Kinabukasan nang maaga na nakabalik si Miguel sa office ng kanyang uncle ang dami kasi nilang ginawa sa klase kahapon, kaya hindi na siya nakabalik, pero hindi naging maayos ang kaniyang pagtulog, dahil hindi maalis sa kaniyang isip ang dalaga, pagdating niya sa unibersidad dali-dali siyang pumaroon muli sa office ng kaniyang uncle, upang muli niyang masilayan ang dalaga. Excited siya sa pagpasok, ngunit bago pa siya makapasok sa loob, narinig na niya ang boses ni Pinky kayo lalo siyang nagmadali at sa pag-bukas niya ng pinto nakita niya na si Robert pala ang kausap ng dalaga, nakaramdam siya ng kaunting selos na hindi niya kayang ipaliwanag sa sarili alam niya na wala siyang Karapatan pero hindi mawaglit sa kaniyang isipan lalo na si Robert ang kausap ng dalaga, kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya, baka maunahan siya ni Robert, sa mga oras na iyon, kaya ang ginawa niya pumasok siya sa mismong office ng kaniyang uncle at pinakiramdaman niya ang kanilang usapan, and the he found out na, tungkol pala sa Ojt ni Pinky ang kanilang pina-uusapan, kung ano ang mga possible at puwede niyang gawin sa office ng President. Nakalipas ang ilang minuto doon palang napansin ni Robert si Miguel.
“Hi Miguel good morning pre! Pasensiya na’t ngayon lang kita napansin”
“Good morning din pre okay lang iyon! Mayroon kayong pinag-uusapang dalawa kaya hindi na ako sumingit sa usapan ninyo”, Miguel’s reply.
At doon na nga formal na pinakilala ni Robert si Pinky kay Miguel!
“Pre si Pinky pala! Ojt siya dito”
“Hi Pinky, I’m Miguel”
“Yes, I know you, binanggit ka sa akin ni ma’am Grace kahapon, noong nasalubong ka namin papalabas, uncle mo pala si President.” Tanong ni Pinky.
“Yes, I am, uncle ko si President, bunsong kapatid siya ng daddy ko” Miguel’s reply
“Mabuti at dito ka nag-ojt sa University” tanong ni Miguel
“Ah dito kasi ang recommendation sa amin ng school, isa ako sa limang napili na dito mag-ojt, ang iba kasi medyo kabado sila na dito mag-ojt”
“Bakit naman?” tanong ulit ni Miguel
Sasagot na dapat si Pinky ng biglang dumating si President, na uncle ni Miguel
“Miguel, good you're here, come to my office later okay after lunch, I have something to say about your ojt.” President instructed to Miguel
“Yes, uncle I will” Miguel’s reply to the president
Kasunod naman ni President na pumasok sina Ma’am Grace ang secretary at Joice ang clerk sa office ni President, close sila ni Miguel kaya nagagawa nilang biruin si Miguel.
“Oh, ma’am Grace looks who’s here, it looks like Miguel will visit the office often today even if there is no need, what do you think ma’am Grace” biro ni Joice
“Hmmm, why is it? what is the reason kaya? I mean who is the reason? dati three times a week lang makadalaw dito, marahil ngayon every hour, hahaha” (pang-aasar naman ni Ma’am Grace).
Habang binibiro ng dalawa si Miguel about kay Pinky, kakaiba naman ang reaction ni Robert, hindi maipinta ang kaniyang mukha sa sobrang asar sa mga naririnig. Lalo siyang naaasar kay Miguel, at ngayon palang ay nagiisip na si siya kung papaano siya mapapalapit sa dalaga, sa isip noon ni Robert! Napaka ganda ni Pinky, impossible na hindi siya magkagusto dito, nasa-isip niya na kailangan niyang maunahan si Miguel sa panliligaw kay Pinky. Si Pinky naman ay nakangiti lang at nakikiramdam lang sa mga nangyayari, si Miguel naman ay casual lang ang mga kilos, hindi niya pinahalata ang pagkagusto niya sa dalaga. Kaya naisipan niyang magpaalam muna dahil siya ay papasok pa sa klase.
“Bye guys, Hi Pinky nice to meet you again”
Ngiti nalang ang naging reply ng dalaga sa kaniya, maaga ang klase ni Miguel mula 8am hanggang 2pm, at 3pm hanggang 4pm naman kung mag-practice siya ng basketball, pero graduating na nga siya kaya hindi na siya required na mag-practice ng madalas pero very active at hands on pa siya sa pag-monitor ng mga bagong recruit. Lumipas ang mga oras, bumalik si Miguel sa office ng uncle niya upang pag-usapan ang tungkol sa kaniyang ojt, ngunit hindi niya naabutan si Pinky sa oras na iyon, magkakasamang kumain sina Ma’am Grace, Joice at Robert, nanghinayang si Miguel sa pagkakataong iyon, pero naisip na lamang niya na aayain na kumain ng dinner ang tatlong babae, strategy ni Miguel na isama ang dalawa para hindi mailang si Pinky. Sa pagkakataong iyon ay hindi nila makakasama si Robert dahil; 3pm hanggang 7pm ang pasok nito. Mag-aalasingko nang hapon ng bumalik si Miguel sa President’s Office.
“Paauwi na kayo” tanong ni Miguel kina Joice
“Oo, lalabas kami nina Pinky ngayon, pa welcome dinner namin kay Pinky.” sagot ni Ma’am Grace
Natuwa naman si Miguel sa kaniyang narinig dahil, umaayon sa plano niya ang buong pangyayari.
“Talaga! Baka puwede akong sumama? Ako nang bahala sa lahat, treat ko na, wala din naman akong gagawin ngayon eh” Tanong ni Miguel
Nagkatinginan sina ma’am Grace at Joice tungkol sa kanilang narinig, nagulat sila dahil si Miguel mismo ang nag-aya sa kanila, kaya hindi na sila nagdalawang-isip pa at kaagad ay pumayag, first time na ginawa ni Miguel iyon kasi kadalasan sila ang nag-aaya kay Miguel, natuwa sila dahil hindi lang ito libre at alam kasi nila na napakagalante ni Miguel kapag sila ay lumalabas lalo na sa ganoong pagkakataon na kasama nila si Pinky, kaya nagbulungan sila na palagi nilang isasama si Pinky, para hindi sila mahirapan kay Miguel, narinig ni Pinky ang kanilang usapan. Kaya hiyang-hiya naman si Pinky kay Miguel, mabuti nalang hindi ito narinig ng binta. kahit nahihiya siya wala siyang magawa, ayaw naman kasi niya na mapahiya ang binata.