bc

Intention

book_age18+
343
FOLLOW
7.7K
READ
billionaire
HE
opposites attract
powerful
bxg
lighthearted
small town
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Si Callynn na yata ang pinakamalas na babae sa balat ng lupa. Paano ba naman kasi, wala pa ngang isang taon simula nang mamatay ang ina niya ay nag-asawa kaagad ang ama niya. Ang masaklap pa ay isang chismosa, bungangera, mukhang pera ang nakuha nito. Sa tuwing hindi niya kasi ito naaabutan ng pera ay lagi siya nitong sinusugod sa pinagtatrabahuhan niya at ipinapahiya dahilan para matanggal siya sa kompanyang pinapasukan niya kaya naman pag-uwi niya ay sinagot-sagot niya ito. Pero, imbes na siya ang kampihan ng ama niya ay tinulungan pa nito ang madrasta niya na palayasin siya sa sarili nilang bahay. At para wala na lang gulo ay napilitan na lamang siyang umalis kahit pa nga hindi niya alam kung saan siya pupunta. Sa gitna ng kawalan ay makikilala niya si Macarius Villaverde. Ang lalaking guwapo at macho ngunit mapurol ang utak. At kagaya niya ay mahirap din ito ngunit may sariling bahay. Patitirahin daw siya nito ng libre sa bahay nito pero may kapalit. Kailangan niya lang daw itong tulungan na mapalayas ang mga kapatid nito sa labas na siyang nakatira na ngayon sa bahay na minana pa nito mula sa ina nito kaya naman labis-labis ang awa na nararamdaman niya para sa lalaki. Paano kung isang araw hindi na pala awa ang nararamdaman niya kung hindi pagmamahal na? Maintindihan kaya ni Macarius ang salitang pagmamahal gayong wala itong alam sa lahat ng bagay?

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Bakit umiiyak ka? Ano ang nakakaiyak?" Napalingon si Callynn sa lalaking nagtanong sa kaniya. Matangkad ito, matipuno at magandang lalaki rin. "Pinalayas ka?" Kahit hindi niya ito kilala ay tinanguan niya ito. Hindi naman kasi ito mukhang masamang tao dahil maganda ang porma at tindig nito. "Bakit?" "Mahabang kuwento," tipid niyang sagot. "Eh, 'di paikliin mo." Nag-away kasi sila ng madrasta niya kanina dahil sa tuwing hindi niya ito nabibigyan ng pera ay nababaliw ito. Kung ano-ano kasi ang kabaliwan na ginagawa nito para mapahiya siya. 'Yong ginawa nitong pagsigaw-sigaw kanina sa labas ng factory na pinapasukan niya ay hindi na talaga niya pinalampas dahil pag-uwi niya ay pinagsalitaan niya ito dahil sa sobrang inis niya. Nang madatnan sila ng ama niya sa ganoong tagpo ay ito ang kinampihan nito imbes na siya. 'Yon ang dahilan kaya nandito siya sa kalsada ngayon dahil pinagtulungan siyang palayasin ng dalawa. May mga kaibigan naman siya na puwede niyang puntahan kaya lang baka idamay ito ng madrasta niyang sira ang ulo. "Wala ka bang mapupuntahan?" "Meron," pagsisinungaling niya. "Hinihintay ko lang siya na dumating." Kahit mukha itong mabait ay hindi siya basta-basta sasama rito dahil hindi naman niya ito kilala. "Saan ba siya manggagaling?" "Malapit na raw siya." "Okay. Mauuna na ako sa iyo. Ingat ka dahil may mga magnanakaw at rapist dito kapag mga ganitong oras." Tumingin ito sa suot nitong relo habang nakakunot ang noo nito na para bang may kung ano itong nakikita. "Bakit?" takang tanong niya. Bigla nitong itinago ang relo nito sa likuran nito sa hindi niya malamang dahilan. "W-wala. Sige, uuwi na ako," anito at pagkatapos ay tumakbo na ito paalis dahilan para mapailing siya. Pag-alis ng estranghero ay saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lang at may bubong ang sinisilungan niya ngayon dahil kung wala ay tiyak na kanina pa siya basa ganoon din ang mga gamit niya. Dahil mukhang matagal pa bago tumila nag ulan ay sumalampak na muna siya sa sahig at isinandal ang likod niya sa pader habang yakap ang isa sa mga bag niya dahil nilalamig na rin siya. Ipinikit niya sandali ang mga mata niya dahil inaantok na talaga siya. "Sa bahay ka na muna habang wala pa 'yong hinihintay mo." Bigla niyang naidilat ang mga mata niya nang marinig niya ang pamilyar na tinig. Nakasuot na ito ngayon ng kapote at may dala-dala na ring payong. "May bagyo ngayon kaya siguro wala pa 'yong sundo mo." "Ayos lang ba kung makituloy ako sa bahay mo ngayong gabi?" alanganin niyang tanong. "Hindi ba magtataka ang mga magulang mo kapag inuwi mo sa inyo gayong hindi naman tayo magkakilala?" "Mag-isa lang ako sa bahay." "Mag-isa ka lang?" Tinitigan siya nito. "Mamaya mo na ako tanungin nang tanungin. Sa ngayon, kumilos ka na muna dahil lumalakas na ang ulan." "Sige." Tumayo na siya at isinukbit na ang bag na yakap niya kanina. Ang lalaki naman ay may kung ano na dinukot sa bulsa nito. Napangiti siya nang makita niya na plastic pala ang dinukot nito sa bulsa nito at pagkatapos ay ibinalot nito ang mga gamit niya para hindi ito mabasa. "Salamat." "Sumunod ka sa akin," anito nang maibalot nito ang lahat ng gamit niya. Halos lahat ng gamit niya ay ito rin ang nagbitbit. Hindi niya ito kilala pero nakapagtataka na hindi siya kinakabahan na sumama siya rito ngayon. "Bilisan mong maglakad dahil hatinggabi na." "Oo." Ang bilis nitong maglakad kaya binibilisan niya rin ang lakad niya. "Mister, malayo pa ba?" "Malapit na." Nang huminto ito ay huminto na rin siya. "Dito na tayo." Hindi kalakihan ang bahay nito pero maayos. Ganito ang mga bahay na gusto niya. Maliit pero maganda at ramdam mo ang katahimikan. "Magbihis ka muna dahil basang-basa ka na," utos nito sa kaniya. "Diyan ang banyo." "Sige." Kumuha siya ng panty, bra, short at damit sa bag niya bago siya nagtungo sa banyo para maligo. Nakakahiya naman kasi kung hindi siya maliligo gayong nakita siya nito na nakasalampak sa sahig kanina. Nang matapos siyang maligo ay agad siyang lumabas. "Kumain ka na ba?" Nagulat siya nang makita niya ito na nakaabang sa labas ng banyo. "Kung hindi pa, sabayan mo ako." At dahil wala pa siyang kain ay mabilis siyang sumunod dito. Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa dingding ng bahay nito. Ala-una na pala ng madaling-araw. "Ngayon ka pa lang ba kakain?" tanong niya sa lalaking kaharap na tahimik na kumakain. "Oo." "Bakit?" "Galing kasi ako sa trabaho." "Ano ba ang trabaho mo?" Tumigil ito sa pagsubo sabay tingin sa kaniya. "Mamaya ka na magtanong. Ubusin mo muna 'yang pagkain mo bago ka magsalita." "Sorry." Sinunod niya ang gusto nito. Masarap ang ulam na nakahain sa lamesa kaya marami ang naubos niya. Gusto niya sana itong tanungin kung sino ang nagluto kaya lang baka magalit na ito. Nang matapos itong kumain ay dinala nito sa sink ang pinagkainan nito. Pinunasan na rin nito ang puwesto nito kung saan ito kumain at pagkatapos ay nagtungo na ito sa maliit nitong sala para buksan ang telebisyon saka umupo roon. "Ngayon ka lang ba nakikita ng tao?" tanong nito nang mahuli siya nitong nakatitig sa pigura nito. "Puro unggoy ba ang kasama mo sa bahay niyo?" "Tao rin naman." "Eh, ba't parang first-time mong makakita ng tao ngayon?" "Wala lang. Ang cute mo kasing tingnan," sabi niya dahil totoo naman na magandang lalaki ang kasama niya ngayon. "M-matagal ko ng alam 'yon," anito na tila nahihiya. "Marami na ang nagsabi niyan kaya hindi na ako nagulat," dagdag pa nito. "Salamat nga pala dahil pinatuloy mo ako rito sa bahay mo. Hayaan mo, bukas na bukas ay hahanap ako ng matutuluyan ko." "Tapusin mo muna 'yang kinakain mo bago ka magsalita," sa halip ay sabi nito. Prente na itong nakahiga sa ibabaw ng sofa. "Mamaya tayo mag-usap tungkol sa bagay na 'yan." "Sige." Inubos niya ng tahimik ang pagkain niya. Hinugasan niya rin ang pinagkainan niya at nilinis ang lamesa. Nagwalis din siya at inilagay niya rin sa ref ang mga ulam na natira. Nang makitang malinis at maayos na ang lahat ay saka siya lumapit sa lalaki. "Marunong ka bang magbasa?" tanong nito na ikinataka niya. Nang hindi siya sumagot agad ay bumangon ito at sinimangutan siya. "So, hindi ka marunong magbasa?" "Bakit mo tinatanong?" "Sagutin mo muna ang tanong ko bago ka magtanong." "Siyempre marunong." "Eh, magsulat saka magbilang?" "Marunong din siyempre." "Talaga?" Animo'y nakarinig ito ng magandang balita nang sinabi niya na marunong siyang magbasa, magbilang at magsulat. "Bakit?" Umupo ito ng tuwid. "Patitirahin kita ng libre dito sa bahay ko. Kung ano ang pagkain ko ay iyon din ang kakainin mo. P'wede mong gawin ang lahat ng gusto mo basta turuan mo akong magsulat, magbasa at magbilang tuwing gabi," mahaba nitong wika. "Sa araw kasi ay nasa trabaho ako kaya sa gabi lang ako may oras." Dahan-dahan siyang umupo sa kahoy na kaharap lang ng inuupuan nito. Hindi siya makapaniwala na hindi ito marunong magbasa, magsulat at magbilang. Iniisip niya kung tama ba ang ibinibigay dito na sahod o kulang-kulang. "Saan ka ba nagtatrabaho?" tanong niya. "Kargador sa palengke." Kaya siguro malaki ang katawan nito. "Ano'ng binubuhat mo?" "Marami." Bigla siyang nakaramdam ng awa sa lalaking kaharap. "Magkano ba ang sinasahod mo sa pagbubuhat?" Hindi nga pala ito marunong magbilang. "Kalimutan mo na lang 'yong tanong ko." "Hindi pare-pareho. 'Yong kaibigan ko kasi ang nagbibilang ng sahod. Depende kasi sa buhat 'yong sinasahod ko." "Pumapasok ka ba araw-araw?" Tumango ito. "Wala akong day off." Napabuga siya ng hangin. Maghahanap siya ng papasukan bukas dahil ayaw niyang maging pabigat. "Sa gabi lang talaga ako may oras." "Tuturuan kita bukas ng gabi. Sa ngayon, matulog ka na dahil madaling araw na." "Sige." Naaawa siya ng sobra sa lalaking kaharap. Hindi niya akalain na wala pala itong alam gayong mapagkakamalan mo itong may magandang trabaho base sa mukha at porma nito. Sigurado siya na ginagawa lang itong utusan o 'di kaya'y inaapi ito dahil nga wala itong alam. "May pamilya ka pa ba?" tanong niya. "'Yong mama ko patay na. 'Yong tatay ko buhay pa pero may asawa na. Mayroon akong tatlong kapatid sa labas at sila ngayon ang nakatira sa bahay na iniwan ng mama ko para sa akin. Nang mamatay ang mama ay pinalayas nila ako. H-hindi ko kasi mabasa ang nakalagay sa dokumento kaya hindi ko alam kung ano ang nakalagay doon. Sabi ng papa ko, wala raw akong karapatan sa bahay na 'yon dahil patay na ang mama." "'Wag kang papayag na walang day-off," may kataasan ang boses na sabi niya. "Hindi naman puwedeng sa gabi lang kita tuturuan kung kailan pagod na pagod ka na. Sa day-off mo, maghapon kitang tuturuan para matuto ka kaagad. Sino ba ang amo mo sa palengke? Sasama ako mamaya sa iyo para makausap siya. Hindi tama 'yang ginagawa nila." "Ano'ng gagawin mo? Aawayin mo ba sila?" "Oo!" pasinghal niyang sabi. "'Wag!" pigil nito. "Mawawalan ako ng trabaho kapag ginawa mo 'yon. Saan tayo kukuha ng kakainin natin kapag pareho tayong walang trabaho?" "Maghahanap ako! Porque wala kang alam ginaganiyan ka nila!" Ang akala niya siya na ang pinakamalas meron pa palang mas malala kaysa sa kalagayan niya. Pambihira! Ano'ng laban ng lalaking 'to sa malupit na mundo kung wala itong alam?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook