HE Chapter 5

3000 Words
Chapter 5 Bella's POV Kahit hindi ko nakikita ang buong mukha niya ay alam kong maganda siya pero masama ang ugali. "Hindi, Miss," mahinang sagot ko. "Then, back off!" taboy niya sa akin at hinila niya ulit ang lalaki. Nagmistula akong talangka dahil nagawa ko pa ring makakapit sa mamahaling nitong pang-business suit. "No, kauusapin ko siya," desididong ani ko. "Pathetic," sambit niya as she gritted her teeth. "Where are the guards here? Guards!" malakas niyang sigaw ulit. Para na siyang baliw ngayon. Talagang gagawin din niya ang lahat mailayo lang sa akin si Sir Kael. Nagtataka lang ako sa Kael na ito. Kanina pa kasi siya tahimik at sumusunod lang sa agos. Hindi ko man lang siya narinig na magsalita. Nakatulog ba siya o patay na? 'Wag naman sana! Mainit pa naman siya. Nakatayo siya nang maayos. Ano ba'ng trip niya? "Saglit lang talaga, Miss," pakiusap ko ulit. "I will not let you!" matalim naman niyang sabi. "I'm his girlfriend! Stupid! Now take off your dirty hands!" mataray niyang utos sa akin. "Guards! Make it fast! Kung ayaw ninyong mapatalsik kayong lahat!" Napilitan akong bumitaw sa braso at sa kamay ni Kael nang hilain ako ng dalawang bodyguards. "Mga Sir, saglit lang... Huwag n'yo naman akong palabasin. Saglit lang naman 'yong hinihingi ko, eh, " natataranta na makaawa ko sa kanila. "Ha? Ikaw na naman, Miss?" gulat na gulat na sambit ni Manong bodyguard nang makilala niya ako. Sila rin kasi 'yong dati kong nakaenkuwentro dito kanina at noong isang araw. "Ang tigas ng ulo mo, Miss. Sinabi ko na nga lang sa 'yo na hindi ka puwede rito!" galit na sermon ng isa pang bodyguard sa akin. "Pero, Sir, ngayon n'yo pa po ba ako pagkakaitan? Ngayong nandito na siya. Kaharap ko na siya ngayon. Pagbigyan n'yo na lang po ako. Hindi naman ko magtatagal dito rito, eh," naiiyak kong sabi. Naalala ko na naman kasi kung para kanino ang ipinunta ko rito. Para sa mga kapatid ko ito, lalong-lalo na kay Abby. "What do you need, Miss?" Natameme ako sa mukha niya nang sa wakas ay magsalita na siya. Biglang kumabog nang napakalas ang puso ko sa pagkakarinig ko sa baritono nitong boses. Parang narinig ko na rati ang tinig niya. Napamulagat ang aking mga mata nang tanggalin niya ang shades niya. Mas lalo na naman akong nagulat nang unti-unti ko siyang nakikilala. "Ah," sambit ko na lang. "I said, what do you need?" seryosong ulit niyang tanong. Ang bawat pagtibok ng puso ko ay naghatid nang kakaibang init sa buo kong katawan. Napakagat-labi nang makita ang paggalaw ng adam's apple niya habang nakaawang ang mga mapupula niyang mga labi. Siya ang lalaking nasa scandal video na napanood ko kahapon. Siya ang lalaking hindi maalis-alis sa isipan ko. Ang taong kaharap ko ngayon ay ang lalaking gumugulo sa pagkatao ko hanggang sa mga oras na ito. "None? Then leave," madiin niyang sinabi saka niya ako tinalikuran. "That's nice. You heard him? My boyfriend said, leave," nakangising ulit ng babae. "Honey, wait for me!" "Make it fast, Hon." Narinig ko namang balik ni Kael. Lumapit sa akin ang babae saka siya yumuko nang bahagya. Magkasingtangkad lang kami pero nag-abala pa siyang yukuan ako. "Sa susunod, 'wag kang ambisyosa!" matalim niyang wika. "Lumapit ako para marinig mo. 'Wag kang papansin sa boyfriend ko! w***e!" Sa huling sinabi niya ako nagising. Marahas kong tinanggal ang shades niya sa inis ko. Nananakit ang mga mata ko nang masilayan ko ang kabuuan ng itsura niya. Siya ang babaeng kasama ni Sir Kael sa scandal video. Hindi ko akalaing makahaharap ko sila ngayon. Hindi pa siguro kalat ang video nila kaya maganda pa rin ang takbo ng mga buhay nila. Napailing na lang ako. Sinabihan niya ako ng w***e samantalang siya ang may scandal video! Virgin na virgin pa ako at kahit kailan ay hindi pa nagagalaw. "Guards, palabasin ang babaeng 'yan. Tapos umalis na kayo. You are all fired!" Nagulat ako sa sumunod niyang sinabi. Kanina ay mahigpit ang pagkakahawak sa akin ng dalawang bodyguards sa mga braso pero niluwagan nila nang kaunti. Nagulantang din siguro sila sa order ng babaeng ito. "Pero, Ma'am," naiiyak na sambit ni Manong bodyguard. "Pamilyado po akong tao. 'Wag naman pong ganiyan. Wala po kaming kasalanan..." "Ma'am Solenn, pasensiya na. Marami lang talagang tao kanina sa labas kaya sila mula ang inuna naming itaboy. Hindi naman namin alam na nakapasok ang babaeng ito rito sa loob. Ma'am, 'wag po. May sakit ang anak ko." Tuluyan nang naiyak ang isa pang bodyguard. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Alam ko kasi 'yong nararamdaman nila ngayon. "No buts. Leave!" walang preno at walang awa pa rin niyang utos sa mga ito. "Aba! Sumosobra ka na, ah!" malakas kong bulyaw sa kaniya. Pati ang ilang mga hibla ng buhok niya ay natangay sa lakas ng pagkakasabi ko. Sa lakas ng bunganga ko ay pati si Kael at ilang mga tao rito ay napatingin sa gawi namin. "What did you just said?" hindi makapaniwala na tanong niya. "Ang sabi ko, bruha ka!" matapang kong sagot. Naningkit ang mga mata niya sa galit. Siningkitan ko rin ang mga mata ko para iparating sa kaniya na hindi ko uurungan ang tulis ng mga sungay niya. Puputulin ko ang mga iyon kahit sa mga sandaling ito lamang. "You called my girlfriend bruha?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Kael habang naglalakad siya palapit sa akin. "Yes, Honey, she really called me bruha!" pabebeng sumbong naman nitong Solenn habang nagkukunwaring naiiyak. Ang epal! Pa-victim pa! Hindi ako palaaway pero lumalaban talaga ako kapag alam kong nasa tama ako. Ayos lang sa akin kung pag-initan niya ako. Ayaw ko lang 'yong ginawa niyang pagsisante kina Manong na para bang walang nangyari. Ganoon din kasi ang ginawa ng Kael na ito sa amin kaya alam ko 'yong pakiramdam. "Ma'am, si Boss 'yan," parang nanginginig na bulong sa akin ni Manong Bodyguard na nakatayo rito sa kaliwa ko. Ramdam ko ang matinding takot sa boses niya. "Wala akong pakialam sa kaniya, Manong," matalim kong sabi habang matamang nakatingin sa mga mata ni Kael. "Umalis ka na bago ba kita ipakaladkad palabas," mahinahon ngunit nagbabanta niyang wika. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Gusto kitang makausap," pagsusumamo ko. "After what you did to me, to us?" hindi makapaniwala na tanong niya. "Never!" Kalma lang siyang magsalita ngunit nakapapaso ang bawat pagbitaw niya ng salita. Iba ang dating ng lalaking ito sa akin. Para akong natatakot at nahihipnotismo sa aura niya. Nataranta ako nang talikuran na niya ako. "Saglit! Sir!" tawag ko sa kaniya. Naiinis naman siyang lumingon sa akin. Nabaling ang atensiyon ko sa cell phone ko nang bigla itong tumunog. Sinagot ko ito agad nang makitang si Iza ang tumatawag "Iza!" Ang malakas na hagulgol niya ang sumalubong sa akin. "Iza, ano'ng nangyari? Iza! Magsalita ka!" Natataranta na ako. Alam kong may hindi magandang nangyari. "Ate, si Abby," sabi niya habang panay pa rin siya sa pag-iyak. "Bakit si Abby?" Halos manghina na ako dahil sa takot, kaba at pag-aalala pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. "Ano'ng nangyari? Tell me!" "Ate, 'wag kang sumigaw! Okay lang si Abby..." Nakahinga ako nang maayos. "Salamat naman sa Diyos..." "Itinakbo ko siya sa Hospital. Nahimatay na naman kasi siya kanina habang naglalaro. Suka rin siya nang suka pagkagising niya. Ang sabi ng Doktor, maayos na raw siya pero kailangan siyang isailalim sa test. Ate, si Abby..." "Kumalma ka lang... 'Wag kang mag-alala. Ginagawan ko na ng paraan ang lahat. Bantayan mo si Abby. Pupunta ako agad diyan pagkatapos ko rito... Ang mahalaga ay maayos na siya. Sige na." "Ate, kailangan natin ng malaking pera." Napapikit ako nang mariin. "Oo... Alam ko 'yan. Mayroon na 'yan mamaya." "Sige po, Ate... Hihintayin ka po namin dito." Nanghihina kong pinatay ang tawag. Kung hindi ko lang kaharap ang Kael na ito, baka kanina pa ako umiyak nang malakas. Hindi tama'ng bumuhos ang mga luha ko rito. Kailangan kong magmukhang matapang para masindak ko sila. Kung hindi ko sila madadaan sa maayos na usapan, idadaan ko na lang sa personal na negosasyon. Para ito kay Abby. Tumitig ako nang seryoso sa mga mata niya kahit alam kong napapaso na ako ngayon. Sobrang guwapo lang naman ng taong kaharap ko ngayon. Tama si Cassie, isa siyang Prinsipe. Si Kael Palma Calvin ang tipo ng lalaking wala kang maipipintas. Perpekto ang pisikal nitong anyo. Sigurado rin akong maraming kababaihan ang nagkakandarapa sa kaniya. "Look, I don't have time for you. Better go home," madiin niyang sabi saka niya ako tinalikuran. Humigpit ang hawak ko sa soda can sa kamay. Wala sa sariling iniangat ito saka buong puwersang ibinato sa ulo niya. Nagulat ako sa ginawa ko pero hindi ako nagpahalata. Nadala lang ako sa kabang nararamdaman ko at sa nangyari kay Abby. "Hindi ko kailangan magmakaawa para lang makausap ka!" matigas kong ani. Lumingon ulit siya sa akin. Bahagyan namang tumaas ang kaliwang kilay niya. "What?" naguguluhang tanong niya habang nakahawak sa ulo niyang tinamaan. "Don't mind her, Hon," singit naman ng girlfriend niya. "Stay back, Solenn. Mauna ka na sa office. I'll go after this." "No!" madiin namang pagtanggi nito. "I'll stay here! Wala akong tiwala sa babaeng 'yan!" Inirapan niya ako pagkatapos. Imbis na masindak ay inirapan ko rin siya pabalik. "Don't be such a hard headed, Hon." Tiningnan niya nang seryoso ang kasintahan. Nag-usap saglit ang mga mata nila. Umiling si Solenn at parang ayaw pang sumunod sa ipinapahiwatig ng boyfriend. Ngunit umigting ang panga ni Kael patunay na nagagalit na ito. "Okay!" napipilitang pagpayag ni Solenn hindi nagtagal. Padabog na naglakad siya papunta sa fire exit dito kaya medyo nasa malapit pa rin siya sa amin. Hindi pa nag-iinit ang mga singit niya roon ay naglakad na ulit siya pabalik kay Kael para halikan ito sa mga labi. Naging marubrob ang halikan nila dahil medyo matagal din ang pinagsaluhan nilang halik. Napailing na lang ako. Naalala ko na naman kasi ang eksena nila sa scandal video. "He's mine. Alone!" nakataas ang kilay niyang saad habang nakatingin sa mga mata ko. Naglakad ulit siya palayo sa amin. Tahimik na siyang nakatayo malapit sa escalator. Bakit ba parang mang-aagaw 'yong dating ko sa kaniya? Ni hindi niya alam kung bakit nandirito ako! "Now talk." Napunta kay Kael ang mga mata ko nang magsalita siya. Ngumisi muna ako sa kaniya bago ako naglakad palapit sa kaniya. Idinikit ko ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa magkadikit na ang tungki ng mga ilong namin. Wala akong pakialam sa scandal video nila pero napagdesisyonan ko itong gamitin para makakuha ng pera at para na rin makausap ko sila nang matino. Ang lakas ng dagundong ng puso ko sa pagkakatitig ko sa mapang-akit niyang mga mata. Nanatili lang akong seryoso habang namamatay na ako sa kaba sa kaloob-looban ko. Mas malakas pala ang dating niya sa malapitan. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako. Iniisip ko na lang si Abby. Tama, para kay Abby ang lahat ng mga ito! Isasalba ko ang kapatid ko kahit ano pa ang mangyari. "What are you doing?" paos niyang tanong habang nakatitig siya sa mga mata ko. "Mr. Calvin, I need money." Parang dumugo ang ilong ko sa English ko. Kunwari, ako 'yong Boss sa amin tapos siya ang alipin ko. "What? No... " "I have your scandal video." Pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin. Nanlalaki naman ang mga mata niya sa binitiwan kong mga salita. Alam kong galit na siya kaya mas inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa mukha niya. Napalunok ako dahil parang naramdaman ko saglit ang pagdikit ng mga labi namin sa ginawa ko. Hindi na lang ako nagpaapekto para hindi masira ang diskarte ko. Kaya ko inilapit ang mukha ko sa mukha niya ay para hindi marinig ng iba ang tungkol sa scandal video nila. Kahit papaano, ayaw ko namang isiwalat ang malupit nilang sekreto. Hindi naman ako kasing sama tulad ng iniisip nila. Nagkataon lang na kailangan ko itong gawin. "Hey, b***h!" narinig ko na namang sabi ni Solenn. Susugurin na siguro niya ako o 'di kaya ay kakalbuhin nang buhay dahil sa paglapit ko sa boyfriend niya. "What are you murmuring to my Boyfriend? Too close, dear? Sh*t, stay away, slut!" nakabibinging bulyaw niya sa akin. Slut daw pero siya ang may scandal video. Nakaloloka! "Eh, kung halikan ko na lang itong boyfriend mo para mamatay ka na riyan sa inis," mahinang bulong ko sa sarili. Namula ako dahil kaharap ko pala si Kael. Siguradong narinig niya ang sinabi ko. Nakaaakit naman kasi ang mga labi niya. Ito 'yong mga labing hindi ko makalimutan pagkatapos kong mapanood ang scandal nila. Parang naaakit tuloy akong halikan ang mga ito. Halikan mo na kasi! Siguradong masarap 'yan! sulsol ng aking utak. Napailing na lang ako para ikubli ang mga iniisip ko. "Solenn, stay where you are. Don't interfere here!" galit na utos sa kaniya ni Kael. Nakita kong tumigil naman siya. "But, Honey..." "I said, stay where you are!" "Fine!" Napangisi ako nang sagad. Unti-unti akong humakbang palayo sa kaniya. "Don't play on me, lady," seryosong bitaw niya. Ngumiti ako sa kaniya nang makahulugan. "Makikipaglaro ka sa akin sa ayaw sa at sa gusto mo. You want proof?" hamon ko sa kaniya. Hinugot ko ang flash drive sa likod na bulsa ko saka ko ito iniangat para makita niya. "Bakit nasa iyo 'yan?" gulat niyang tanong. So, he knew about this flash drive and about the video. "Wala kang kawala sa akin, Mr. Calvin. Hawak ko ngayon ang kaluluwa, pagkatao, dignidad at kahihiyan mo," smooth ngunit nagbababalang sinabi ko. Umigting ang panga niya habang nakatitig siya sa mukha ko papunta sa flash drive na hawak ko. Manginig ka, Mr. Calvin, dahil hindi ako bibitaw sa patalim kong kinakapitan. Para ito sa mga kapatid ko. Alam kong masama ang ginagawa ko ngayon pero wala na akong pagpipilian pa. Buhay ng kapatid ko ang nakataya rito. Hindi naman siguro kabawasan sa yaman nila ang kararampot na perang hihilingin ko. "Let's talk about it at my office." Napalunok ako nang kagatin niya ang pang-ibabang labi niya. Ano kaya ang iniisip niya ngayon? Ang mahalaga ay napapayag ko na siyang makausap siya. Napasinghap ako nang hawakan niya ako sa braso saka niya ako inakay sa paglalakad. Para naman akong puppet na sumunod sa kaniya. "Honey, what are you doing?" hindi makapaniwala na tanong ni Solenn sa kaniya. Hinarap naman siya ni Kael. "Solenn, we're over. Go home," madiin nitong saad. Napanganga ako sa tinuran niya. Ganoon kadaling itapon ang babae sa kaniya? Ang babaeng kasama pa niya sa scandal video! "No! Not to her!" naiiyak na apela naman ni Solenn. "Honey! Please, don't do this to me!" makaawa pa niya lalo rito. Sa halip na pansinin siya nito ay nilagpasan niya lang ang babae habang akay-akay niya ako. Gumalaw naman ako para kumawala sa kaniya pero sadyang malakas siya. "Don't move, young lady. Don't worry, I'll let you kiss me freely at my office just like what you said a while back," mapang-akit niyang bulong sa akin na siyang nakapagpataas ng mga balahibo ko. Ano raw? Pero bakit parang nagustuhan ko ang ibinulong niya? Pagkarating namin sa office niya ay agad niya akong itinulak sa pader saka inilapit ang mukha sa mukha ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Ngayon ay nakakulong na ako sa dalawang bisig niya. Naririnig ko ang mabilis niyang paghinga habang nakatitig sa mga labi ko. Napaawang ang mga labi ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Sobrang lapit na niya sa akin. "Kiss me," habol ang hiningang utos niya. Napalunok ako. Ano ba'ng sinasabi niya? "Ayaw mo?" nakataas ang kilay niyang tanong. Hahalikan na sana niya ako nang mabilis kong tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay ko. "V-Virgin p-pa 'yan," mahina ngunit nauutal kong sambit. Sayang! Ito naman ang gusto mo, di ba? Bakit umayaw ka pa? sigaw ng aking ulirat. Ngumisi siya nang nakaloloko. Medyo inilayo na rin niya ang guwapo niyang mukha. Nakahinga ako nang maayos. Inilagay ko sa tapat ng dibdib ko ang mga braso saka inilibot ang paningin ko sa loob ng office. Ang luwang ng office niya at halatang under renovation pa rin ito. "Kahit medyo makalat ang office, puwedeng-puwede pa rin tayong gumawa nang kakaiba. Wala naman akong pinipiling lugar," nanunukso niyang sabi. "Ano ba ang pinagsasabi mo?!" pabulyaw kong tanong sa kaniya. Dumilim naman ang aura niya sa pagsigaw ko. "You're here because you want me to f*ck you hard, right?" nakalolokong tanong niya. Napailing na lang ako sa pagkamangha. Puwede bang iuntog na lang niya ang ulo niya sa pader? Ang lakas ng bilib niya sa sarili niya. Porke't guwapo na siya at hot! Sa wakas inamin mo rin! my mind shouted. F*ck daw, oh, masaya 'yon! my crazy brain shouted again. Kailangan ko itong labanan. "Oh, really? Stop acting like an innocent slut. I know you want something from me." Mas inilapit pa niya ang katawan niya sa akin. "Sanay na ako sa mga babaeng nagpupunta sa akin." Oh, my God, ang bango niya! Letsugas lang na innocent slut 'yan! Hindi ako slut! Siya ang slut kasama na rin 'yong babae niya sa scandal video! "Nahiya naman ako sa 'yo. Nandito ako para sa pera. Pera kapalit ng scandal video n'yo ng girlfriend mo! Hindi ako slut dahil hindi katawan mo ang habol ko! Pera lang!" matatag kong bulalas. Weh? Pera lang nga ba? sigaw naman ng papansin kong utak. Manahimik ka nga riyan! Sinisira mo ang diskarte ko! End of Bella's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD