Sa kalagitnaan ng hating gabi habang mahimbing na natutulog si Sandy ay nakaramdam siya ng panlalamig sa buong katawan. Tila ba may malamig na hangin ang pumasok sa kaniyang silid na nagpakilig sa kaniyang kalamnan. Naalimpungatan ito at nagtalukbong ng kumot hanggang sa maalala niya na hindi naman siya nag bukas ng kaniyang aircon kaya bigla siyang napadilat habang nasa ilalim ng kumot. Pinakiramdaman niya munang mabuti ang paligid at pinakinggan. Wala siyang naririnig kung ‘di ang hangin na galing sa labas. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kumot na nakatakip sa kaniyang mukha at sinilip ang buo niyang silid at napansin ang isang bintana na bukod tanging naka bukas habang pumapasok ang malamig na hangin. Tandang-tanda niya pa na isinara niya ito bago ito matulog dahil iniiwasan niya na ma

