Prenteng nakaupo si Khloe sa sofa ng office ko. Pinapanood niya ko habang nag-iisip sa mga sinabi ni Mom kanina.
"So pinatawag mo ko para panoorin kang tumulala diyan?" tanong ni Koko sa akin.
"Can you stop just for now? I can't think!" Naiinis ako. Hindi ako makapag-decide. "About thanksgiving dinner later?" Nanlaki ang mata kobg napatingin kay Koko.
"How did you know about that?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at umayos ng upo.
"I heard it from your dad," casual na sagot niya. Huminga ako ng malalim bago muling ibinaling ang tingin sa iba.
"Come on, Dom. This isn't the first time. It's just a thanksgiving," sabi niya pa kaya naman tumingin ako sa kaniya.
"Andres is invited." Nakita kong hindi siya nagulat kaya naman tinignan ko siya ng nagtataka. Nakataas ang kilay ko habang nakatingin lang sa kaniya.
"I told you I heard your dad talking to Mr. Grant," paliwanag niya kaya naman napa-irap na lang ako ng wala sa oras.
"So what's your plan?" Hindi ako umimik nanatili akong nag-iisip habang hawak pa rin ang ballpen na kanina pa nasa kamay ko.
"What's bothering you? You should go on thanksgiving!" Nanatili akong walang reaction. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"A wench mother and her daughter," sagot ko habang nanggigil pa. Ayoko silang makita. Kaya nga mas malimit akong umuwi sa bahay dahil sa mag inang bruhang yon.
"Dom, think about it. This is your chance na mapalapit kay Mr. Grant. Don't let someone ruin it."
She has a point. Seryoso lang akong nakatingin kay Koko. "I think, I need to prepare for dinner," nakangiting saad ko bahay na ikinangiti na rin ni Koko.
"That's my girl!"
***
The aroma of roasted turkey and pumpkin pie hung heavy in the air, a stark contrast to the tension simmering between me and Andres.
We sat across from each other. Seryoso ang bawat isa habang busy silang nagkwe-kwentuhan ni Dad. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Andres hanggang sa magtama ang mga mata namin. Tila napalunok siya ng basain ko ang mga labi ko gamit ang dila ko.
Kumuha ako ng cherry sa mesa at kinain iyon habang nakatingin si Andres. Muling nagsalita si Dad dahilan para malipat sa kaniya ang atensyon ni Andres.
Nakakainis!
"So, you are the greatest Andres Grant? O my god!" Tila kinikilig na sabat ng impakta bagay na ikinalingon ko.
"I think, I fall," dugtong pa ng impaktang si Krista. Nqapangiti naman si Andres kaya mas lalo akong nainis.
"Can you stop? Nakakahiya kay Mr. Grant kung ganiyan ka." Hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita. Para namang nahiya siya bago tumingin sa akin ng masama.
"What's wrong? Sino bang hindi mahuhulog sa kaniya? Mr. Grant is so awesome!" Napataas ang kilay ko. Ang kapal niya sumagot sa akin!
"Thank you, pero you don't need to fight," sagot ni Andres bago tumingin sa akin. Tiningnan ko lang siya bago ako kumain ng tahimik.
"Im Krista, By the way. Nice to meet you, Mr Grant!" Kinikilig pa rin itong nakatingin kay Andres. Nakakabwesit! Bakit ba kasi nandito tong mag-ina na to?
"You're also beautiful, Miss Agape—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang magsalita ako.
"Stop calling her Ms. Agape. Hindi ko siya kapatid," mataray na sambit ko bagay na ikinagalit ni Dad.
"Dominique!" pagsaway niya kaya naman peke akong tumawa at tiningnan si Dad.
"Why? Dad? I'm saying the truth, She is not my sister." Matapos kong sabihin iyon ay umikot ang mata ko kay Krista.
"I said enough! This is Thanksgiving dinner! You should respect each other. I'm so sorry, Mr. Grant," paghingi niya ng sorry kay Andres. Napangiti naman si Andres.
"That's fine, Mr. Agape."
Nakita ko ang masasamang tingin ni Dad sa akin kaya naman napatingin ako sa impaktang si Krista na nakangiti ng pasimple habang kumakain.
"Excuse me, nawalan na ko ng gana kumain," sabi ko at umalis na. Narinig ko ang pagtawag ni Dad pero hindi na ako lumingon pa. Magsama sila!
Nasira na ang plano ko! Nang dahil sa babaeng impakta na yun! Humanda ka sa akin!
Inis akong pumasok ng kwarto. Ini-lock ko iyon para walang makapasok pa. Ayokong marinig na kahit sinong kakatok dito. Ayoko sila makita lahat!
Yung ngiti ni Andres! nakakainis siya! Bakit ba parang gustong-gusto niya pa yung impakta na yon na purihin siya?
Ilang oras ang lumipas nang maisipan kong pumunta kusina para kumuha ng wine. Ayoko sa lahat yung napepeste ako. Hindi tuloy ako makatulog. Madilim na ang kusina kaya naman alam kong tulog na sila.
Pagpasok ko ng kusina mabilis akong pumuntang fridge para kuhain ang wine. Nang ibalik ko na iyon ay halos tumalon ang puso ko sa kaba nang mapansin kong may tao sa pinto.
"Hindi ka makatulog?" tanong niya kaya naman mas lalo akong nagulat nang marinig ang boses ni Andres.
"Why are you still here?" tanong ko habang naguguluhang tumingin sa kaniya kahit na madilim sa kusina.
"Your dad wants me to stay," sambit niya kaya naman napangiti ako. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong lumalapit sa kaniya.
Habang hawak ko pa rin ang wine glass sa kaliwang kamay ko. I'm wearing my blazer pero bukas iyon sa gitna. Kaya makikita pa rin ang kasexy-han ng katawan ko.
"Bakit ka naman pina-stay ni Dad?" nagtatakang tanong ko. Naamoy ko naman ang alak na mula sa bibig niya.
"Masyadong mapilit si Mr. Agape. He said na magpalipas na ko dito ng gabi," sambit niya kaya napatango na lang ako at inilapag ang baso sa mesa. Tinignan ko siya ng malagkit.
Kita ko namang dumapo ang tingin niya sa mga dibdib ko. Kaya napangiti ako. "Do you like it?" tanong ko bagay na ikinagulat niya. Napalunok naman siya.
Ngumiti ako at umatras ng kaunti. "I mean, the wine,"natatawang saad ko pero hindi ko pinahalata sa kaniya.
"No, thanks," nauutal pa niyang sabi bago siya umiwas ng tingin. "Okay, sayang at di ako nakasabay sa pagkain kanina. Masyado kasing uminit ang ulo ko sa impaktang yon," paliwanag ko sa kaniya.
Napatango siya bago lumakad palabas ng kusina. Sinundan ko naman siya.
"Mukhang hindi kayo magkasundo." Hindi na ako sumagot pa dahil alam ko namang alam na niya iyon.
Nagtataka lang ako sa kinikilos niya dahil sa harap ng maraming tao napaka-cold niya at parang di siya makabasag-pinggan pero ngayon , nakikipag-usap siya sa akin na para kaming close sa isa't-isa.
Maya-maya pa ay tumunog ang phone niya. Nagpaalam naman siyang sasagutin niya yun kaya napatango lang ako.
"Yes, I still have an appointment with Mr. Agape. Okay... See you tomorrow, I love you," sagot niya mula sa cellphone niya.
Nag-init naman ang ulo ko ng marinig yon. Bakit ba ko nagkakaganito? Kanina nung hinaharot siya ng impaktang kong step sister naiinis rin ako. Ngayon na narinig ko kung paano siya mag- I love you sa higad na Isabelle na yun nag-iinit ang ulo ko.
Ano bang problema sa akin? Muli ko siyang tiningnan . Busy pa rin siya sa cellphone niya kaya naman napa-irap na lang ako ng mata bago ako umakyat papuntang kwarto.
Bahala na siya kung hanapin niya ko o hindi. I need to focus on what I planned. Siya ang taong pumatay sa Bestfriend ko! Kailangan niyang managot!
Huminga ako ng malalim at ininom ang natitirang wine sa baso.