Nagising ako sa pagtunog ng cellphone ko. Mabilis ko naman iyong sinagot. Medyo inaantok pa ako kaya nakapikit pa ako habang nasa tainga ko ang cellphone. "Hello?" tanong ko sa kabilang linya. Dama ko ang lamig ng aircon sa kwarto. Kaya naman mas lalo ko panh sinuksok ang katawan ko kay Andres. Wala akong kahit na anong saplot sa katawan. "Where are you?" Tila nagising ako sa boses ni Dad. Mabilis akong bumangon. "You didn't go home last night, where did you sleep?" tanong muli niya "I'm in Khloe's unit, Dad," pagsisinungaling ko pa habang dali-daling nagbibihis. "Let's meet at the Legacy," casual na sambit ni Dad bago ibinaba ang tawag. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Ano na namang nangyari at ganon naa lang siya kaseryoso? Tulog pa rin si Andres kaya naman hindi ko na siya

