Days passed Pauwi na ko ng bahay galing sa mall. Kasama ko si Koko kumain at makipagchismis sa mga bagay na makakatulong sa akin. Pagpasok ko walang tao sa sala kaya naman nakapaglakad na ako papunta sa kwarto nang may sumalubong sa aking impakta. Nakangiti si Krista habang papaunta sa akin. Hindi ko sana siya papasin pero mabilis siyang nagsalita. "Mukhang ginabi ka na ata ng uwi, sis?" tanong niya. Bakit ba sa laki ng bahay namin nagkakasalubong pa kami ng babaeng to? "Bored ka na ba talaga sa buhay mo at pati pagbantay sa buhay ko papakialaman mo?" iritadong tanong ko. Bawat kilos lagi siyang nakabantay. Nakakasuka siya makita at makausap. "Bat ba palaging mainit ang ulo mo sa tuwing tatanungin?" nagtatakang tanong niya. At talagang tinanong pa niya ang bagay na yan. Natawa ako n

