HE Chapter 6

3000 Words
Chapter 6 Bella's POV Naningkit ang mga mata niya. Nagulat ako nang marahas niya akong halikan sa mga labi. Nagpupumiglas ako pero hindi ko magawang makawala sa mga bisig niyang nagmistulang mga bakal. Nakaramdam ako nang panghihina ng mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay matutumba na ako. Napilitan akong kumapit sa batok niya na siyang nagpadiin pa lalo sa halik niya. Napapikit ako nang mariin. Hindi ko alam kung paano ko tutugunin ang bawat galaw ng mga labi niya sa mga labi ko. Para akong mababaliw dahil nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Iba ang hatid ng mga halik niya sa akin. Parang gusto ko itong tumagal pa. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. Ni minsan, hindi ko pa ito naramdaman sa mga naging boyfriends ko noon. Nahalikan na rin ako noon pero hanggang smack lang. Itong ginagawa ni Kael ay mabilis at lumalalim... Naramdaman ko na lang ang paggalaw ng dila niya sa loob ng bibig ko. Dahil sa ginawa niya, nagising ako. Inilagay ko ang lahat ng lakas ko para maitulak ko siya palayo. Nagtagumpay naman ako. Pinagtagis ko ang mga ngipin ko saka ko siya sinampal nang malakas sa pisngi niya. Nagmamadali kong pinunasan ang mga labi ko gamit ang likod ng kamay ko. Natigilan naman siya sa ginawa ko. "Masarap ba kaya mo ako sinampal?" nakangising tanong niya. Oo! Masarap! sigaw naman ng malandi utak ko. "Bastos ka!" madiin kong angil. "Ano ang bastos doon? Nagustuhan mo nga, 'di ba?" nang-iinis pa niyang tanong. "Huwag mo akong ginagago. Hawak ko pa rin ang scandal video mo. Kung ako sa 'yo, bayaran mo na lang ako kapalit nito." Itinaas ko ang flash drive saka ko siya matalim na tinitigan. Hinigpitan ko ang paghawak rito dahil baka agawin pa niya ito sa akin. "Now you're blackmailing me," walang emosyong saad niya. Ngumisi ako sa kaniya. "Tama ka. Blackmail ang tawag dito." "What's your name." Lumayo na siya sa akin. "Bella." Pinaluwagan niya ang necktie saka siya naglakad patungo sa swivel chair niya. "Have a seat, Miss Bella..." "Yaqub," dagdag kong sabi. Naglakad na rin ako patungo sa upuan malapit sa table niya. "Bella Yaqub," seryosong bigkas niya sa pangalan ko habang taimtim niya akong pinagmamasdan. Nasasakal ako sa klase ng titig niya dahil para akong paunti-unting hinihigop ng mga mata niya. "Ako nga." "Paano napunta sa 'yo ang flash drive na 'yan?" matalim niyang tanong. "Importante pa bang malaman mo?" matapang ko namang sagot. "Hindi ako tanga para sabihin sa 'yo kaya 'wag ka na lang mag-aksaya ng panahon para alamin pa kung kanino." "Give it to me now. Ibibigay ko kahit ano ang gusto mo." Napaupo ako nang maayos. Ito na yon! "Kailangan ko ng pera. Two million is enough." Ang sama-sama ko, hinuhuthutan ko ang taong ito. Pero kailangan ko ng two million para masiguro kong magiging kasya ito sa pagpapagamot namin kay Abby. Kapag may sobra, gagamitin ko ito para makapagpatayo ng simpleng negosyo nang sa gayon ay masigurado ko ang magandang kinabukasan ng iba ko pang mga kapatid. "Nakikita mo naman siguro na nagsisimula pa lang ulit ang Demerceds. I don't have enough budget for you." Ramdam ko ang galit sa boses niya. "Huwag mo akong pinagloloko! Sige, pagdamutan mo ako kapalit ng video mo," hamon ko naman sa kaniya. "Alam kong malaki ang kinikita ng Demerceds dahil dito ako nagtatrabaho rati. Kabila-kabila ang mga agencies ng mga networks na nasa ilalim ng serbisyo n'yo. Milyon-milyon kada araw ang kinikita n'yo." "Nagtatrabaho ka rito dati?" nagdidikit ang mga kilay at noo niyang tanong. "Oo. Isa ako sa mga empleyado na pinatalsik mo noon. Kami na hindi mo man lang binayaran nang tama!" may hinanakit kong paglalahad. "Alam mo bang ang daming naapektuhan dahil sa ginawa mo?" "Oh, well, hindi ko na kayo responsibilidad dahil ako lang ang bumili ng Demerceds. Dapat sa Boss n'yo kayo humingi at hindi sa akin." "Inipit n'yo ang Boss namin para ibigay sa 'yo ang Demerceds. Akala mo ba hindi ko alam 'yon?" "Nagpaipit siya kaya kasalanan na niya 'yon." walang bahid ng pagsisising tugon niya. "I already warned him. Ang sabi ko, 'wag na siyang mag-invest dahil gusto kong ibayad na lang niya ang natitirang pera niya sa mga empleyado niya. Pinaalalahanan ko na rin siya dati na balang araw ay mapupunta rin sa akin ang Demerceds. Hindi ko kasalanan ang bagay na 'yan. Ipinaglaban niya ang negosyo niyang luging-lugi na. Tarantado lang ang gagawa niyon." "Hindi pa rin tama ang ginawa mo," I murmured to myself "If that's what you think, Miss." Narinig niya pala. "Bayaran mo ako! Wala akong pakialam sa Demerceds! Ang scandal video ang alalahanin mo," pagpapaalala ko sa kaniya. "Alam kong malaki ang perang pumasok sa kompanya n'yo." "That was before. Kita mo namang under renovation ang building." "Eh di, gawan mo ng paraan!" inis kong sigaw sa kaniya. Naiisip ko lang kasi si Abby. Wala na akong panahon pang makipagkabutihan sa kaniya. Dapat ibigay niya ang perang hinihingi ko sa lalong madaling panahon! Kung hindi, baka hindi ko na maabutang buhay ang kapatid ko. Humahagulgol na ako sa loob ko. Iniisip ko pa lang si Abby na nakaratay sa ospital ngayon, hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya kapag mawala na siya sa amin? Napabuga siya ng hangin. "Alam mo bang kaya kitang kasuhan sa ginagawa mo?" banta niya sa akin. "I have money and everything. Ikaw, ano ang mayroon ka?" hamon niyang tanong sa akin. "Scandal video mo," simpleng sagot ko naman. Nakita ko ang paggalaw ng panga pati na ang muscles niya doon. Halatang hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko. "Yes, you have everything, money, fame, looks..." Natigilan ako. Bakit ko ba isinali ang huli? Nakita kong napangiti siya pero hindi ako nagpaapekto. "Tanggalin natin 'yong looks kasi ang pangit ng ugali mo," madiin kong bawi. "Ano ang connect ng looks sa ugali?" Natawa siya nang mahina sa pagkakakita niya sa reaksiyon ko. "So, naguwaguwapuhan ka sa akin?" nangingiting tanong niya. God, nakalalaglag panty sa tuwing ngumingiti siya. "Huwag mo akong pagtawanan!" inis kong sambit para pagtakpan ang nararamdaman ko. "Puwede?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Siguro nga nasa iyo na ang lahat pero akalain mo, may scandal video ka. Paano kaya kung malaman ng ibang tao ang tungkol dito?" Itinaas ko ulit ang flash drive. "Kilala ka at pati na rin ang girlfriend mong si Solenn sa buong mundo dahil mayayaman kayo at sikat. Paano kaya kung hindi lang nila nalaman? Mapanonood pa nila kayo habang nagse-s*x. Ang saya!" Tumawa ako nang marahan. "So, you watched our scandal video?" Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Wala sa sariling napalunok ako. Naalala ko na naman ang matipuno niyang katawan pati na 'yong ano niya sa gitna. Biglang uminit ang pakiramdam ko. "You're blushing. It means, yes. Ilang beses mong pinanood? Magaling ba ako?" mapang-angit niyang tanong. Ang mga mata niya'y nangungusap at tila nanghahaplos. Lord, help me get through this. Hindi ko na yata kaya'ng kalabanin ang karisma ng lalaking ito. "Oo, napanood ko. Kaya nga ako nandito, 'di ba?" nang-uuyam ko namang sagot. Pilit na sinisilaban ang apoy na bumababa patungo sa tiyan ko. Akala niya ba maiisahan niya ako? Hindi 'yon mangyayari! "How many times?" nakangising tanong niya. Kailangan pa talaga'ng itanong 'yon? I just watched it once! Ang kapal naman ng mukha niya kung iniisip niyang inulit-ulit ko! "I'm asking you, Miss Bella. Am I good in bed?" Tama ba'ng kindatan niya ako habang tinatanong niya 'yon? Tinitigan ko lang siya nang masama. "How many times! How many times ka riyan! Madali lang naman i-upload ang video mo sa internet. Sila na lang ang tanungin mo kapag nangyari 'yon." Nagawa pa niyang magpa-cute. Buwisit siya! "Okay, I'll pay you." Napangiti ako nang malapad. Yes! Nanlalaki ang mga mata ko nang hablutin niya ang flash drive mula sa kamay ko. Ni hindi ko namalayan na nakalapit siya sa akin! Ginawa niya iyon habang abala siya sa pang-aakit at pambubuwisit sa akin! He's fast like the superhero, the flash! "I got it!" ngiting tagumpay niyang bulalas. Naikuyom ko ang mga kamay ko nang ipalunod niya ito sa wine glass na may laman na alak. Sira na 'yong flash drive! Tumawa ako nang malakas. Nawala naman agad ang ngiti niya sa mga labi. "Mr. Calvin, wise ka rin, 'no? Mas mautak nga lang ako sa 'yo. Akala mo kawalan sa akin 'yan? Marami akong copies ng scandal video mo. Nilagay ko sa laptop, ilang mga flash drive ko at kung saan-saan pa." Acting ko lang! Hindi ko na matandaan kung nagawa ko ba'ng i-copy ang scandal niya sa laptop ko. Sana mayroon doon... "Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Wala kang kawala!" Nabanas ako sa ginawa niya. "You're a witch," bulong niya. "Ako si Snow White. Ikaw ang lalaking witch," sabi ko sabay turo sa mukha niya. "Ikaw kaya ang may scandal dito." Ewan ko ba kung bakit nagawa pa niyang ngumisi! "Two million. Fine!" sang-ayon niya. Palibhasa, mayaman! Gusto kong magpasalamat at mag-sorry sa kaniya pero mas pinili kong manahimik na lang. "Deal," tipid kong ani. "Do you have a bank account?" "Wala. I-cash mo na lang. Ibigay mo na lang mismo sa akin." "Paano kung pulos tagpipiso 'yon? Kaya mong kargahin ang two million?" "Ikakalat ko ang scandal video mo kapag tagpipiso ang ibinigay mo," banta ko naman sa kaniya. "Tag-one thousand ang gusto ko." Bella, masyado ka nang demanding! Eh, sa mahirap magpabuo ng tagpipiso na two million! Narinig ko lang siyang tumawa. "Just make sure that the video will not spread. Kapag nangyari 'yon, papatayin kita..." Nasindak ako sa banta niya. Aalagaan ko talaga ang scandal video niya. Promise ko yon! "Papatayin sa kama," halos lumuwa na yata ang mga eyeballs ko sa sinabi niya. Humahalakhak siya dahil sa naging reaksiyon ko siguro. "Of course, I will f**k also the one who ruined me. Papatayin kita sa sarap," paos niyang dagdag. "Ah..." Hindi ako makapagsalita. "Gago!" sambit ko na lang nang makabawi ako. Napalunok ako nang biglang pumungay ang mga mata niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Can I kiss you again?" Bago pa ako makapagsalita ay kinabig na niya ang ulo ko paharap. Ngayon ay hinahalikan na niya ako nang madiin, malalim at parang naghahabol ng hangin. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko siya magawang itulak o pigilan man lang. Habol-habol namin ang paghinga namin nang bumitiw siya sa mga labi ko. "Be my s*x-setary. Para naman makabawi ako sa pagpapatalsik ko sa 'yo noon," alok niya habang nakahawak siya sa kaliwang pisngi ko. Nalukot ang noo ko. Ano raw? Natawa lang siya. "I mean, secretary. My two million ka na, makapagtatrabaho ka pa sa Demerceds ulit. You're hitting two birds in one stone already." Wala sa loob akong napatayo. Tumayo rin siya kaya tamang-tama lang. Huminga ako nang malalim bago ko siya sinuntok sa mukha niya. "Nagsabi sa 'yong puwede mo na lang akong halikan kahit kailan mo gusto? Punyeta ka!" mura ko sa kaniya. Naguguluhang tumingin siya sa akin habang nakahawak sa kaniyang panga. "What was that for?" "Oo, tinatanggap ko ang alok mo. Magiging secretary mo ako bukas na bukas na rin. 'Wag na 'wag mo na ulit akong hahalikan ulit kung ayaw mong lumpuhin kita! Tandaan mo, nasa akin pa rin ang scandal video mo!" banta ko sa kaniya. Inilapag ko ang pinagtanggalan ko ng sim card ko sa table niya. "Numero ko 'yan. Tawagan mo ako kung kailan ko makukuha ang pera." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Padabog akong naglakad palabas ng office niya. Pagkalabas ko ng office niya ay bigla akong naiyak. Sa wakas, may trabaho na ako! May two million pa ako! Tama talaga ang desisyon kong gamitin ang video na 'yon. The guy in the scandal video is a blessing to me. Pinunasan ko na ang mga luhang naglandas sa mga pisngi ko. Magandang balita ito para sa mga kapatid ko. Ayos lang sa akin kahit dalawang beses akong nanakawan ng halik ng lalaking iyon. Ang mahalaga, may permanente na akong trabaho! Masarap naman kasi siya humalik! Oh, my God! Ano ba itong naiisip ko? End of Bella's POV Kael's POV Tulala lang ako sa kisame habang nilalaro ko ang pen ko sa kamay. Hindi ko maiwasang mapangiti habang naaalala ko ang kaganap kanina. That woman is amazing. Dapat nasisindak ako sa pamba-blackmail niya sa akin pero I found her cute. Natutuwa ako sa kaniya. First time kong maka-encounter ng katulad niya. I still remember her soft lips. God, I want to taste those again. Hindi kasi siya marunong humalik and that makes her hotter. I should thank that lost scandal video. Silly, but it's true. Because of it, I met her and I can't wait to see her again. Seriously, I got crazy because Solenn lost the video yesterday. I want to punch her face yesterday for being so reckless. The video is so gross. I don't want to shoot video again while having s*x. Bella taught me some lessons somehow. Iba siya. I'm about to call her when suddenly someone knocked on my door. "Come in!" I said in a formal tone. Bumukas ang pintuan at pumasok siya. "Kael Calvin. Did I disturbed you?" He's Dylan, my uncle. We have been treating each other as best buddies. Tito ko lang naman siya at halos magka-age lang kami. Isang buwan lang ang pagitan namin. "You always did," ani ko naman sabay tawa nang marahan. Natawa lang siya. "I'm glad to know that." Ngumisi siya saka siya tuluyang pumasok at naglakad patungo sa akin. Napailing na lang ako. "What brought you here, Tito?" I smiled playfully. "Well, thanks for respecting me but I hate you calling me Tito." Nakaupo na siya ngayon sa harap ko. "Ano ang gusto mo? Uncle?" Natawa ako nang malakas. "Whatever, pamangkin!" wika niya na parang binabale-wala niya na lang 'yong pang-aasar ko sa kaniya. "I came to give you these." Inilapag niya ang isang brown envelope. "Pirmahan mo na agad para maibigay ko na sa Daddy mo." "Saglit lang, Uncle. Ano ba ito?" maang kong tanong. "Basahin mo na lang kaya." "I don't have time anymore so just tell me," pilit kong sabi. Hindi ko naman kasi ugaling pumirma na lang basta-basta. "That's a contract. Remember? Ang Demerceds ang kinuha niyang publisher sa gagawin niyang next batch of Clevin magazines. I'm so excited because your one of their models. I can't wait to see you there after how many years," natatawa na ani niya. Kinakantiyawan na naman niya ako. Alam kasi niyang nagmo-model ako rati. Limang taon na ang nakalilipas noong iwan ko ang modelling industry. Aminado akong naging buhay ko ang pagmo-model dati pero nagbago na iyon. Ayaw ko kasi 'yong, tatawagan lang ako kapag may raket para mag-model. 'Yong isasabak lang nila ako kapag hindi sumipot ang isa nilang model. Me as a choice? Bullshit. Sa guwapo kong ito? It's very hard to work with my own. Independent kasi ako rati. Hindi ko ginagamit ang apelyido ni Dad para lang magkaroon ako nang trabaho. Nagsimula ang pagiging makasarili ko noong nakapagtapos ako ng college. Makasarili dahil sarili ko lang ang iniisip ko. Bakit sana hindi? Eh, sa mayaman na ang mga magulang ko. Sila may pera samantalang ako ay wala. Gusto ko ring yumaman katulad nila sa pamamagitan ng sariling sikap ko lang. Hanggang sa nalaman kong may kinalaman pala si Dad kung bakit lagi akong nare-reject sa mga pinag-apply-an kong mga trabaho at pati sa pangarap kong maging isang sikat na modelo noon. Gusto niya talaga akong magkandarapa para humingi ng tulong sa kaniya. I stopped modelling then I decided to work for him. Hanggang sa nakuha ko ang Demerceds bilang reward sa pagpapaalipin ko sa kaniya. Ikaw ba naman ang magtrabaho sa kompanya niya nang walang suweldo? Siguro, gusto lang niya akong matuto. "You're still my number one fan, Uncle? I just want Demerceds to be mine that's why I did those stupid poses." Ipinagdiinan ko talaga ang salitang stupid. Ang hot kaya ng mga poses ko roon sa gagawing magazines. Sa sobrang hot ko, right after the shooting, me and Solenn had s*x. Iyon na 'yong scandal video na hawak ngayon ni Miss Yaqub. Naalala ko na naman siya. I'm looking forward to be with her in bed. Me and Bella in bed? Perfect! She's absolutely beautiful with her simple T-shirt and ragged skinny jeans. Paano pa kaya kapag hubad na siya? Pumayag pa pala siyang maging secretary ko. I grinned at that thought. "Hey! Kael, I'm talking to you!" Nagising ako nang magsalita si Uncle Dylan. "Yes, I'm listening, Uncle. May naalala lang kasi ako," sabi ko habang umiiling. Stupid thought! "I know. Halata naman sa mukha mo. Nangingiti ka pa riyan," natatawang puna niya. Sinabayan ko na rin siyang pagtawanan ang sarili ko. "Ano ulit 'yong sinasabi mo kanina?" "Sabi ko, mana ka talaga kay Kuya, parehas kayong mautak. Mas mautak nga lang sa 'yo ang Daddy mo." Mabilis kong pinirmahan ang contract saka ko ito ibinigay sa kaniya. "Hindi na niya ako mauutakan ulit. Period," seryosong sambit ko. "Fine! Kung kaya mo. Aalis na ako. Dadaan pa ako sa Clevin Store." "Mas mabuti pa nga. Nakaiistorbo ka na kasi, Tito." "Ang sabihin mo, may lakad ka na naman." "You're right. Mambababae lang ako saglit, Uncle," biro ko sa kaniya. "With whom? With Solenn?" End of Kael's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD