Ang Masayang Tagpo
Araw ng lunes noon pumasok ng mas-maaga sa alas otso sa unibersidad si Miguel, kaya naiisipan niyang i-park ang kaniyang sasakyan sa parking lot sa harap ng unibersidad ginagawa niya ito kapag maaga siyang pumapasok, upang makapag lakad-lakad narin. Wala pang masyadong tao sa oras na iyon around 7:10am palang ng umaga ng siya’y dumating, mga bantay sa gate ang unang bumati sa kanya ng magandang umaga.
“Good morning boss Miguel”
“Good morning po sa inyong lahat!” ang reply ni Miguel
Hindi pa siya masayadung nakakapasok noon, biglang mayroong pumukaw sa kaniyang attention sa hindi kalayuan sa kinaroroon niya, natanaw niya ang isang dalaga na tila ba ngayon lang niya ito nakita, bagamat ito’y nakatalikod sa tingin niya ang dalagang ito’y maganda sa tindig at porma palang winner na sa dating, slender ang pangangatawan, mahaba ang buhok at sa palagay niya mga 5’7 to 5’8 ang taas at hindi nalalayo sa height nya na 5’10”.
Ito ang ideal woman ko sa isip ni Miguel, natulala siya ng biglang lumingon ang dalaga. Wow ang ganda! tugon niya sa sarili, at doon niya na confirm na napakaganda pala talaga ng dalaga, napahinto si Miguel ng bahagya, biglang kabog ang kaniyang dibdib, hindi niya maipaliwanag ang kaniyang naramdaman sa mga oras na iyon.
Ito na talaga! ang tugon muli niya sa kanyang sarili, gusto niyang habulin para makipagkilala sa dalaga ngunit sa unang pagkakataon siya’y nagdadalawang isip, at baka mapreskohan pa sa kaniya, kaya’t nag-isip siya ng pamamaraan, papalayo na ang dalaga sa kanya, kaya lalo siyang hindi mapakali at tila baga naghahanap ng pagkakataon, gusto talaga niya na makikilala ang dalaga, bahala na ang tugon niya, kaya hinabol niya ngunit nang malapit na siya sa dalaga para mikipagkilala, merong isang tinig ng isang babae sa kaniyang bandang likuran, na parang tinatawag ang dalaga sa kaniyang pangalan. “Pinky hintayin mo ako” kaya biglang lumingon ulit ang dalaga sakto naman sa oras na iyon sa kaniyang mukha at nakangiti sa mayharapan niya, kaya lalo siyang kinabahan at nanlamig ang buo niyang katawan sa hindi malamang kadahilanan. Classmates ni Pinky sa isang pampublikong kolehiyo, at kapwa sila pinadala ng kaniulang school para mag-OJT. Napanginti si Miguel at hiyang-hiya sa sarili at napakamot sa kanyang ulo habang naglalakad.
“Hindi na bale” sabi ni Miguel “nakuha ko naman ang kaniyang pangalan Pinky pala? Kaso ano ang kaya kaniyang apelido? at saan siya nag-aaral? Hmmm saan kaya sila papunta? Kaya dali-dali ay pumunta siya sa may-cctv monitoring unit, kaso ang malaking problema niya! Ay under maintenance pala lahat ng cctv dahil nag-upgrade sila ng mga bagong unit, “hindi na bale”, sagot niya “magkikita pa kami ulit!”.
Bago siya pumasok sa first period ng klase niya naisipan niyang dumaan sa office ng kaniyang uncle tutal halos katabi lamang ito ng cctv monitoring unit. Papalapit na siya sa may pintuan ng office ng kanyan uncle, biglang bukas ng pintuan at nagulat siya sa kanyang nakita papalabas si Pinky, ang dalagang nakita niya kanina, kasama ang secretary ng kanyang uncle si secretary Grace, nag-mamadali silang papalabas kaya hindi na naman niya ito nakausap, kaya tinanong na lamang niya ang kanyang uncle.
“Hi Uncle, who’s that girl? I've seen her before at the main gate hallway, and she's so beautiful” Miguel’s asked
“She’s Pinky Guese, she’s going to apply for OJT, she recommended by my friend Dr. Salcedo a president of one government school in our province, I instruct them to go to HR Office for documentation purpose, try to court her if you want, but not during work hours” President’s answer
“You know what uncle; I think she’s the one! And yes, uncle I will really do that.” Miguel said
“Sige Uncle I need to go It’s already eight, I might be late for my class with ma'am Trixie, I'll just come back later” Miguel’s continuing
“Okay, Goodluck!” (president’s reply)
Nang papalabas na siya sa office nasalubong naman niyang papasok si Robert, Si Robert ay student assistant na naka-assign sa office ng uncle niya, common friend niya ito dahil si Robert, ay pinsan ng kaniyang best friend, na si James na isang varsity player, na kasamahan niya sa basketball team, kaya nakakasama din niya si Robert sa ilang gimik kapag mayroong pagkakataon, ngunit hindi niya ito masyadong kasundo at ka close, si Robert ay insecure na tao, at very envious or mainggitin kay Miguel, kahit alam ni Robert na sila Miguel ang may-ari ng unibersidad, ang kanyang katuwiran pinaghihirapan naman niya ang pambayad ng tution fee niya, alam naman ni Miguel ang ugaling iyon ni Robert, ayaw nalang niyang patulan at palakihin pa, sa galing kasing maglaro ng basketball ni Miguel, halos lahat na kaklaseng babae ni Robert, ay mayroong crush kay Miguel pati ang babaing crush ni Robert.
“Hi Miguel pre, papasok ka na?”
“Oo pre, mauna na ako” sagot ni Miguel
Ganito ka in-formal kung mag-usap sina Miguel at Robert. Kahit ginagawan niya ng pabor si Robert malayo pa din ang loob sa kaniya, kung hindi lang siguro sila ang may-ari ng school baka hindi siya kausapin nito. Ganoon pa man kailangan niya itong pakisamahan wala siyang magagawa kung ano ang iniisip sa kaniya ni Robert, bastat siya gagawin niya kung ano ang tama, dahil alam niya at the end magbabago pa rin si Robert.
Pumasok na nga si Miguel sa kaniyang klase, ikinuwento niya sa mga classmates niya ang magandang pangyayari na nagamat sa kaniya sa araw na iyon, excited ang lahat sa mga narinig nila kay Miguel pati ang kaniyang mga professor ay natuwa sa mga narinig, dahil sa wakas daw ay na in-love na din si Miguel, kaya buong maghapon siyang biniro ng mga kaibigan niya, muntik na nilang makalimutan ang mga dapat nilang gawin kaya sinabi niya na tapusin na nila ang lahat ng activity.