me. Also, I want to spend more time with you," explain ko sa kaniya bagay na nagpangiti kay Mom.
Hindi ko na kasi siya nakaka-bonding mula nang umuwi ako ng Pinas. Nagkikita kami for dinner pero hindi gaanong nakakapag-bond.
"We are going to Pixie Dust. Do you want to join us?" tanong ni Mom. Tumango na lang ako.
Pixie Dust, the famous fashion brand that Mom's owned. If my Dad has Hotel and Restaurants Business, my Mom has her own fashion brand. For sure, Kim and Khloe will wait for me in Houte Couture.
BUSY kami ni Mom na nag-iikot dito sa planta ng Pixie Dust nang tumunog na naman ang cellphone ko. Napatingin si Mom sa akin at ngumiti at sumenyas na sagutin ko ang call.
Nakita ko ang pangalan ng assistant ni Dad na si Moira. Bakit ba panay ang tawag nila sa akin ngayon araw? Kung kailan kasama ko si Mom.
"It's okay, honey. Just answer it,"nakangiting sambit ni Mom.
"Sorry, Mom Excuse me," ani ko bago ako lumabas at sinagot ang tawag ni Moira.
"Ma'am Dom, pasensya na po pero yung Dad niyo po kasi pinatatawag kayo sa office niya," sambit ni Moira na ikinagulat ko.
"Bakit daw? About what?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko po alam, Ma'am. Nakita ko lang pong galing dito si Ma'am Lucille at Krista kanina," paliwanag niya kaya naman napapikit na lang ang mata ko .
Kahit kailan talaga sakit sa ulo ang mga hampas lupang mag-ina na iyon!
"Okay, noted," sagot ko bgao ko pinatay ang tawag. Papasok na sana ako nang makitang nandoon si Mom sa labas habang hinihintay ako.
"Are you okay, Hija? " tanong niya sa akin.
"Yes, Mom. Pinatatawag ako ni Dad. For sure nagsumbong ang dalawang impaktang iyon!" naiinis pa na sambit ko.
"Hey, relax. Just go with the flow, honey. Always remember that you need to get closer to your dad."
"I know, Mom." Dahil sa nangyari, maaga akong nagpaalam kay Mom dahil baka imbes na magbago ang isip ni Dad na ibigay sa akin ang business ay mawala pa na parang bula dahil sa mag-inang iyon.