HTH 12

1694 Words
Kumikinang ang mga mata ni Koko habang nakatingin sa salamin. Nandito kami sa loob ng salon. Katatapos lang ayusan kaya naman nagpaalam na kami sa staff. Matapos naming mamili ay agad naman kaming pumunta kotse. Dahil sobrang nakakapagod ang araw na to. Wala ring special na nangyari. Kaya minabuti na naming umuwi ni Khloe. "Gosh! Kakatapos ko lang magpaganda, ayokong ma-stress, Kim!" naiinis na sambit niya habang kausap si Kim sa phone. Ibinaba naman niya iyon at nag-focus sa daan. "What's wrong?" tanong ko. "As usual, nothing is new. A client." Ibinaba niya ang phone niya at tumingin na lang sa harap. "Wait, how about you? Never kita nakitang na-stress sa Legacy." Hindi ako kumibo. Actually, wala pa akong na-encounter na problem ever since na pumasok ako as CEO. Nandiyan rin si Moira na siyang tumutulong sa akin sa lahat. She's almost ten years na sa Legacy. Kaya gamay na gamay na niya ang lahat. Hindi namin namalayan nandito na pala ako sa bahay. Tinulungan ako ng driver ni Koko sa mga dala kong shopping bags. Mabuti na lang at sinalubong kami ng maid at kinuha niya lahat ng mga pinalimili ko. Nagpaalam na ako kay Koko bago pumasok ng bahay. Hindi pa ako nakakapasok ng bahay nang may bumungad sa aking impakta. Wala akong balak batiin or tignan siya pero sadyang uhaw siya sa atensyon ko. "Wow, mukhang pagod na pagod ka sa pag-shopping, sis!" Nagpanting ang tainga ko nang marinig ang huling sinabi niya. Sis? She is not my sister! "At sinong may sabi sayo na may karapatan kang tawagin akong sis?" mataray na tanong ko habang nakataas pa ang isang kilay. Ngumiti naman siya na tila nang-asar pa. May hawak pa siyang ballpen bago nilaro iyon sa kamay niya. "Masyado naman atang mainit ang ulo mo? Wala bang aircon sa mall na pinuntahan mo at ganiyan kainit ang ulo mo?" sarkastiko na sabi niya kaya mas lalong kumulo ang dugo ko. Bakit ko ba pinapansin pa ang walang kwentang tao na to? Akmang aalis na ko nang magsalita siya. "O baka naman masyado ka sigurong na-stress sa Legacy kaya nag-unwind ka? Just tell it to Tito Damien if hindi mo nakayang i-handle ang Legacy," sambit niya. Hindi ko na nakontrol ang sarili ko at nilingon ko na siya. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Pinaglalaruan pa rin niya ang walang kwentang ballpen sa kamay niya. "No thanks, I can handle it. Kung may problema man sa Legacy, for sure ika yon," sagot ko sa kaniya. Ngumiti pa ko ng matamis para lalo siyang maasar pero nagulat ako nang ngumiti rin siya. "So, do you mean, napapayag mo si Mr. Sy na mag-stay sa Legacy?" Unti-unting nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. "Ano bang pinagsasasabi mo?" Seryosong sambit ko. Nababaliw na talaga siya! "Oh, you mean hindi mo pa alam? I thought Moira already told you about the pulling out the shares?" Tila nagulat siya sa sinabi niya at umarte pang nagtataka. "You know what? Masyado kang pabibo!" inis na tugon ko at akmang aalis na pero nagsalita siyang muli. "Mr. Sy pulled out his shares on Legacy. As the CEO, bakit hindi mo alam ang tungkol don? O sadyang wala ka lang pakialam?" mahabang explain niya. Natigilan ako. Hindi ko ito alam. Mabilis kong kinuha ang phone kon at napapikit na lamang ako nang maalalang pinatay ko iyon kanina. Pag-open ko ay bumungad sa akin ang sandamakmak na calls galing kay Moira. "See? Mukhang na-busy ka ata sa pag-shopping mo kaya hindi mo alam ang tungkol dito?" Tumawa siya bagay na ikina-inis ko. "Shut up!" sigaw ko at mabilis na nilayasan siya. Umakyat ako sa kwarto at muling kinontk si Moira. "Ma'am Dom. Nag-pull out po si Mr. Sy ng shares niya sa company!" Iyan ang bumungad sa akin kaya naman huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Kontakin mo ang secretary ni Mr. Sy. Sabihin mo mag-set ng appointment tomorrow. Kailangan natin siyang makausap," sambit ko pa. Mabilis naman niyang ginawa. Relax, Dominique. Kagagaling ko lang sa salon para mawala ang mga stress ko pero meron pa ulit. For sure malalaman na to ni Dad dahil sa impaktang yon. Kilangan ko tong malusutan bago pa malaman ni Dad. *** "Ma'am nakapag-set na po ng appointment kay Mr. Sy pero by Tuesday po ang available niya," natatarantang sabi ni Moira nang makapasok ako sa loob ng office. "Just prepare all the documents." Inilapag ko ang bag at kape ko bago ako umupo sa swivel chair. "You have an appointment at 9 o'clock with Mrs. Lopez and at 1 pm with Mr. Ford-" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang magsalita ako. "Cancel the last one," sambit ko.Nagtaka naman si Moira sa sinabi ko. "But Ma'am pang limang appointment na po ito ni Mr. Ford." "Just cancel it sabihin mong busy ako, I don't want to talk to him," casual na sagot ko habang busy sa computer ko. "Mr. Grant also set an appointment at 6pm." Natigilan ako sa sinabi niya. So, Andres wants to see me? "At the royal orbit Restaurant," pagpapatuloy niya pa. Hindi na ako sumagot at nag-focus na lang ako sa laptop ko. Ang dami kong kailangan asikasuhin. Masyado ata ako naging busy kay Andres kaya napabayaan ko na ang Legacy. Hindi ako pwedeng magkamali dito dahil alam kong nakabantay ang mag-inang impakta na yon sa buhay ko. Busy ako sa ginagawa ko nang may kumatok mula sa pinto. "May may bisita po kayo-" "I told you, I'm busy right now. Huwag ka munang tumanggap ng visitors!" sigaw ko. Masyado na akong nape-pressure. Bumaba ang sales namin dahil hindi pa nakakapag-decide ang isang client kung magtatayo pa ba siya ng malls sa lupa namin. "Mukhang busy ka." Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses ni Mom. "Mom? Ikaw pala bkit hindi mo sinabi na pupunta ka?" Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. "No, aalis na rin ako. Just do it first. Alam kong kailangan mo to. Hindi mo pwedeng pabayaan ang company," sagot naman niya. "I heard the news, and I'm here to support you, Honey," nakangiting dugtong niya. "Thank you, Mom, I'm so sorry talaga. Next time, tatapusin ko lang po ito," nakangiting tugon ko naman ngumiti lang siya bago ako hinalikan sa pisngi at nagpaalam na. Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa stress na nararamdaman ko. Ilang beses pa ako huminga ng malalim bago ko tinapos ang lahat ng ginagawa ko. May meeting pa ko kay Mrs. Lopez. Isa sa pinakamayamang businesswoman sa bansa. As the CEO, gusto niya akong makausap ng personal para sa building na itatayo sa century park. We have a lot of excellent agenct here. Kaya nakukuha nila ang tiwala ng mga mayayamang katulad nito. Sobrang nakaka-stress pala ang maging CEO. Kung hindi lang dahil kay Andres hindi ko pa gugustuhing ma-stress ng ganito. I need to do this for my bestfriend. Isang malalim na paghinga na lang ang ginawa ko bago ako sumandal sa swivel chair at ipinikit sandali ang mata ko. *** The polished mahogany desk gleamed under the soft light, reflecting the city's building expanse visible through the floor-to-ceiling windows. I lean back on my chair, the expensive leather creaking softly under my weight. Sa tapat ko si Mrs. Lopez. isang babaeng edad ay nakaukit hindi sa mga kulubot kundi sa tahimik na kumpiyansa ng kanyang tindig, ay maingat na sinusuri ang prospectus ng ari-arian. Ang hangin ay puno ng di-binibigkas na tensyon, ang amoy ng mamahaling kape ang siyang nagpapawala sa stress ko. " The Century Heights property, Mrs. Lopez, represents more than just bricks and mortar. It's a strategic investment, a gateway to significant returns." Itinuro ko naman ang isang bahagi ng prospectus. "As you can see, the 97% occupancy rate, with a weighted average lease term of 5.2 years, is significantly above the market average. This translates to a robust and predictable cash flow, even considering the current economic climate." Ngunit nanatiling di-naapektuhan si Mrs. Lopez. Ang kanyang titig, matalas at di-natitinag, ay nanatili sa dokumento. "At ang tenant mix?" tanong niya, kalmado ang kanyang boses ngunit matatag. "The prospectus mentions Meridian as an anchor tenant. What's the breakdown of the remaining tenants? What industries are represented?" Napatango ako at tiningnan siya ng kalmado. Inaasahan ko na ang tanong na ito. Kaya kampante ako na maayos at sumagot. "Meridian occupies 40% of the building, a significant portion, yes. However, we have a diverse mix of tenants. We have a strong representation from the financial sector, about 25%, with several reputable firms. Another 20% is occupied by legal and consulting firms, and the remaining 15% is a mix of smaller businesses, providing a balanced and resilient tenant base." Si Ginang Lopez ay dahan-dahang tumango bago siya nagsalita "What about the building's infrastructure? The prospectus mentions recent upgrades. Can you elaborate?" "Certainly," sagot ko. Umayos ako ng upo. "We've recently completed a comprehensive upgrade of the HVAC system, improving energy efficiency by 18%. We've also upgraded the security systems, installing state-of-the-art surveillance and access control. And as you can see here." Itinuro ko ang isa pang bahagi ng prospectus. "We've invested significantly in improving the common areas, creating a modern and inviting workspace." Si Ginang Lopez ay kumatok ng daliri sa pahina na nagdedetalye sa seismic resilience ng gusali. "This report mentions exceeding building codes. Can you provide further details on the specific technologies implemented?" I inticipating this level of scrutiny, smoothly provided a detailed explanation of the building's seismic dampening technology, the rigorous testing conducted, and the independent verification of its effectiveness. Maayos akong lumipat sa talakayan ng mga sustainable features ng gusali, na binibigyang-diin ang LEED certification nito at ang energy-efficient design nito. Nagpatuloy ang pag-uusap namin. The conversation continued, a sophisticated dance of information exchange. Ang bawat tanong at sagot ay nagpapakita ng lalim ng aming kaalaman at ng pag-unawa sa mga detalye ng negosyo. Natapos ang pag-uusap namin nang maayos. Nagpaalam na si Mrs. Lopez. Nakangiti ako habang tinatanaw siya palabas ng meeting room. Kailangan kong maghada meeting ko kay Mr. Sy. For sure hinihintay na rin ang mga paliwanag ko kung bakit bumaba ang sales.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD