HTH 2

1232 Words
DOMINIQUE'S POV "Pinapapatawag mo raw ako, Dad?" bungad ko nang makarating ako sa office ni Dad. "Yeah, have a seat," utos niya kaya naman umupo ako sa isang upuan sa tapat ng table niya. "What's wrong?" tanong ko naman sa kaniya. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim bago tiniklop ang laptop niya. "Nakarating sa akin ang pambabastos mo sa Tita Lucille mo," panimula niya. Hindi pa man siya nagsasalita ay alam ko na ang dahilan noon. "I do nothing. I'm just saying that she should mind her own daughter's life not mine. What's wrong with that?" depensa ko naman. "How many times do I tell you that you need to respect her as your second mom? Respect her as you respect me," sagot niya kaya naman mabilis akong umalma. "No, Dad. Never! I have my own Mom. She will never be my Mom. She is just your mistress, and she can't ever replace my Mom. So, Dad. Please, stop pushing me to like her, because that will never happen," mahabang lintanya ko. Bakit ba palagi niyang sinasabi na second Mom ko ang babaeng iyon? Kailan man hindi ko siya itinuring na ina. "Dominique, Hija. I know what your point is. But my point is, please respect her. I will not push you to like her, but please," sagot naman ni Dad. Huminga ako ng malalim. "Respect? Dad, did she respect my Mom? I know that you love each other, but it doesn't mean that she can do whatever she wants. She ruined my family!" inis na sagot ko. Hindi ko na nagawang pigilan pa ang sarili ko. Nakita ko lang na seryoso ang bawat tingin ni Dad sa akin. Basta kapag dating sa babae niya, hindi ko kayang magtimpi. Lalo na at nasira ang pamilya ko nang dahil sa babaeng iyon. "That's enough!" sambit ni Dad bago siya tumayo. "I thought you were changed. But you look like it's getting worse. And I'm seeing that you can't handle the Legacy yet, " dagdag niya. Tinitigan ko siya nang hindi makapaniwala. "Seriously, Dad? If I'm not ready yet, then who is? Your mistress's daughter? " hindi makapaniwalang sagot ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng seryoso bago siya nagsalita. "Based on her action? I think yes, it's her," prenteng sagot niya dahilan para mas lalo akong maloka. "Wait, wait. Are you f*****g serious right now, Dad? Are you choosing her more than your own daughter?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Hija, is not like that. I'm just saying that you need to be matured if you really want to be the next CEO of Legacy." Hindi ko na inintindi ang sinabi niya. It's very clear that he chose his mistress's daughter more than me. And that's enough. "Okay," sagot ko at tumayo na. Naglakad ako palabas nang magsalita siya. "Dominique, I'm not done talking to you–" "For what, Dad? It's clear to me that you prefer that girl to handle your business over your own daughter," seryosong sagot ko sa kaniya. "I told you, it's not what I mean–" "Dad, stop. You don't need to explain because I'm not stupid not to understand what you are saying. If you want her to handle it, then go ahead," seryosong sambit ko bago ako naglakad palabas ng office niya. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa. "Good afternoon, Ma'am Dom," bati ng mga staff at dahil wala ako sa mood naglakad lang ako at nilagpasan sila. Hindi ko obligasyon na batiin sila. Since hindi rin naman ako ang magiging CEO dito, hindi rin na nila ako makikita pa. Nakarating ako sa parking lot at papasok na ako ng kotse nang may dumating sa kinaroroonan ko. Nakataas nag kilay kong nakatingin sa kaniya. Si Lucille. "Hija, kanina ka pa hinahanap ng Dad mo–" "Pwede ba? Tigilan mo ako? Wala ako sa mood makipag-plastikan sa iyo. Isaksak niyo sa baga niyo yang pera ng dad ko! Tutal mga gold digger naman kayo!" sigaw ko sa kaniya bago ako pumasok sa loob ng kotse ko at nag-drive paalis. Inis na inis talaga ako. Nakarating ako sa Houte Couture nang hindi naalis ang inis ko. Huminga pa ako ng malalim ng ilang beses para pakalmahin ang sarili ko. Ayoko namang madamay sila sa asar ko. It's unprofessional. Nang medyo kumalma ay pumasok na ako sa loob. Binati ako ng mga staff nila. Nasa office raw si Kim at Khloe kaya nmaan dumiretso na ako doon. Pagpasok ko ay bumungad sa akin yung dalawa na seryosong nag-uusap. "Hey, Dom!" bati ni Kim. Si Koko naman nakatingin lang na tila nagtataka. "Sorry, may pinuntahan lang ako," sabi ko sa kanila at umupo. "No, that's fine. Im just want to give you this. That's invitation for Houte Couture anniversary," sabi niya kaya naman ngumiti na lang ako at sinilip iyon. "By the way, since you are already here. I want to offer you this, you are the one who I see that really fit in this job." Kim handed me a folder. Nang buksan ko iyon ay bumungad sa akin ang isang offer. "Are you offering me to be the Houte Couture model in your anniversary special?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Yes, Khloe told me that you are free for doing this job," sabi niya pa kaya napatingin ako kay Koko na nakangiti. "But Im not a model," sagot ko sa kaniya. "You can learn it, Dom. Don't worry, you were going to your rehearsal," nakangiting sagot pa ni Kim sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. This is an opportunity that I can't reject. Napangiti na lang ako at ipinasok sa loob ang papel. Pag-iisipan ko muna. Since binigyan naman ako ni Kim ng time to think about it. Nagmeryenda lang kami habang nagkwentuhan. Kim is so everyone professional. Actually, I idolize her for being an awesome CEO. "By the way, I have a question for you, Kim." sambit ko Natigilan naman siya at lumingon sa akin. "Go ahead, what is it?" "How to be a great CEO?" Tila nagulat siya sa tanong ko gaya ni Koko.Pero bigla rin siyang napangiti. "For me, you need to set aside your personal issues. Just focus on your company's goal. Solved immediately the problems and just enjoy handling it," sagot niya. Napatango naman ako. "Don't worry, I know for sure, you will be the great CEO as well," nakangiting dagdag niya. "I hope too, thank you." Natapos ang pag-uusap namin. Kasabay ko si Koko sa elevator dahil may meeting rin raw siya sa isang modeling agency. "What's up?" bungad na tanong niya kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Seriously? Kaninapa tayo magkasama tapos magtatanong ka ng what's up?" natatawang tanong ko sa kaniya. "No, I mean. What happened?" Huminga lang ako ng malalim at akmang magsasalita nang bumukas ang pinto ng elevator. "Maybe I will tell you later. I just need to refresh my mind," sagot ko sa kaniya. "Hey, Dom! Ang daya mo naman! Basta promise me that you will tell me later, ha?" sabi niya pa kaya naman napatango na lang ako bago kami lumabas ng elevator. Naghiwalay kami dahil nasa dulo naka-park ang kotse ko. I think I need to refresh and relax para mawala ang inis na nararamdaman ko. And I knew one place na makakapagtanggal noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD