Special Chapter 2

1834 Words

Buong pagmamahal na nakatitig si Macarius sa asawa niya habang nagtatanim ito ng mga gulay sa paligid ng bahay nila. Makakatipid daw kasi sila ng pera kung hindi na sila bibili ng gulay sa palengke kaya araw-araw ay nasa bakuran nila ito at nagtatanim ng iba't ibang klase ng gulay. Kung noon ay puro halaman ang nasa paligid ng bahay niya, ngayon ay puro gulay na. Ultimo mga kasambahay ay sinabihan na rin nito na mag-garden at kung sino raw ang may maganda at malusog na tanim na gulay ay may premyo mula rito kaya naman halos career-in na rin ng mga kasambahay nila ang pagtatanim. “Dad, isa po ba ‘yan sa nagustuhan niyo kay Mommy?” tanong ng anak niyang si Maclyn na bigla na lang sumulpot sa tabi niya. Hindi niya namalayan ang paglapit nito dahil abalang-abala siya sa pagmamasid sa asa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD